Nope, hindi kayo namamalikmata at hindi din ako naliligaw. I’m back, brokeback! It’s me, Madam BJ (Brigida Jones for long) na mahilig sa BJ (buko juice) at malapit nang magtagumpay na maka-BJ (bungee jumping) si Dennis Trillo! Welcome back to me!
Nakiusap (a.k.a nagmakaawa) kasi si Ms. F sa inyong lingkod na maging guest columnist sa kanyang column habang nagpapagaling sya ng pigsa sa pwet. At dahil alam ko naman na namimiss na ako ng aking mga fans kaya pinagbigyan ko na sya. Tutal naman eh fun and fabulous, not to mention chochal, din ako.



