Konichiwa my Dear Readers! Did you all miss my fabulosity? Aminin! Medyo natagalan ang aking bagong entry dahil kagagaling ko lang sa Japan, Japan, sagot sa kahirapan. Gagah hindi ako nag-japayuki, I just had a little R&R there (para sa mga tatanga-tanga, that’s “rest and recreation”) upang makalimot sa isang nabigong pag-ibig. Yes my Loyal Followers, nakipag-hiwalay na ko kay Papa Dingdong Dantes (whom I used to fondly call “BigDong”) dahil feeling ko masyado na syang nai-inlab sa akin, at hindi pa ako handa sa isang serious commitment right now. I mean, diba, so many men, so little time!
Anyway highway skyway don’t block the driveway I did it my way Ms. Norway! Our column for today ay ang Part Deux ng “Trulalu or Eklavu!” Ready, get set, go ka na ba? Pwes ilagay ang kanang-kamay sa dibdib, ilagay ang kaliwang kamay sa bokong-bokong, gumalaw na parang bakulaw, ngumiti na parang paniki, mag-boom-tiyaya-boom-tiyaya-boom-yeye, hanapin si Basilio at Crispin, and… o diba mukha kang tanga sa pinag-gagagawa mo? Hihihi! O sya, let’s play… Trulalu or Eklavu, take two!



