Churvalu
Posted July 22, 2009
1.TRULALU
2.EKLAVU
3.EKLAVU
4.TRULALU
5.TRULALU
6.TRULALU
7.EKLAVU
8.TRULALU
9.EKLAVU
10.TRULALU
Batang bakla sumasagot sa true or false quiz.
Mali si Ate Guy, may himala! Dahil ilang araw lang ang lumipas at may bagong column entry ulit ako. Panalo diba!
True or False ang format ng column for today. Bongga! Handa na ba kayo Dear Readers? Ilagay ang kanang-kamay sa dibdib, ilagay ang kaliwang-kamay sa churvalu, ngumiti ng pinakamatamis mong ngiti, palakihin ang butas ng ilong, ilabas ang dila, at bumukaka na parang palaka, and let’s play… Trulalu or Eklavu!
1. Totoo bang dyosa ka ng kagandahan?
TRULALU. Kapuri-puri ang ganda ko. Kumukinang ang alindog ko. If beauty is in the eye of the beholder, then (dramatic pause while projecting-to-the-max)… behold. Laban ka?
**********
2. Manay Letty, bonggang-bongga siguro kung ikaw ang magiging Pangulo ng Pilipinas. Wala ka bang balak tumakbo?
EKLAVU. Mas bagay sa akin ang maging First Lady. Sa ganda kong ‘to diba. Nanghihinayang nga ako at binasted ko ang isa sa mga masugid kong manliligaw dati na si MarMar Roxas, maraming taon na ang nakakaraan. Paano ba naman nagkasabay silang manligaw ni Robin “Binoe” Badilla. (Yes, Badilla talaga. I want to protect the real identities ng aking mga past loves kaya’t kailangan ko silang itago sa ibang pangalan na sadyang napakahirap hulaan.) At si Binoe ang pinili ko, weakness ko kasi talaga ang mga bad boys. Hihihi kinikilig ako, para kong kinikiliti sa churvalu. Gusto ko kasi yung binabarubal ako at hinahagis-hagis at pinapag-tumbling-tumbling sa ere sabay split sa pag-landing. Kabog davah! Ang sweet pa nga namin ni Binoe nung mga panahong yun, “kupkeyk” ang tawag nya sa akin at “leche flan” naman ang tawag ko sa kanya. Pero nung kinalaunan, naging “leche” na lang ang tawag ko sa kanya, pano kung sino-sinong babae ang kinakalantari. Hhhmmpp! Kaya’t nakipag-break ako at pinagpalit ko sya sa kanyang matipunong kapatid na si Rustom. (Sa ibang column entry ko na ikukwento ang naging pag-iibigan namin ni Rustom. Ang makulay na love story ni Manay Letty at ng soon-to-be Bebe Gandangreyna. Yes, Gandangreyna talaga. Kalokah itu. Abangan!)
O diba tinanong ako kung gusto kong maging Philippine President at nagkwento lang ako ng kalandian ko? I’m so pretty talaga…
Anyway, sa pagpapatuloy ng kwento, malay ko ba naman kasi na pwede pala maging Presidente si MarMar after so many years. Eh di sya na lang sana ang sinagot ko, at ako sana ang pakakasalan nya ngayon instead of that woman na mukhang naligo sa harina. Kung ako ang magiging First Lady, kabog si Madam Imeldific sa pagiging bonggacious ko! Ipakukulong ko ang lahat ng may atrocious fashion sense at ipapasa-batas ko ang mandatory diet para sa mga sobrang majujubis, kung kinakailangang gutumin sila ng isang taon ay ipatutupad ko. Tapos gagawin kong Department Secretaries sina amiga Doktora Belo at Doc Manny Calayan, para pagandahin nila ang mga madlang pipol. At ang mga hopeless cases na hindi na talaga kayang retokahin ng siyensya ay ipapa-deport ko sa Babuyan Islands. May ganun talaga? Yes, may ganun talaga. Ang saya-saya sana ng Pilipinas pag nagkataon!
**********
3. Manay Letty isa ako sa mga masugid mong tagahanga. Pwede ba kitang maging best friend? Maganda din ako tulad mo.
EKLAVU. Magtigil ka dyan. Huwag kang ambisyosa. Isa akong prominent society figure habang isa kang busabos. Isa akong haciendera habang ikaw ay hardinera. Isa akong dyosa habang ikaw ay hampaslupa. Charing lang! Baka magpakatiwakal ka na dyan. Pwede na yata akong scriptwriter sa mga teleserye, diba mga ganyan ang madalas na linya sa mga telenovelas?
Pero hindi pa din tayo pwedeng maging best friend. Itchura nito. Pumunta ka na lang sa Fans Day ko.
**********
To be continued…
Yes Dear Readers, sa next entry na ang part 2 ng Trulalu or Eklavu. This is Manay Letty saying goodbye for now, and leaving you with these words of wisdom: Do unto others, then, Run! Run! Run!
At ang ating binalahurang Miss Universe greeting for today:
Hindi sa akin, hindi sa’yo. Kanino sya? … KENYA!




i cant wait na sa karugtong nito. ang taray mo namn manay!
fan mo na ako mag mula sa araw na ito. i luv uy
bongang bongang bonga
:galeng:
Kapuri-puri ang ganda ko. Kumukinang ang alindog ko. If beauty is in the eye of the beholder, then (dramatic pause while projecting-to-the-max)… behold. Laban ka? — Hahaha! I love this.
Hahahaha, one of your best entries. Fantastic writing!
Winner. Hahaha. Charing. Lol. Joke lang pow.
nyahahah!!
ok uuh? nakakuwa ako sa u ng style wehehehe
so funny hija!
taray mo nmn. ppero ganda k b talaga ms L.
HAPPY BIRTHDAY PALA SA HONEYCURED BACON PANCHETA KO….
mataba ka chacha
u make me laff!!! nlulungkot ako kanina pero naalala ko column mu manay letty!!! pwd na ulet mkpanlaet!! i mean maging opinionated ba! wahahaha
i want mor 4,,d pko ngandahan d gaya ng dati,,.