Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
I'll try being nicer if you'll try being smarter.
Join our research panel, get paid for giving your

Do’s and Dont’s Sa Loob ng Sinehan

Posted May 16, 2008

Isa na sa mga favorite past-times nating mga Pinoy ang manood ng sine. Pero dahil chochal ka, dapat alam mo ang mga do’s and dont’s na dapat sundin kapag nanonood ng sine. So ano pang hinihintay nyo, ang susunod na sequel ng Shake, Rattle & Roll?! Read on!

Do’s

1. Silent thy phone.

Ito na yata ang isa sa mga gasgas nang paalala na paulit-ulit na ina-announce bago pa mag-umpisa ang movie pero meron at meron pa ring mga pasaway na hindi sumusunod. Ang nakakaasar pa, kung kelan emote na emote ka na sa linya ni Popoy (John Lloyd Cruz) kay Basia (Bea Alonzo) sa One More Chance na “you loved me at my best, she had me at my worst, and u chose to break my heart…” at handa nang tumulo ang luha mo from your right eye going down to your left cheek eh biglang may tumunog na mp3 ring tone ng “Papaya” ni Edu Manzano! Kaimbyerna devah! Kaya make sure lang na bago ka pumasok sa loob ng sinehan, eh i-silent mode mo muna ang cel mo noh! Pwede?!

2. Silent thy self.

Minsan, hindi lang cellphone ang dapat mong i-silent mode. Minsan, kailangan mo ding i-silent ang bibig mo. Alalahanin mo na nasa sinehan ka with different people na may iba’t ibang moods, trip, kulay, amoy, etc. Wala ka sa sarili mong pamamahay kaya di uubra ang trip mo na mag-ingay na dinig ng buong neighborhood. Magkaroon ng kahit konting finesse. Okay lang naman na mag-emote o ma-carried away sa pinapanood mo pero make sure lang na hindi ka nakakaistorbo ng ibang tao. Okay lang din kung halimbawang lahat kayong nanonood ay napapasigaw sa bawat scary at kagulat-gulat na eksena sa “Sukob” or mapapahagalpak ng tawa sa “Manay Po”. At least, di ka nag-iisa. Ang nakakainis kasi eh yung tatlong beses mo na pala napanood yung movie at halos kabisado mo na ang bawat eksena at linya tapos eh ia-announce mo pa sa loob ng sinehan na parang State of the Nation Address ang mga susunod na scenes. At uunahan mo pang mag-dialogue yung bida as if ikaw yung sumulat ng script. At talagang hindi ka pa nakuntento dahil inannounce mo din ang ending as if ikaw si Nostradamus! Kaimbyerna talaga! Kung ganyan din lang ang gagawin mo, eh di sana ikaw na lang ng binayaran nila noh! Babayaran ka nila para lumayas ka sa loob ng sinehan dahil kunsumisyon ka!

3. Silent thy neighbor.

Same lang din ng number 2. Palitan lang ang mga words na “mo” ng “nya” at “ka” or “ikaw” ng “sya”. Kung paanong pagpapatahimik ang gagawin mo sa katabi mo, eh problema mo na yan noh! Magdala ka ng bulak para sa tenga mo kung gusto mo.

Dont’s

1. Huwag magdala ng mga “smelly foods”.

Hindi na ako magtataka kung bakit ipinagbabawal na sa ilang mga sinehan ngayon ang magdala ng sariling food sa loob ng sinehan not unless sa sarili nilang snack bar ikaw bibili. Na-experience ko na kasi dati na may nakasabay akong manood na nagbaon ng pancit palabok. Pancit palabok pa yun sa Jollibee if I am not mistaken. Pramis, nawala ang concentration namin sa pinapanood naming “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” dahil napunta na ang attention ng mga nanonood sa nagtatawag na amoy ng pancit palabok. Eh pancit palabok pa lang yun noh! Pano pa kung bagoong, durian, longanisa, at higit sa lahat, kamote (if you know what I mean) ang dinala sa loob ng sinehan?! Kaya hayaan mo na lang ang mga the usual na popcorn, potato chips, or peanuts ang baunin mo sa loob para na rin sa ikapapayapa ng mga kapwa mo nanonood.

