Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Bakit Kailangan Maging Chochal?

Posted on 1st March 2007 | 52 Comments »

“You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!” splash…

Yan ang pamosong linya, with matching sabuyan ng wine sa mukha, ni Lavinia (Cherie Gil) kay Dorina (Sharon Cuneta) sa pelikulang “Bituing Walang Ningning”.

Trying-hard copycat. Masakit sa tenga. Parang mas gugustuhin mo pang maligo ka na lang ng wine (basta sosy yung wine ha!) kesa masampal ka ng mga ganyang salita!

Pero bakit nga ba tayo, trip na trip manggaya ng iba? Bakit ang hilig natin sa mga pirated and imitations? Bakit ang hilig natin kopyahin ang mga uso? Pero kapag nasasabihan ng gaya-gaya puto maya, violent reaction agad ang drama?! Bakit hindi na lang panindigan ang pagiging gaya-gaya and make the most out of it? Di ba dito lumalabas ang pagiging maparaan at madiskarte ng mga Pinoy? Bakit tanong ako ng tanong? At baket ka nangengealam kung nagtatanong ako?!

Read the rest of this entry »

MS. F Presents…

Posted on 26th February 2007 | 44 Comments »

Isa ka bang Poorika Peralejo or isang Best Buy Babe na type na type makijoin sa Super Sosy bandwagon pero hindi mo magawa dahil bukod sa tigang ang bulsa mo, tigang din sa vitamin F (isang uri ng brain vitamin) ang kukote mo at…ewan ko kung ano pa ang tigang sa yo. Eh bakit ka naman kasi nagpapakaTH as in Trying Hard sa pagpapaka-Super Sosy kung pwede ka namang maging Certified Chochal! FYI, “Chochal” will be the new “It” word of the Generation J (as in jologs).

Kaya bago ka maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng toothbrush sa pag-aakalang wala nang pag-asa pang matupad ang mga pangarap mong maging Super Sosyal, magdiwang sa pamamagitan ng pagkembot habang kumakandirit dahil andito na ang Dyosa ng mga Chochal! Presenting…Ms. F!

Read the rest of this entry »