Aloha from the land of hurricanes and super typhoons, the Philippine Islands! Mabuhay mga Katambay! O di ba, come hell or high water after the most recent tragedies that struck our beautiful islands, talaga namang hindi pa rin ako papaawat sa pagbibigay ng saya at ligaya. Sabagay ito na nga lang ang munti kong kontirubusyon sa ating bayan na matapos ang sunod sunod na delubyo, eh kahit paano e mabigyan ko pa rin kayo kahit na kaunting tawa. And I’ll do it the best way I can…. sa pagsasalita. As much as I want to dance sexy in front of everyone, e talaga namang baka mas lumala ang delubyo. Kaya mabuti pa, pagpantasyahan nyo na lang ako. Hehe!
Chika Lang Yun
Posted on 12th September 2009 | 7 Comments »
Mabuhay mga katambay, mga pasaway, mga mahahalay at mga walang magawa sa buhay! O-ha! Kala nyo next year na ang balik ko noh? Well, sorry to disappoint you but I’m here and here to stay. I love it when you love me. I know you do. Hihihi!
At dahil naman na-miss nyo ko ng todo, andito ko para makipagchikahan sa inyo ng saglit. Nga pala, help me spread the love. If you have friends who dont know about this page yet, go ahead and spread the news. Spread my words. Naks! Nosebleed. Tissue please.
Let the pain remain
Posted on 10th August 2009 | 24 Comments »
O di ba, ang dramatic ng title natin ngayon? Syempre mga katambay, kasi ganyan din ka-dramatic ang letter na babasahin ko sa inyo ngayon. The letter I’m going to read to you is about a man’s struggle to fight for his love. The only love he has ever known. Will he hold on? Will he let go? Abangan nyo ang kasagutan na yan sa kabuuan ng sulat. And talking about his letter, ito ang isa sa mga linya na kanyang binitawan:
“I kissed her. I’ve put my entire heart into my lips. Despite the quivering cold and the tearing of my heart during that stormy night, it was with everything I had. Kahit pa it was just shortlived and simple, it was completely me with my guard down and honest. At that moment I could not call my lips my lips, for they were hers and hers alone.”
Pangtanggal-kati
Posted on 20th July 2009 | 6 Comments »
Hello, Halu at Haller mga Katambay! And Yours Truly is here again. In fairness, para lang akong ulan sa disyerto di ba? Madalang kung dumating pero nakakapawi ng uhaw… Sarap!
Andito akong muli para bigyan na naman kayo ng kaunting tuwa, kaunting saya, kaunting ligaya. Kaunti na lang at Ligaya na ang itatawag nyo sa akin… Mas masarap!
At syempre since matagal-tagal akong nawala, I’m sure kating-kati na kayong marinig ang tinig kong akala mo’y makakakamot ng iyong kati… uhmmmm… Pinakamasarap!
Letting Go
Posted on 4th March 2008 | 64 Comments »
Mga Katambay! Kumusta naman kayong lahat? Since hindi ko kayo nabati for the past few occasions, I’ll take this opportunity to do that. Merry Christmas, Happy New Year, Happy Three Kings, Happy Valentine’s and More Power to People Power! Ayan, katatapos lang kasi ng anniversary ng EDSA at ng big rally sa Makati kaya medyo may hangover pa ng pagiging makabaka.
But let’s put aside muna for a moment our political stance. Let’s take a breather ika nga. At yan ang aking magiging role sa inyo today. Ako ang inyong magiging pahinga for a brief moment from all the political turmoil that’s going around. Di ba medyo nakakapagod makinig ng balita recently? Kaya ako na lang muna ang pakinggan nyo. Let my soothing and titillating voice rock your world kahit sa loob lang ng labinglimang minuto.
Malamig na Pasko
Posted on 17th December 2007 | 27 Comments »
Hey there Care Bear! Kumusta naman kayo dyan? Syempre ako ay muling nagbabalik para na naman sa pagsasayang ng inyong oras. Pero habang ginagawa kong sayangin ang inyong panahon, kayo naman ay siguradong mag-eenjoy.
O di ba? Kung talaga nga namang wala kayong magawang mabuti, might as well na pakinggan nyo na lang ang aking programa. Kesa nga naman tumambay kayo sa tindahan at manakot ng lahat ng nagdadaan, dyan na lang kayo sa bahay o sa internet shop at makipag-jamming sa isa na namang walang katuturang kinse minutos ng inyong buhay buhay.
At ano nga ba ang sa atin ngayon? Syempre since malapit na ang pasko, kelangan medyo timely ang ating theme. Itong ating show ngayon is all about those people who are single lalo na ngayong magpapasko. At apart from making you even more depressed dahil talagang ipinapaalala ko na loveless ka pa, I am going to give you helpful tips para naman maibsan ang iyong malalamig na gabi.
Online Love
Posted on 13th November 2007 | 59 Comments »
Ola, mabuhay, ole mga Katambay! Kumusta naman kayong lahat dyan? Ako eto mabuti, masarap pa rin at talaga namang kaakit akit.
Sya nga pala, this program is specially dedicated to all Beyonce’s fans out there, at pati na rin kay Kumareng Beyonce Knowles. Napanuod nyo ba yung concert? Ako quesihodang siksikan at tulakan, nakipaggitgitan talaga ko para lang makita ko si Kumare sa stage na kumakanta ng “To di lip, to di lip”. Ibang klase ang Beyonce experience. Sulit ang pagsampa ko sa pader ng concert walls dahil wala akong pambili ng tickets. At sa husay ng performance ni Kumare, kahit pa mga dalawang oras akong nakatayo at umiindak indak to her beat aba ay nakakawala ng pagod. Samantalang under normal conditions, maglakad lang ako ng isang kanto e masakit na likod at tadyang ko. O di ba parang lolo?
Dinner Date Anyone?
Posted on 20th September 2007 | 27 Comments »
Kumusta naman? Ito na naman ako nagbabalik para magpahalik. Hahaha! How are you everybody? I’m sure you’d all have a blast listening to our program this week. In this podcast, I’m introducing a new portion-portionan…the Topic of the Week! For our very first topic, you’ll get to listen to some of my sensible tips on dating, including tackling some very improtant questions such as: To chansing or not to chansing? Bwahahaha! Kayo ba ay lagi na lang nangangamba sa tuwing may nag-iimbita sa inyong makipag-date? If that’s the case, I suggest you listen to our program and learn some inspiring tips on dating. Plus, we even have a bonus video na sigurado namang kikiliti sa inyo mga imahinasyon.