2. Huwag tumingin sa kung saan-saan.

Just focus and concentrate sa pinapanood mo dahil sayang din ang ibinayad mo dyan noh! Ang mahal pa naman ng bayad sa sine ngayon, para ka na ring kumain ng tatlong beses sa isang araw! Kaya wag na tumingin pa ibang bahagi ng sinehan, lalo na sa kasuluk-sulukan, kadilim-diliman, at kadulu-duluhang bahagi dahil baka kung ano pang hindi karapat-dapat ang makita mo. Ikaw din, baka singilin ka din nila, eh di doble pa ang babayaran mo, devah?

3. Don’t be afraid to show your emotions while watching.

Emote kung emote. Cry kung cry. Laugh kung laugh. Afraid kung afraid. Basta make sure lang na di ka nakakaistorbo ng ibang tao. Hindi din masama kung magbigay ka ng masigabong palakpakan pagkatapos ng movie to show some appreciation. Dahil ang tunay na chochal, marunong mag-appreciate ng kagandahan, mapa-movie pa yan o kung anupaman.

That’s all mga kachochal! Til next issue!

Happy movie matching!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Rudy Fernandez in Markang Bungo: “Walang personalan. Trabaho lang.”

Ms. F: “Walang personalan. Chochalan lang.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

61 Responses to “Do’s and Dont’s Sa Loob ng Sinehan”

Note: Latest comments are shown first.
  1. alxyz said, August 21st, 2008 at 3:30 pm


    ang galing…

    un lng…

  2. Ms_Big_Butt said, August 15th, 2008 at 11:13 am

    korekkkkk ka jan sistor hahahahahaha..
    at saka yung naglalampungan dyan sa tabi dapat sinali mo Ms. F. eh nakakakaka.. dapat sa kanila duon na dumeretso sa lodging house hehehehehe

  3. j2hot said, August 6th, 2008 at 6:29 pm

    Dapat Ms F dinagdag mo rin “Don’t bring thy own show” para dun sa mga naglalampungan sa tabi tabi, sulok sulok at kadilim diliman. :)

    Nice article though.

  4. c_a_r_l_a_16 said, July 31st, 2008 at 6:46 pm

    dpt kung mno2od k ng sine bhve lng at kylngn sulitin ang binyad ntin at wg n 2mingin s iba at dpt focus k s pinpnood mo ndi s mga ktbi mo kung anu2x gingwa.

  5. sasori_red_sands said, July 19th, 2008 at 5:27 pm

    hmm… regulations sa cine… panget din nmang magingay dun.. i agree … kc sayang din ung bayad mo sa cine kung madidistruct k lang …. huh..

  6. ligaya said, July 17th, 2008 at 9:38 pm

    i dont know kung maaaliw ka or maiinis ka sa blog ni Ms. F pasintabi lang sa mga “low profile” kunong mga fans nya. Kung tutuusin this is so cliche. Lhat ng mga advice luma walang ng bago. marami na ang nagsulat ng gaun… Ms F blog is not the one that u would like to read it para maaliw ka. bored ako sa office… gusto kong maaaliw but when i read it … damn mas lalpo akong inatok … sorry ms F. even the chochal as ur saying would’nt appreciate it. Wlang bago… puro luma ang advices. I hope wag gamitin ang CHOCHAL, i dont think it wud fit here in ur blog.. thats all. if u want to be humored i suggest to read the book of WANDA ilusyunada. or visit the website just search it on the net… hope all’s well

  7. alex_23 said, July 5th, 2008 at 12:13 pm

    kaya ako sa dvd na lang nanonood. pwede pa magingay…. ang pwet ko habang kumakain ng kamote!!

