Dear Readers, I’m back!
Posted February 26, 2007
Hola! Buenos dias at buenas noches sa aking mga amigo y amiga, mga jologs, mga balahura, mga kaawa-awang nilalang sa mundo, at mga pinagsakluban ng langit at lupa. In short, como estas my adoring public! Cuando cuando cuando! O diba ang sosyal-sosyal ko talaga, español-speaking na ko? Kababalik ko lang kasi from my super-shala vacation sa España. Sa Spain ha, hindi sa España Manila (kacheapan ha!) Laban ka?
Na-miss nyo ba ko Dear Readers? Aminin! Your existence probably felt pitiful ang meaningless without my glorious presence to brighten up your dreary lives. Well ganyan talaga, maganda ko eh. Kasamba-samba. It’s not my fault anymore, it’s your fault anymore. Taray diba!
Anyway, I’m back to dish out my fabulous advices to all the utterly hopeless cases out there, i.e. my loyal letter-senders. Pero dahil may jet lag pa ko, ipo-post ko muna yung mga lumang letters sa akin na hindi ko na nasagot. Para nga pala dun sa mga hindi inabot ang kagandahan ko dati, here’s the link to my old columns page:
http://www.tristancafe.com/manayletty.html
I’ll just post some new stuff next time. Tsaka na din ang chikahan about the exciting things that happened in my life while I was away. Anyway di naman tayo close, kaya huwag kang demanding.
O sya. Here are some old actual letters sa akin na hindi ko na na-publish. I repeat, actual letters ang mga ito, kaya pagpasensyahan nyo na ang grammar, punctuation, at spelling, sadyang tatanga-tanga lang talaga ang karamihan ng mga sumusulat sa akin. Enjoy Dear Readers!
Dear Manay Letty,
Ako po ay 18 taong gulang na estudyante sa isang kilalang unibersidad. Pero hanggang ngayon, sa dalawang taon kong pag-aaral dito hindi ko pa rin ho masagot ang tanong na ito: SIno ang mas nauna nabuhay, si Kopong-Kopong o si Mahobo. Alam ninyo po ba kung sino sa kanila ang naunang ipanganak?
Absolute Zero
********************
Dear Absolute Zero,
Actually wa ako care kung sino sa kanila ang unang nabuhay sa mundo, ang care ko lang ay sana una kang mamatay, leche ka, tinakot mo ko sa pinadala mong fiktyur mo. Susme ano ba naman ‘tong nauso na nagpapadala ng fiktyurs nila ang mga letter-writers, eh itsura kang nauna ka pang nabuhay kina Kopong-Kopong at Mahobo. Kamukha mo yung Neanderthal Man, pramis. Parang awa mo na, maawa ka naman sa mga uod na matagal ng nag-aabang sayo.
Your Chuvaness,
Manay Letty
to my everdearest idol and diyosa ng kagandahang si many letty:
ganda ng bati ko sayo noh?? i bet hindi k n malelechehan sakin.. anyway sumulat ako regarding sa aking ex boyfriend n bading.. yes tita letty you read it write bading ang ex boyfriend ko… long story kng pano ko nalaman at kung ano ung kwento pero iku-kuwento ko pa rin dahil i want to waste your time.. masama b?? i know that you have a busy schedule and all pero gusto lng kitang asarin sa iyong maganda at masayang araw… taray ko noh?? see babae ako.. as in really babae ako ok?? hindi ako pretentious n bading… going back… nalaman ko n bading ang aking ex boyfriend ng i-kwento sa akin ng aking friend ang tsismis n nagfafa-beejay ang aking fafa.. ang sakit diba?? at ang masakit p dun eh.. ka-uri nya… yaki-evers diba? at may mas masakit p sun.. binabayaran nya ang futaching na iyon!! shockings diba??? pero nung college pa lang daw sya nun.. pero yaki parin diba?? natanggap ko naman siya kahit nalaman ko n ang buong katotohanan.. ok sige di happy happy kami ryt?? wrong! isang time nakita ko sya sa mall with his “friend” so dapat ok lng sakin diba?? pero hindi nakita ko silang magka-holding hands at nagyayapusan n parang hindi na sila ulit magkikita!!! hindi ko sinabi sa kanya dahil sobrang na-shy ako kahit na gusto ko ng mag wala dun sa mall at patayin ang malanding joklang un!!! see manay letty hindi ko mapakawalan ang aking jowa dahil sobrang gwapo sya!! as in super mega over kalaglag panty gwapo!! eh diba super hirap ng maghanap ng mega gwapong jowa ngayon??? so ito po ung hinihingi kong advice pano ko sya papakawalan?? or at least pano ko matatanggap ang ginagawa niya sa akin??
