Pupung & Friends
Posted April 27, 2007
Now Showing: Pupung & Friends Fast Pinoy Food
Location: G/F SM Mall of Asia
Kung inaakala nyo na sa Comic Section ng Manila Bulletin lang maaaring matagpuan si Pupung, pwes, nagkakamali kayo. Dahil si Pupung and Friends, nakarating na sa Mall of Asia! At, hindi lang bilang comic strip, kundi isang Pinoy fast food center. Kung dati’y hanggang drawing lang ang karinderya nila, ngayon totohanan na! To the highest level na devah!
At para magkaroon kayo ng idea about this fast food center, Ms. F is at your service para i-rate kung karapat-dapat ba itong isama sa listahan ng Hall of Fame para sa mga chochal na kagaya natin.
Food
They serve typical Filipino dishes na swak sa panlasang lokal.
Menu:
Veggie and Side Orders
Specialty: Pupung’s Original Crispy Pork and Mango Salad
Barbecue Meals
Specialty: Seafood Oriental Barbecue
All-Time Favorites
Specialty: Inihaw na Liempo
Specialty Meals
Specialty: Pupung’s Rib Eye Tapa Steak
Merienda
Specialty: Dad’s Special Lugaw
Desserts
Specialty: Halo-halo Heaven
Pangalan pa lang, nakakapaglaway na! Cute pa ang ilan sa mga names ng menu dahil nakapangalan sa ilan sa mga friends ni Pupung, like Day, Lolo, Lelong, etc.
Highly recommended ko ang peborit kong Inihaw na Liempo. Impernes, hindi ito lasang niluto sa fast food kundi lasang lutong bahay talaga. Malalasahan mo ang linamnam ng marinate na ginamit, hindi lang basta lasang karneng ibinabad sa toyo, bawang at paminta na inihaw. At ang servings, hindi tinipid! Hindi ka mabibitin sa kanin at ulam. At kung sa iba ay toyo at kalamansi ang ginagamit bilang sawsawan, sa Pupung’s, kakaiba. Parang gata or milk na nilagyan ng butter na nagbibigay ng kakaibang lasa sa inihaw. Merong pang atsara bilang side dish. Take note, di ako mahilig sa atsara, pero nang matikman ko ang atsara nila, naubos ko pa! The combination of the sweet and sour taste was just perfect.
Dahil nagustuhan ko ang paborito kong Inihaw na Liempo:
Rating: 5 Stars
———-
Place
The interior was impressive. Ginawang komiks ang mga pader at lamps. Kaya habang naghihintay ka sa pagdating ng inorder mo, pwede ka munang magbasa-basa ng komiks sa dingding. Very clever di ba?
The place is clean and tidy. Laging nakaantabay ang waiter para linisin ang mesa once na may umalis na customer. And it was air-conditioned kaya hindi amoy-pawis.
Yun nga lang, medyo hindi na sapat ang space ng place nila to accommodate all customers dahil ultimo chairs and tables nila outside ay always occupied.
Rating: 4 Stars
———-
Price
Meals range from 70 to 125 pesos. Mall of Asia kaya yun kaya maicoconsider mo nang reasonable ang price. Magdagdag ka lang ng 18 pesos sa bawat meals, may ice tea or lemonade ka na. Sulit na ang 100 pesos mo. Kumbaga, ibinagay nila ang presyo nila sa presyong affordable ng mga Pinoy para naman kahit ang simpleng si Juan eh makakain sa fast food nila di ba?
Rating: 5 Stars
———-
Average Rating: 4.7 Stars
Kaya kung ako sa inyo, sugod na sa SM Mall of Asia, now na, para ma-try ang Pupung & Friends Fast Pinoy Food para malaman kung totoo ba itong mga pinagsasabi ko o ginogoyo ko lang kayo. Malay nyo, makapag-autograph pa kayo kay Pupung.
[Click on picture to show the full-sized image.]
Filed under: Rated F









everybody should try ribeye steak..dont ask for welldone..it should be medium to well..the bangus is good too.. try lk(lechon kawali) dont forget the sisig