Gusto mo bang magkaroon ng drop dead gorgeous sexy body na kagaya ng kay Angel Locsin or Katrina Halili or abs na kagaya ng kay Marc Nelson or Wendell Ramos? Sa mahal ng fee para magpa-member sa mga sosy gyms ngayon or magpa-meso therapy or lipo-suction, malamang mamayat ka nga sa kunsimisyon. Pero dahil ang mga chochal ay kilala sa pagiging maabilidad at mapamaraan under challenging circumstances, narito ang mga paraan to lose weight without losing any single penny.
1. Diet…not!
Alam kong di na bago sa iyo ang mag-diet lalo na kapag malayo pa ang sweldo or Monday pa lang ay ubos na ang allowance mo. Pero alam mo ba na ang mga kumare kong mga supermodels na sina Tyra Banks at Claudia Schiffer ay against sa diet as a way to lose weight?