Krizzia
********************
Dear Krizzia,
Leche! Syempre nalechehan pa din ako diba? Dyosko na-shock pa daw ang lukaret, eh dapat nga nagtaka ka na agad nung shinota ka nya, kasi dalawa lang ang pwedeng naging ibig-sabihin nun: either napakalabo ng kanyang paningin, o isa syang baklita na naghahanap ng girlfriend na “pang-front” sa ibang tao. Kasi otherwise pano naman mangyayari na may gwapo na papatol sa iyo? Hindi mo ba napapansin na nagbubulungan ang mga tao pag nakikita kayong magkasama, hindi kasi nila maisip kung pano ka nagkajowang may itsura? Iha magpasalamat ka na lang at ikaw ang ginawang “front” ng papa mong bading, alam nya kasing hindi mo sya iiwan kahit na manlalake sya ng lubusan, dahil sigurado syang alam mo sa sarili mo na hindi ka makakahanap ng ibang gwapong jowa ever. As in ever-ever. Ever. Isa na lang: ever!
Pero actually may maganda akong idea na makatutulong sayo. Bakit hindi mo muna ipahiram sakin ang jowa mo? Believe me Honey, Manay Letty can make a real man out of anyone. Sobrang ganda ko yata, ever! As in ever-ever! As in ever-ever-ever! So ano na nga ang phone number nya?
Lovingly Me,
Manay Letty
Dear Manay Letty,
ang akin naman pong suliranin ay: …im with this guy..and we are dating..pero alang confirmation kung kami talaga or what..i want him in my life..pero i dont know..he tells me he loves me..pero sa phone lang..di nya naman sinasabi sa akin ng personal..and one more thing…im still in love with my ex na im thinking about soon to be future bf na naman.. pero he is like miles away..and i loved him more than the first guy i mentioned.. what should i do? i just cant assess my feeling that easily..i need ur help manay letty..
Leizyl of Gensan
********************
Dear Leizyl of Gensan,
Wa ako care! Napa-corny ng sulat mo! At ‘day, bisayang-bisaya naman ang pangalan mo. Leizyl daw talaga! Kaloka ka ha. Kahit si Ate Charo na walang taste eh hindi tatanggapin ang sulat mong walang kalatoy-latoy, kaya may I suggest na sa susunod huwag mo ng aksayahin ang panahon ko sa pagsulat sa akin dahil wala ka talagang saysay. At alam ba ng senorita mo na nagtetelababad ka sa telepono? Hala, dun ka sa kusina, dun ka nababagay!
Dahil walang kwenta ang sulat mo, malanding babae, magshe-share na lang ako ng joke:
Sa isang karaoke, may isang lalake ang kumakanta ng ganito: “Mile away, your so many mile away…”
May sumigaw sa audience: “Lagyan mo ng S!”
So binago ng lalake yung pagkanta nya: “Smile away, your so many smile away from meeeee”
Ok lang kahit corny ako, maganda naman ako.
Nagmahamahal forever achuchuchu,
Manay Letty




hahahahaha ano ba yan nakakatawa jijijijij
salamat kahit papano natawa ako!
asalay malaycom salam sa lahat>>
hahhahaah bakla ba? c manay letty ?
tanong lng po?
wag magalit ?
ha ha ha tanga talaga!
grabe da best tlga ang lola ever mo…hehehe
yah..ang tanga nila…d best k tlga sa advice manay…..iiiiidddddooooLLL…..
Manay Letty Idol talaga kita!!