Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Dear Manay Letty
Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!

Ang ilusyonadang si Madam BJ!

Posted May 3, 2007

O diba nakaka-ilang updates na ang aking mga co-columnists na sina Ms. F at DJ Jeprox, at ako ngayon pa lang maglalabas ng aking 2nd entry? Ganyan talaga, ako pinakamaganda dito eh. Kumbaga ako ang reyna at mga muchacha ko lang sila. Or ako ang prinsesa, at sila ang aking aliping sagigilid at aliping namamahay. Or ako ang Miss Universe, at mga runners-up ko lang sila. Davah!

Anyway Dear Readers, kasalanan kasi ng bago kong boyfriend na si Ocho Kargada kung bakit panandalian ulit akong nawala. Tanungin ba naman ako kung alam ko daw ba yung show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan”? Syempre sumagot ako ng “Papa O (yun ang tawag ko sa kanya) ano ba naman yang tanong mo. Kacheapan!” Tapos sabi nya, gusto nya daw kasing gumawa kami ng sarili naming nightly program, na ang pamagat naman ay “Walang Hugutan!” Kaloka! Napaka-naughty talaga ni Papa O! Syempre pumayag naman ako agad davah! Ang haliparot ko talaga, hihihi. Kaya heto, daig ko pa ngayon si Curacha, ang babaeng walang pahinga. Pero tignan nyo ang blooming ng lola nyo ngayon, parang gumamelang namumukadkad!

At dahil pagod pa ako sa sobra-sobrang paglalandi, for my 2nd column entry… may guest columnist agad ako! O diba taray?

Introducing… ang babaeng (nga ba?) nawawala sa sarili… ang babaeng marunong magtinikling sa ibabaw ng mainit na plantsa… ang babaeng dating myembro ng Catholic Women’s League… si Madam Brigada Jones! The floor’s yours my dear!

Prettiest girl in the metropolis,
Manay Letty


Haller to all of you! This is your friendly neighbor in the community, Madam Brigida Jones, local version ni Bridget Jones. But I prefer to be called Madam BJ, ang babaeng mahilig sa BJ (Bukayo Jam), paborito ang BJ (Buko Juice), at expert sa BJ (Bitchy Journals). If I will be given the opportunity, gusto kong maka-BJ (Bungee Jumping) si Dennis Trillo.

Nandito ako upang tulungan kayo sa inyong mga problemang walang kwenta at upang dutdutin ang inyong malikot na imahinasyon. Ok, so umpisahan na natin ang pagbabasa sa inyong liham dahil inuubos nyo na ang oras kong mga letse kayo!

Ako si Madam BJ, at ito ang inyong kwento…

Dear Madam BJ,

Hillow! Ferst and for all, I would like to great all of you a better days.

I wrote becos I wanted to cunsolt my problems. It is my wish upon a mega star to work in a call center. I am very profacient in english words. I am also very welling to enter the graveyard ship. Bisides the point, I have a lot of expiriencis in the telephone becos i have lots of phone pals befour. But the problems is, I already have a round-trip tiket to all the call centers in Libis, Ortigas, and Makati but they are united in their replies: they will just make a telephone call on me. Until now I didn’t receive any telephone calls, either landline or pay phone.

I hope you can give me some tips in finding a call center. thanks and more powers!

Lovengly Yors,
Inday

********************

Dear Inday,

Inday naman, sa susunod na magpadala ka ng sulat, samahan mo na din ng Biogesic. Dahil sumakit ang ulo ko sa pagbabasa ng sulat mo! Peste ka!

Willing ka kamong pumasok sa graveyard ship? Pwes, ako mismo ang magpapasok sa yo sa graveyard! Baka sakaling me future ka pa dun sa pakikipag-usap sa mga kaluluwa! Impakta ka! Susme! Ngayon ko lang nalaman na may libingan pala sa barko!

Nagmamaganda,
Madam BJ

Dear Madam BJ,

Nais ko pong isangguni sa iyo ang problema ko sa girlfriend ko. Meron po syang mabantot na harapan. As in kakaiba po ang amoy ng flower nya. Pinagsama-sama pong amoy ng matandang kambing na hindi pinapaliguan ng sampung taon, nilukob na patis, burong talangka at posonegro.

Gumagamit naman daw po sya ng Lactacyd, three times a day. Tatlong kutsara daw po ang iniinom nya sa isang araw before meals. Ano po ang maisu-suggest nyo?

Always,
Bantotino

********************

Dear Bantotino,

Pasensya ka na my dear pero nasusuka ako sa nilalaman ng liham mo. In fact, pangalan mo pa lang, nakakasuka na! (gwwwwarkkk!!!)

Anyways, bilib ako sa tapang ng sikmura mo iho! Imagine, nakakayanan mo ang amoy ng flower ng gf mo?! Buti na lang hindi nagkakaproblema sa akin ng ganyan si Blueberry Javanilla ko! Sabi nga nya, ang flower ko daw ay kasingbango ng bagong bukadkad na rosas sa bukang-liwayway, with matching hamog pa. Ahihihi!

