Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
Just because I don't care doesn't mean I don't understand.
Join our research panel, get paid for giving your
Dear Manay Letty
Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!

Take Two

Posted September 19, 2009

Konichiwa my Dear Readers! Did you all miss my fabulosity? Aminin! Medyo natagalan ang aking bagong entry dahil kagagaling ko lang sa Japan, Japan, sagot sa kahirapan. Gagah hindi ako nag-japayuki, I just had a little R&R there (para sa mga tatanga-tanga, that’s “rest and recreation”) upang makalimot sa isang nabigong pag-ibig. Yes my Loyal Followers, nakipag-hiwalay na ko kay Papa Dingdong Dantes (whom I used to fondly call “BigDong”) dahil feeling ko masyado na syang nai-inlab sa akin, at hindi pa ako handa sa isang serious commitment right now. I mean, diba, so many men, so little time!

Anyway highway skyway don’t block the driveway I did it my way Ms. Norway! Our column for today ay ang Part Deux ng “Trulalu or Eklavu!” Ready, get set, go ka na ba? Pwes ilagay ang kanang-kamay sa dibdib, ilagay ang kaliwang kamay sa bokong-bokong, gumalaw na parang bakulaw, ngumiti na parang paniki, mag-boom-tiyaya-boom-tiyaya-boom-yeye, hanapin si Basilio at Crispin, and… o diba mukha kang tanga sa pinag-gagagawa mo? Hihihi! O sya, let’s play… Trulalu or Eklavu, take two!

Teka, na-miss mo ang bonggang-bonggang Part One? Pwes sorry ka na lang. Charing! Click lang dito para basahin muna ang first part.
 

4. Manay Letty, malandi ka ba talaga sa tunay na buhay? - from Chivalou

Well, I would say… EKLAVU. Na medyo TRULALU. Pero medyo lang ha. Sa trulili lang, sadyang mahinhin at busilak talaga ako Dear Readers, believe it or else. Ako ang ulirang syota, mutya ng balana, larawan ng kawalang malay, at dambana ng kadalisayan. (Pause for 3 seconds.) Natakot ako bigla, kala ko kakainin ako ng lupa. Hihihi! Kaya lang, the problem is, nawawala ang pagka-demure ko kapag nakakakita ako ng gwapo, para akong osong hayok na hina-inan ng sariwang-sariwang pla-pla, gusto kong sunggaban agad! Lalo na kung meron syang malaking… katawan, at bulging… muscles, at mahabang… talong. Mahilig kasi ako sa gulay, huwag green-minded Dear Readers, magagalit ang MTRCB. Weakness ko kasi talaga ang mga matipunong katawan. At ang mga matatangkad. At mga pogi. Plus mga chinito. Pati mga moreno. Isama mo na rin ang mga mestizo. In short, demure naman talaga ako, basta walang gwapong kalalakihan sa paligid-ligid. I’m so kiri noh, lovette!

**********

5. Totoo bang 24 years old ka lang? Ba’t parang 10 years mo na yatang press release na 24 ka lang? - from Churvalyn

TRULALU na 24 lang ako noh! Huwag kang impertinente kung ayaw mong idemanda kita ng paninirang-puri. Alam mo Churvalyn, hanggang walang nagtata-tarang at nagpapa-padyak sa protesta pag sinasabi kong, “Naku, ang tanda tanda ko na. Twenty-four years old na ko!”, ay walang makaka-pigil sa akin na bawasan ng 10-15 years ang aking legal age. Not that I’m saying na binabawasan ko ang edad ko. Kung ayaw mong maniwala, magbigti ka na lang sa malunggay. Leche!

**********

6. Manay Letty maganda ba ko? Please see my attached pictures. Hoping for a positive response. - from Ginafer

Dear Ginafer, do you want me to answer ala-Binibining Pilipinas beauty queens? Or should I answer honestly? Well as the saying goes, sa mata ng Diyos lahat tayo ay magaganda. Pero sorry ka na lang at hindi ako Diyos. Kaya ang sagot ko ay isang malaking EKLAVU! Pwede kang mapagkamalang kambal ni Madam Auring ha. Pero in fairness, ang ganda ng ngipin mo. Sana naging ngipin ka na lang.

**********

That’s all for now Dear Readers, sana ay nalait kong muli ang inyong buong pagkatao. Laging tandaan, “An apple a day is seven apples a week!” Sayonara!
 

At ang ating binalahurang Miss Universe greeting for today:

King Kong, Kangkong, Korikong… Hong Kong!


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

12 Responses to “Take Two”

  1. BrokenPromises said, September 20th, 2009 at 2:15 am

    haha naman ang kulit. sakit na ng tiyan ko sa kakatawa :))

  2. Shytypemhalen07 said, September 20th, 2009 at 4:09 am

    GraBeh ! Ang chorva mO manay !!

    d kinaya nG suPer pOwerS n darna mga chuVanez mung hireTt !

    kaloKa kah !!

  3. Dax said, September 23rd, 2009 at 5:09 pm

    Bravo!

  4. irish said, September 28th, 2009 at 9:40 pm

    ….. ang galing mong magpapatawa pero mas magaling ako….

  5. bOnCh said, September 29th, 2009 at 2:45 am

    gReAt!!! lol!!!

  6. RR said, September 30th, 2009 at 1:25 am

    hAAAYYY…. as usual Tristancafe never fails to entertain me.. heheh lalo na si Manay Letty… Mabuhay kah.

  7. lord_andong said, September 30th, 2009 at 10:47 pm

    wew!

  8. geminier said, October 5th, 2009 at 4:00 am

    hahaha… sana naging ngipin ka na lang.. what the…. hahaha

  9. jungle said, October 5th, 2009 at 9:32 pm

    waheheehhe
    W A G I ka palagi manay letty!!!

  10. Tristan Tan said, October 6th, 2009 at 2:15 am

    You’re funny. I used to go to this site for OPM music - never knew you had a blog pala. Cheers, T

  11. marluxia said, October 6th, 2009 at 8:56 pm

    hahhahaahah ang ganda! nakakatawa! di nakakabOring basahin! panalO!

  12. BABETH said, October 24th, 2009 at 11:30 am

    anung panalo dun.
    2nd palcer lng ng ung patawa ni ms. L.
    hahahhaa

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.