O diba nakaka-ilang updates na ang aking mga co-columnists na sina Ms. F at DJ Jeprox, at ako ngayon pa lang maglalabas ng aking 2nd entry? Ganyan talaga, ako pinakamaganda dito eh. Kumbaga ako ang reyna at mga muchacha ko lang sila. Or ako ang prinsesa, at sila ang aking aliping sagigilid at aliping namamahay. Or ako ang Miss Universe, at mga runners-up ko lang sila. Davah!
Anyway Dear Readers, kasalanan kasi ng bago kong boyfriend na si Ocho Kargada kung bakit panandalian ulit akong nawala. Tanungin ba naman ako kung alam ko daw ba yung show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan”? Syempre sumagot ako ng “Papa O (yun ang tawag ko sa kanya) ano ba naman yang tanong mo. Kacheapan!” Tapos sabi nya, gusto nya daw kasing gumawa kami ng sarili naming nightly program, na ang pamagat naman ay “Walang Hugutan!” Kaloka! Napaka-naughty talaga ni Papa O! Syempre pumayag naman ako agad davah! Ang haliparot ko talaga, hihihi. Kaya heto, daig ko pa ngayon si Curacha, ang babaeng walang pahinga. Pero tignan nyo ang blooming ng lola nyo ngayon, parang gumamelang namumukadkad!
Read the rest of this entry »