    har har

  8. kathirene_ann said, June 25th, 2008 at 4:57 pm

    pa add naman nyo ako mga katropa ko sa friendster

    kathirene_ann@yahoo.com

    reynold_012@yahoo.com

    Greth_oliver@yahoo.com

    pretty_cure09@yahoo.com

    cute_kathirene@yahoo.com

    shamaelkan_@yahoo.com

  9. ging80 said, June 12th, 2008 at 10:42 am

    tama hahahahaha

  10. xianne said, June 5th, 2008 at 11:56 pm

    ok tma un bumili kn lng ng cd at sa bahy manood nd kna naka2istorbo wla kpa maiistorbo db?wla kpa maki2ta na LIVE SHOWWWWWWW WHAHHAAHHAHA

  11. niel_zro said, June 2nd, 2008 at 6:34 pm

    para mkatipd>>> nko! msydng mgsts yng snhan bli kana lng ng cd or dvd sa musliman mura pa! mkktawad p!
    >>>>>

  12. sis love said, May 30th, 2008 at 9:16 pm

    ok un aah .. may glamour pan mayaman… chochal

  13. IFUGAO said, May 30th, 2008 at 8:35 am

    wala ako alam dyan :roll:

  14. simzz said, May 26th, 2008 at 4:44 pm

    nkaka intriga c ms.F, sino ka po ba tlga? pede ka po ligawan?..heheh

  15. jheannie028 said, May 25th, 2008 at 9:22 pm

    wag keo mxdo mlikut..
    nk2istorbo!!
    nk2storbo s mga naglu2ving luving!!
    hahaha

  16. dixie_gurl said, May 25th, 2008 at 8:48 pm

    hahaha wag na sumilip bka mabulag kp sa makita mo… Rated R na un hahahaha

  17. mhican987 said, May 23rd, 2008 at 3:11 pm

    hAhA. .f ayaw mu mG pais2rBo. .mkA iS2rBo or mnG s2rBo. .iTs bEtTer knG bi2Li knA lnG nG cd den watch it nlng in ur home dvah?!

  18. poulain said, May 22nd, 2008 at 12:45 pm

    if you really want to enjoy what you’re watchin’ and being a sophisticated Chochal go to Greenbelt/IMAX or Rockwell, dun bawal jologs.. binabaril maingay dun.. bwahahah

  19. neo21 said, May 20th, 2008 at 4:03 am

    nakow! rated PG ata artik takboooooOOO!!! balik na ako sa forum

  20. neo21 said, May 20th, 2008 at 4:02 am

    “Silent thy neighbor…”

    tayp na tayp to ayiiiiiiiiii!!!!! pasakan ng pedeng ipasak sa bunganga ahihihi

  21. neo21 said, May 20th, 2008 at 4:01 am

    “Huwag tumingin sa kung saan-saan…”

    huwag tumingin sa kung saan-saan dahil madilim indi mo rin makikita… damahin mo na lang, pede din salatin na lang nyahahaha

  22. neo21 said, May 20th, 2008 at 4:00 am

    “Don’t be afraid to show your emotions while watching…”

    kasama ba sa emosyon ang mapangahas na kamay, makatindig ano… basta makatindig sa lahat ng pede tumindig. nyahahaha!

  23. neo21 said, May 20th, 2008 at 3:59 am

    panu na ung lamfungan sa sinehan? nyahahaha!

  24. mau said, May 18th, 2008 at 2:17 pm

    hahaahaha
    ganda ng do’s and does’s mo tama yan…. chochal…………..

  25. sakura said, May 17th, 2008 at 8:05 pm

    Hi Ms. F!

    Hope u r doin fine!

    Ako, I hate talaga to watch movie pag yong katabi mo eh sobrang ingay…as in sobrang ingay ng balat ng crackers/junk foods na kinakain nya!

    So additional tip lang sa mga ka-chochal natin dyan, mas okay kung kumain na before watching the movie…and magtoilet na rin…at least continuous mo mapapanood ang movie at…maiintindihan mo pa ang story!

Pages: « 3 2 [1]

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.