Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Chochality 101: How To Be Chochal Without Really Trying

Posted March 17, 2007

Welcome back sa Rendezvous ng mga Chochalera Primera de Poorika! Our lesson for today is about Chochality. What is Chochality? Pwes basahin mo to at isaksak sa kukote mo!

Signs of being Sosy # 1: Money talks everytime
Chochal Tip: Money talks every kinsenas & katapusan

Kung feel mo magpakachochal, pwes, gumastos ka! Dapat willing kang mag-invest para makamtan mo ang pinapangarap na maging “in” sa mundo ng mga chochal dahil wala nang libre sa mga panahong ito kundi ang dyaryong Libre sa MRT at LRT, minsan nagkakaubusan pa lalo na kung babagal-bagal ka! At syempre, bago ka mag-emote, siguraduhin mo muna na hindi naman kasing tigang ng Sahara Desert ang kabulsahan mo, or else mas mabuti pang magbigti ka na lang sa puno ng repolyo!

Pero don’t worry, Ms. F is here to help you dahil yan naman talaga ang papel ko sa mundo, ang ikalat ang kachochalan sa mundo. Because believe it or not, pwedeng-pwede pa ring maging chochal ang isang jologs at poorika na kagaya nyo. Ituturo ko sa inyo kung paano maging chochal na hindi na kakailanganin pang mang-holdap ng bangko at kakayanin mo pa ring kumain ng tatlong beses sa isang araw para lang matupad ang minimithi mo. Bibigyan ko kayo ng tips kung paano umastang chochal na abot-kaya lang ng budget lalong-lalo na tuwing kinsenas at katapusan.

Pero clear ko lang, HINDI ako pwedeng utangan para lang matupad ang mga kapritso nyo! Wag kang ambisyosang hitad ka!

Signs of Being Sosy # 2: Jenglisera
Chochal Tip: Be konyotik.

Hilahin ang dila at magpanggap na isa kang konyo na parang nasapian ng pinagsamang kaluluwa ng isang kolehiyalang Assumptionista at ni Kris Aquino. Natural, dahil ang mga elite ay mga jenglisera kaya kailangan magjenglish ka rin. At dahil hindi mo alam ang tamang paggamit ng subject-verb agreement, daanin sa pagiging konyotik ang pagiging shonga sa jenglish language. Don’t forget to pepper your sentences with words like “duh”, “ewwww”, “so kaka”, “super duper mega over”, “yuck”, “as if”, and the likes. Kasi naman day, kahit naka-Prada ka pa, balewala ang porma mo kung ang dila mo naman ay kasing-tigas ng batong pang-hilod.

On our next issues, bibigyan ko kayo ng mga konyotik vocabularies and expressions na magagamit nyo sa pakikipag-chochalan.

Signs of Being Sosy #3: Sosy clothes
Chochal Tip: Japorms in a budget

Hindi pa ba nasasayaran ang balat mo ng clothes from Lacoste, Mango or Terranova? Hindi pa ba nakakatikim ang mga paa mo ng shoes or sandals from Nine West, Figlia or Diesel? Lagi na lang bang gawa sa katsa ng harina ang iyong bag? Pwes, cheer up my dear dahil bibigyan ko kayo ng mga tips & pointers kung paano makijoin sa fashion bandwagon pero hindi parang sinalanta ni Milenyo ang inyong bulsa. Sa halip, sila ang bagyuhin mo dahil sa kakaibang japorms mo. Pati si Paris Hilton talbog sa pagiging fashionista mo dahil para ka lang model na itinulak palabas sa isang fashion magazine!

Signs of Being Sosy # 4: Frequent Visitor ng mga Sosyal na Tambayan
Chochal Tip: Gumimik na hindi magmumukhang stranger.

Kung ang tanging tambayan mo lang ay ang Luneta lalo na kung Linggo at ang tanging restaurant na kinakainan mo ay ang karinderya sa may kanto with matching ipis and langaw at holiday na para sa iyo ang kumain sa Jollibee, pwes mag-celebrate sa pamamagitan ng pag-arimunding-munding because Ms. F is here para bigyan kayo ng idea sa mga right gimik places and restaurants. Iikutin natin ang lahat ng gimik spots sa buong Manila, at dahil bongga tayo pati buong Pilipinas lilibutin natin, at bibigyan natin ng reviews at ratings kung karapat-dapat bang tambayan ng mga chochal na kagaya natin!

But wait, there’s still more! Bibigyan ko din kayo ng mga etiquette, table manners, tips kung paano umorder at kung ano ang dapat orderin, budget tips at marami pang iba para hindi ka naman magmukhang stranger sa mga sosy places.

Signs of Being Sosy # 5. Act with finesse
Chochal Tip: Walk, act, and mag-emote the chochal way.

Big no-no sa mga sosyal ang pagtawa na litaw ang ngala-ngala at bituka, ang pagsasalita na dinig hanggang Pluto ang boses, at ang pag-upo na pwedeng dumaan ang MRT sa sobrang lawak ng pagkakabukaka. Ms. F at your service will teach you how to act with finesse. Tuturuan ko kayo ng tamang pagrampa sa kalsada, tamang pagsagot ng celphone, tamang pagbabayad ng pamasahe sa jeep, tamang pagkain ng kwek-kwek on public places at ang tamang pangangarir ng opposite sex na hindi ka magmumukhang nauubusan ng lalake/babae!

Kung gusto nyong mamaster ang Chochality 101 at maka-graduate in flying colors, pwes abangan ang mga susunod pang issues na mas kapana-panabik, kahindik-hindik, at kagila-gilalas! Til next lesson class!

Always remember our mantra in life:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.


Filed under: According to Ms. F

60 Responses to “Chochality 101: How To Be Chochal Without Really Trying”

  1. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:37 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  2. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:08 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  3. hotchiq_rheiann said, June 28th, 2007 at 11:32 am

    vonga kah lolah;

  4. lykadudz said, June 28th, 2007 at 9:59 am

    ako rin sali ako seat in ako sa class mo miss.f

  5. oxojersey_gurloxo said, June 22nd, 2007 at 11:48 pm

    ur so super mega over vonGaLious 2 da earth tlga!! i like u na!! graVeh!!

  6. depict09 said, June 12th, 2007 at 10:17 pm

    Buy and Sell Philippines: Sulit Community, the premiere free classified ads website in the Philippines, is currently having an exciting raffle where you can win a brand new Nokia 6300. To join, you just have to post a message about it in your blog, in a forum or in any website. After visiting Sulit Community and joining the raffle, do not forget to visit My Sulit Homepage.

  7. damntrix said, June 2nd, 2007 at 4:03 am

    abangan q un mga new updtes nyo
    pra maturuan q din kng paano
    mag chochal hahahahaha! c”.)
    jzt kddin c”.)

  8. tatlongx said, May 21st, 2007 at 10:56 am

    WOW-every articles you`ve written are “SUPER-DUPER”!!!
    All of it are delivered na parang pizza ng pizza hut!!!
    “SUPER-DUPER!” nga talaga!!!
    you`re just like my idol writer..
    Bob Ong…
    Live in this world…You`re the Queen!!!

  9. MeAn_GaL said, May 17th, 2007 at 3:36 pm

    ako din! mgkno tuition fee?nyahahaha

  10. eyeandra said, May 14th, 2007 at 5:28 pm

    mag-kano ang tuition fee? kelan ang next sem?

Pages: [3] 2 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.