Isa na sa mga favorite past-times nating mga Pinoy ang manood ng sine. Pero dahil chochal ka, dapat alam mo ang mga do’s and dont’s na dapat sundin kapag nanonood ng sine. So ano pang hinihintay nyo, ang susunod na sequel ng Shake, Rattle & Roll?! Read on!
C is for Chochal
Posted on 28th April 2008 | 27 Comments »
One year ago, may bagong word dito sa column na “alien” sa mata ng mga mambabasa.
Chochal.
Ang jologs. Parang chichacorn. O di kaya chichay.
Actually, matagal nang kumakalat-kalat ang word na ito sa forum ng TristanCafe. Pero sa mga hindi pa familiar sa word na ito, alin lang sa mga sumusunod ang magiging reaction mo…
a. Duh?!
b. Huwat?
c. Ewwww!
d. What.Everrrr…
Eh ano nga ba ang ibig sabihin ng chochal at ano naman ang significance nito sa bansang Pilipinas at sa buong mundo, kung meron man?
What’s So Cool About Summer?
Posted on 6th April 2008 | 13 Comments »
Summer na naman. Pero sa halip na mag-init ang ulo dahil sa init ng araw, bakit hindi na lang basahin ang mga sumusunod na tips at para magkaroon ng idea on how to make your summer cool and most of all, chochal.
1. You can wear your basahan outfit and other people will not give a damn.
Dahil mainit at maalinsangan ang panahon, maaari mo nang ilabas sa baul at isuot ang basahan outfit mo na mas applicable isuot ngayong summer dahil presko sa katawan. Lalo na yung basahan outfit mo na sobrang nipis, in fact mas manipis pa sa balat ng sibuyas, because 10 million times nang nalabhan dahil sa kalumaan. Ito din yung basahan outfit mo na isang hibla na lang ng sinulid ang nag-uugnay sa iba’t ibang bahagi ng retaso para magmukha syang damit. But the most important thing is, walang pakialam ang ibang tao sa basahan outfit mo dahil summer naman. Baka nga gayahin ka pa nila at presto! Nagkaroon ka pa nang sariling fashion statement at origin ng kakaibang fashion trend! Bongga!
Table Manners the Chochal Way (part 1)
Posted on 16th March 2008 | 13 Comments »
Haller mga kachochal!
It’s 2008 and let’s start the year with a bang! Dahil Year of the Rat ngayon, hindi ibig sabihin na kailangan nating mamuhay na parang daga na nakatira sa lungga! That’s very un-chochal! Instead, kailangan nating gayahin si Mickey Mouse sa pagiging bonggacious! Wag mangambang ilabas ang kachochalan devah!
Bilang pabwena mano ng taon, narito ang mga Table Manners na dapat sundin at iapply sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga chochal. Syempre, dapat act with finesse lagi kapag nasa public place kesehodang kaya mong umubos ng dinosaur dahil PG (Patay Gutom) ka. But wait there’s more, Part 1 pa lang yan! So that means may Part 2, Part 3 and God knows kung hanggang ilang part abutin yan devah! Ano pang hinihintay nyo? Armageddon?! Read on!
Do’s and Dont’s sa Valentine’s Day
Posted on 13th February 2008 | 5 Comments »
Haller mga kachochal! February na naman! Ilang araw na lang, Valentine’s Day na naman! Pero bago sumugod upang maki-join sa Lovapalooza, basahin muna ang mga sumusunod na do’s and dont’s na dapat sundin ng isang chochal kapag Valentine.
Do’s
1. Magpa-reserve/Magpa-book in advance.
Alalahanin mo na hindi lang kayo ng gf/bf mo ang magce-celebrate sa Araw ng mga Puso kundi lahat ng mga magsing-irog sa 7,000 plus islands ng Pilipinas. Alam mo naman ang mga Pinoy, mga romantic at lovestruck. Kaya expect mo na ang mahabang pila sa mga restaurants, hotels, motels, sinehan, at kung saan-saan pang mga lugar na pwedeng mag-celebrate ng valentines. Kaya kung ayaw mong ma-highblood at atakihin sa puso dahil sa kunsumisyon sa mahabang pila o di kaya ay maubusan/mawalan ng pwesto, mag-pareserve ka na ngayon pa lang. Maging girlscout/boyscout, dapat laging handa.
I Saw The Signs
Posted on 31st December 2007 | 20 Comments »
Anu-ano ang mga signs na ang isang chochal ay suki ng MRT, LRT 1 at LRT 2?
1. Kapag nakakita ng guard, automatic na nagbubukas na sya ng bag or inihahanda na nya ang sarili para magpakapkap.
Anytime, anywhere. Kahit na yung guard ay nakasalubong lang nya sa kanto o di kaya ay nag-aabang ng bus sa EDSA.
2. Laging panalo sa “Trip to Jerusalem”.
Expert na sya sa pakikipag-agawan ng upuan. In fact, alam na nya kung kelan bababa na ang isang pasahero sa susunod na station kaya alert na sya para mauna sa upuan.
Monito Monita Da Chochal Way
Posted on 24th December 2007 | 10 Comments »
Dahil nalalapit na naman ang Kapaskuhan, uso na naman ang mga Monito Monita at bigayan ng mga something something. Halimbawa, something cute, something blue, something funny or kahit anong adjective na pwede mong idikit sa “something” na yan. Kaya lang minsan, hirap na hirap humanap ng maireregalo ang iba para sa mga something something na yan, lalo na dun sa mga kinulang sa sustansya ng iodized salt. At ano pa nga ba ang silbi ko sa mundong ito bukod sa magsabog ng kagandahan kundi ang tulungan ang mga nangangailangan na iangat ang level ng kanilang kachochalan.
Narito ang mga sumusunod na gift ideas para sa inyong Monito Monita sa halagang 100 pesos or less:
Chochal Moves Kapag Nag-resign ang Fave Boss
Posted on 16th November 2007 | 9 Comments »
Haller mga kachochal! Ang topic natin ngayon ay request ng, ayon sa kanya, ay isang masugid na tagasubaybay ng column ng yours truly. Opo, sa maniwala kayo at sa hindi ay may nagpapadala po ng e-mail sa inyong abang lingkod, bukod sa mga email notifications na kesyo nanalo daw ako sa lotto, gayung hindi naman ako tumataya at mga emails na nagbebenta ng kung anu-ano, gaya ng viagra. Anyways, narito ang nilalaman ng kanyang email:
“…can u please feature next on how to do pag ng-resign ang mabait mong boss? sad un db?
please po…”
Glenda
Bweno, bilang katuparan ng iyong request, ay narito ang mga sumusunod na dapat gawin ng isang Certified Chochal kapag nag-resign ang iyong mabait na boss:



