Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
How can I miss you if you won't go away?
Join our research panel, get paid for giving your
Dear Manay Letty
Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!

Ang kalabaw, bow.

Posted July 19, 2009

I’m back again Dear Readers! Para lang akong palitaw, lulubog-lilitaw. But don’t worry my ever-loyal subjects, this time hindi ako mawawala agad. I have a lot in store for you. Meaning, weekly updates! Ain’t I just simply fabulous and divine and breathtakingly beautiful? Sumagot ka ng “oo” kung ayaw mong masaktan… O sya, without further ado, here are this week’s letters. Enjoy!

Dear Manay Letty,

Iniwan ako ng boypren ko, kasi mukha na daw akong kalabaw! Hayop na yun, kala mo kung sinong pogi, mukha naman syang kabayo. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Nangangabayo,
Inday sa Balitaw

********************

Dear Inday sa Balitaw,

Ok mga dukha sing along with me: Pen pen de churvalu de kemerlu de eklavu, haw haw de karabaw that is you. Hihihi! Mukha ka kamong kalabaw? Naku tamang-tama may bukid ako sa hacienda namin sa probinsya, kulang daw sa kalabaw dun, kaya mo bang magbungkal ng lupa?

Isipin mo na lang na blessing in disguise yan. Biruin mo pwede kang mag-apply sa Philippine Daily Inquirer, palitan mo yung mascot nilang kalabaw, sabihin mo it’s about time na maging babae naman ang kanilang mascot for the sake of gender equality. O kaya maging spokesperson ka ng lahat ng naaaping kalabaw sa bansa, at pumunta ka sa Department of Chuva o kung saan mang ahensya ka dapat lumapit, ipaglaban mo na ikaw dapat ang gawing official representative ng mga kalabaw. Ayaw mo nun, piktyur mo ang nakalagay sa mga textbooks, bilang national animal of the Philippines? Sisikat ka ‘teh!

Kaya naman minsan nag-dududa ako sa Darwin’s theory of evolution, dahil kung totoong ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo at kalabaw? Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Mukha kamong horsey-tigidig-tigidig ang boyfriend mo? Eh di bagay nga kayo sa isa’t-isa. Pero utang na loob huwag na kayo mag-aanak, maawa naman kayo sa magiging anak nyo, baka magmukha naman syang kambing. O diba kumpleto na kayo bilang farm animals? Kalokah ever!

Pero if what you really meant is ga-kabayo ang… chuvachingching ng boyfriend mo, well then my dear, dapat mo syang ipakilala sa akin ngayon din. Hihihi ang kiri-kiri ko talaga. Convent-bred kasi ako…

Ever Pretty,
Manay Letty

Dear Manay Letty,

Anong gagawin mo kapag gusto agad makipag-seks sayo yung lalake on your first date?

Nag-iinit,
Mama Pie

********************

Dear Mama Pie Apple Pie Buko Pie Tinapay,

Ay bonggacious! Well, hindi ko naman kasi masisisi ang mga kalalakihan kung hindi nila kayang i-resist ang seductive beauty ko. But of course I still have my old-fashioned Filipina values. Most of the time. Ok, sometimes. Sige na nga, fine, tuwing Holy Week lang! But that doesn’t mean I’m easy to get. Ka-cheapan naman kasi pag madali kang makuha diba, ano ka, buni o an-an? Unless si Papa Piolo na ang pinag-uusapan, mag-iinarte ka pa ba!

Ever Prettier,
Manay Letty

Dear Manay Letty,

Natatae po ako. May tissue po ba kayo?

Najejerby,
Jerbakula

********************

Dear Jerbakulaw,

Yes meron, halika dito at ako pa mismo ang magpupunas sayo. Ay mukha mo pala yung napunasan ko! Sorry mukha ka kasing pwet eh. Pag-jebs mo isama mo na din ang sarili mo sa pag-flush ha. Lecheng impaktita ‘to!

Ever Prettiest,
Manay Letty

This is your Dearest Manay Letty saying baboosh for now, at nagsasabing, ang buhay ay parang bato… it’s hard!

Ay wait, there’s more pala! May bagong gimik pala dito. Instead of the previous jologs acronyms like “JAPAN - Just Always Pray At Night” ang bagong chuva is every column entry will end with a binalahurang greeting ng mga Miss Universe candidates. Starting with this one:

Malay mo, malay nya, malay nating lahat… MALAYSIA!


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

18 Responses to “Ang kalabaw, bow.”

  1. xknothing said, July 20th, 2009 at 10:33 pm

    panalo ashuu! haha!

  2. nobadi said, July 21st, 2009 at 8:21 am

    whahahaha..ibang level ka tlga manay

    ‘alang kakupas kupas ang alindog mo

  3. acelle32 said, July 21st, 2009 at 1:45 pm

    manay napraning ako sa mga tinatanong sau,nag enjoy as well……this is just my first to read ur column……hope to read more of those wala lang…he he eh gudluck…

  4. eklavouh said, July 22nd, 2009 at 1:11 pm

    hahahaha kuleeeeeeeeeet!
    parang adik lang!

  5. chell_mine29 said, July 22nd, 2009 at 6:33 pm

    bonggang bongga k tlga manay letty..to the highest level tlga ang ang mga payo mu..hahah

    baklitang mahadera ka tlga..gling gling…

  6. ghie_luzuriaga said, July 22nd, 2009 at 8:30 pm

    hahhaha.. just my 1st time to read this..
    wow ang cute namn.. hihihihi

  7. below_zero said, July 23rd, 2009 at 7:21 am

    ang taray hehehee

  8. lady_margaret_01 said, July 23rd, 2009 at 3:00 pm

    hehehe

  9. BrokenPromises said, July 25th, 2009 at 5:04 pm

    Haha. Damn. You’re so funny :D

  10. chad said, July 26th, 2009 at 11:24 am

    whahaha. galing. tawa na naman ako ng tawa

  11. gene18_spirit said, August 5th, 2009 at 9:09 pm

    Namiss ko si manay letty ang tagal mong nawala..la pa din kupas….thanks you

  12. chungko02 said, August 7th, 2009 at 6:07 am

    aNG sAYA nMAN pALA dTO mGA aTE…hAHAHA kAKAIBA pRANG mGA oTHERS….joKE!

  13. rams16 said, August 25th, 2009 at 5:56 pm

    nagimas nga duraben

  14. jersey_gurl said, August 26th, 2009 at 8:10 am

    sa shapan gnun eh!!! XD

  15. pixie0110 said, September 17th, 2009 at 11:46 am

    lol rams

    ang saya dito haha

  16. Dax said, September 23rd, 2009 at 5:22 pm

    winner ka. sinu writer nito

  17. kanuto555 said, October 3rd, 2009 at 7:30 pm

    may tanung poh ako anu poh yung title ng kanta nung the legend sa qtv chanell 11 pag nagtatapos na

  18. gorgeous03 said, October 25th, 2009 at 11:25 pm

    hahhaha.. pareho lng pala kami mag-icp ni manay letty!!! wahahaha… smart! super witty ng lola!

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.