Mga Katambay! Kumusta naman kayong lahat? Since hindi ko kayo nabati for the past few occasions, I’ll take this opportunity to do that. Merry Christmas, Happy New Year, Happy Three Kings, Happy Valentine’s and More Power to People Power! Ayan, katatapos lang kasi ng anniversary ng EDSA at ng big rally sa Makati kaya medyo may hangover pa ng pagiging makabaka.
But let’s put aside muna for a moment our political stance. Let’s take a breather ika nga. At yan ang aking magiging role sa inyo today. Ako ang inyong magiging pahinga for a brief moment from all the political turmoil that’s going around. Di ba medyo nakakapagod makinig ng balita recently? Kaya ako na lang muna ang pakinggan nyo. Let my soothing and titillating voice rock your world kahit sa loob lang ng labinglimang minuto.