Mabalik tayo sa problema ng gf mo. Regaluhan mo kasi ng panty noh! Baka naman kasi dalawang beses isang taon lang sya magpalit ng panty! Tuwing pasko at birthday lang nya! At sabihin mo, maghugas naman sya ng flower noh at baka tubuan na yan ng mga foreign creatures! Yuck!!!

At susmaryosep! Gusto kong himatayin sa katangahan ng gf mo! Inumin daw ba ang Lactacyd! Bakit kamo hindi nya subukang isama yung kutsara sa pag-inom nya? Kung di pa rin epektib, isama nya pati ang bote! Yun lang at sana lalo pang tumibay ang sikmura mo! Pwe!

Nagmamahal ever after,
Madam BJ

Dear Madam BJ,

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang istorya ng aking buhay. Pangatlo po ako sa pitong magkakapatid. Magsasaka po si Itay at labandera po si Inay. Kami po ay kasalukuyang nakatira sa gilid ng Ilog Pasig matapos po kaming palayasin sa isang squatter’s area sa Tondo.

Ngunit wala po iyang kinalaman sa problema ko. Ang problema ko po ay ang maitim kong kili-kili. HIndi tuloy ako makapag-sleeveless, tank top or tube. Na-try ko na po lahat ng whitening deodorants, from Block & White to Nivea ultimo tawas at kalamansi pero wa epek pa din! Nagpa-consult na din po kina Dra. Vicky Belo at Dr. Manny Calayan kahit po albularyo sa kanto namin pinatos ko na pero wala din silang nagawa. Kasing-itim pa rin ng imburnal ang kili-kili ko. Ano po ang gagawin ko?

Armie Pete

********************

Dear Armie Pete,

Babagsak na sana ang luha, sipon, at panty ko sa umpisa ng sulat mo pero ang kili-kili mo lang pala na natuyuan ng libag ang problema mong hitad ka!

Ganito ang gawin mong punyeta ka! Wag kang mag-aahit o magbubunot ng buhok sa kili-kili sa loob ng sampung taon! Nang sa ganun, matakpan ng buhok mo ang kaitiman ng kili-kili mo! At kung gusto mo talagang pumuti ang kili-kili mo in an instant, pinturahan mo ng kulay puti lagyan mo pa ng varnish kung gusto mo! Tapos ang problema mo! At wag ka nang susulat dito para di na din ako mamurublema sa kagagahan mo!

Jusmio! Wala na ngang makain, may pampa-consult pa kina Lola Vicky at Lolo Manny! Pinagpapawisan ang kili-kili ko sayo! Footah ka!

Nagmamahal always,
Madam BJ

Dear Madam BJ,

Virgin pa po ba kayo?

Curious Lang,
Nenita

********************

Dear Nenita,

Kung ang bagong definition ng “virgin” sa makabagong diksyunaryo ay inosente, walang muwang, wala pang sexperience, mahinhin, bata, sariwa, kaakit-akit at SINUNGALING, at ang taong nagtatanong sa yo kung virgin ka pa ay nuknukan ng TANGA, pwes, masasabi ko na I AM A CERTIFIED VIRGIN!

Nagmamahal Everyday,
Madam BJ

That’s all folks. Sana ay naliwanagan na ang mga kakapiranggot nyong kukote sa pagsagot ko ng mga liham nyong walang kwenta. Hanggang sa muli!

Always remember, “Do not do unto others what you can’t do”.

Hanggang sa tamarin ulit magsulat si Ever Dearest Manay Letty. I’ll see you when I see you!

Your friendly neighborhood butangera,
Madam BJ

156 Responses to “Ang ilusyonadang si Madam BJ!”

  1. francissorio12 said, June 22nd, 2008 at 6:59 am

    hahaha grave mga payo mo madam, tlagang makakatulong yan sa future nila haha!!!

  2. knighty said, June 16th, 2008 at 10:48 am

    pwEde bumati? hi honey….iloveyou mary ann regondola po name nia…… hehehe

  3. knighty said, June 16th, 2008 at 10:46 am

    I HAD FUN…..BOW! heheHe

  4. jeninna13 said, May 27th, 2008 at 8:09 am

    aztig ah…..Sobrang nakakatawa…hehehehehehe

  5. sacrifice said, April 30th, 2008 at 9:13 pm

    wow ang galing… nakakatawa hehehehe

  6. eHm_mysELf1222i said, April 15th, 2008 at 4:40 pm

    .. pasenXA na!., nagcchat pla c indaY!., grabe ang utos cOh eH mag sampay ng basaHAn!.garabi nag eengLIsH pa!. weLL feeling nya tlaga cxALl center xaH kZ sumasagOt ng mgafOnecaLLs cOh!!., xeNxa na kaU aHH hehehe

Pages: [7] 6 5 4 3 2 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.