Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Chochal Rules

Posted May 11, 2007

Do’s and Don’ts sa Restaurant

Ano ang mga basic guidelines na dapat sundin pag halimbawang naimbitahan kang lumafang sa isang super sosy restaurant? In times like these, you need Ms. F.

Wag mag-panic at sundin lang ang mga sumusunod:

Do’s

  1. Always check your wallet before leaving the house.
    Syempre tignan mo kung me laman na pera ang wallet mo, alangan namang titigan mo lang, gagah! Kumbaga, bago ka sumugod sa gyera, tignan mo muna kung me bala ang baril mo. Dyahe naman kung paghugasin ka ng pinggan sa resto na pupuntahan mo simply because wala kang pambayad devah?
  2. Make a research.
    Make a research sa sosy resto na pupuntahan mo, para naman ma-familiarize ka na sa place, food, and kinds of people na pumupunta dun. At least, may idea ka na kung anong food ang oorderin mo. At alamin mo na agad kung paano ipo-pronounce ang bawat isa. Mai-impress pa sa yo ang mga kasama mo devah? Aakalain nila suki ka na dun! At para mas lalo pa silang ma-impress, alamin mo na din kung ano ang mga pangalan ng mga waiters doon! Iisipin ng mga tao sa paligid na madalas ka sa resto na yun dahil kabisado mo ang pangalan ng bawat waiter! Panalo!
  3. Wear proper attire.
    Based from your research, alam mo na kung anong klaseng resto ang pupuntahan mo. Therefore, alam mo na rin kung ano ang dress code nila. Wag mag-gown kung isang Japanese restaurant ang pupuntahan mo, or wag mag-pajama kung Italian restaurant. Simpleng common sense lang yan, not unless nasa talampakan ang kukote mo.
  4. Alamin ang tamang paggamit ng kubyertos.
    Expect sa mga sosy restaurants ang iba’t ibang kubyertos na nakalagay sa mesa. Kaya para hindi magmukhang stranger, know how to use different kinds of utensils properly. Wag gagamitin sa soup ang salad fork at wag ipangsusubo ng kanin ang bread knife. Kung hindi nakapag-research, tumingin ng pasimple (read: yung hindi masyadong obvious) sa katabi kung paano ang tamang paggamit. (More about this next time)
  5. Observe proper table manners and etiquette.
    Don’t talk when your mouth is full. Wag humalakhak na dinig hanggang kitchen…ng kabilang restaurant ang paghalakhak mo. Wag ibalik ang toothpick pagkatapos gamitin. Hindi tuwalya ang table napkin. Hindi souvenir ang tray. Hindi binubulsa ang tip, para sa waiter yun! Ilan lang yan sa mga table manners na dapat sundin. (More about this next time ulit)

Don’ts

  1. The Golden Rule: Wag orderin kapag hindi kayang i-pronounce ang menu.
    Kung hindi nakapag-research, wag orderin ang pagkain na hindi mo kayang i-pronounce kung ayaw mong magmukhang alien. Dun ka na lang sa madaling bigkasin kesehodang ginto ang presyo, Parusa yan sayo dahil di mo ginawa ang assignment mo.
  2. Wag ipahalata na PG (Patay Gutom) ka.
    Kahit nagrerebolusyon na ang mga bulate mo sa tyan dahil sa sobrang tagal ng pagserve nila, wag sunggaban ang pagkaing inorder mo kapag inihain na sa iyong mesa. At wag mo ding ipapahalata na first time mong makakain ng ganung kasarap na pagkain dahil everyday ay baboy, as in baboy ang pagkakaluto ng pagkaing laging kinakain mo.
  3. Wag titigan ang naka-serve na pagkain sa kabilang mesa.
    Sabi nga, it’s not polite to stare. Kung nagsisisi ka dahil mas masarap ang inorder ng nasa katabing mesa nyo kesa sa inorder mo, sorry ka na lang. Pero wag mong titigan ang kinakain nila habang takam na takam ka. Baka maconscious pa sila or pagmulan pa yan ng away. Eeeew! Iyon na lang ang orderin mo next time. At least alam mo na ang oorderin mo pagbalik mo devah?
  4. Wag mag-retouch sa harap ng mesa.
    Totoo na kailangan maganda ka kapag nasa harap ng mesa para naman hindi masuka ang mga kasama mo sa pagmumukha mo. Pero, may tamang lugar para dyan. Dun ka mag-retouch sa powder room, o sa rest room kung hindi mo alam ang powder room dahil ignorante ka. Hindi comfort room ang dining area, ganun lang kasimple yun.
  5. Wag simutin lahat ang pagkain sa plato.
    Totoo ang sinabi sa atin ng ating mga lola noong tayo’y mga bata pa na bawal magtira ng pagkain sa plato. Pero kung pati buto, tinik, kutsara, toothpick, at drawing sa plato ay kinain mo, ibang usapan na yan! Hindi gawain ng isang tunay na chochal ang hugasan ang pinagkainang pinggan sa pamamagitan ng dila. Magtira ka kahit isang butil na kanin, isang pirasong tinik o kapiranggot na buto kahit pakitang-tao lang para hindi masyadong obvious na sabik ka sa pagkain. Isipin mo na lang na kailangan mong tirhan ng pagkain ang aso ng kapitbahay.

Bon Appétit!


Filed under: Chochal Rules

45 Responses to “Chochal Rules”

  1. easle said, July 12th, 2008 at 8:25 am

    nyahahaha..

    pasaway yung golden rule. hahaha..pero too yun ah.
    yung mga mahirap ipronounce eh parang ke sarap eh.
    nyahahaha.

    wag simutin daw..hahaha

  2. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:32 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  3. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:04 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  4. shaider said, August 17th, 2007 at 9:36 am

    maluha luha ako sa kakatawa!!!! yung lang!!!!

    more Chochal rulessss pleasseeee!!!!!

  5. _Trixie888 said, July 27th, 2007 at 6:22 pm

    hehehe… di naman siguro ako papatayin kong di ko sundin ang “Wear proper attire”… para maiba lang naman pag nasa JAP resto parang cool na magsuot ng gown. FOR FUN hehehe! J/K.

    Nice one!

  6. krislouiebaby said, July 8th, 2007 at 5:23 pm

    ang tindi, daming do’s and dont’s
    pero alam mo malaking tulong yan sa amin para maging chochal kami tulad mo!!!!

  7. hotchiq_rheiann said, June 28th, 2007 at 11:17 am

    nice tipz’ yan ng ggwin koh pag nag d8 kmi ng boilets kow hahahaha

  8. oxojersey_gurloxo said, June 22nd, 2007 at 11:15 pm

    anep!! ang bo2bongga ng mga tipz mo bakla!!! super duper na panalo ang kagandahan mo!! u did it again!! waaaaaaaaaaaNYAHahahaa!! pakshiitx!! i stiL can’t stop laughin!! maka alis na nga beauty co hurr..vavooo!!

  9. DchuchaLin said, June 16th, 2007 at 2:01 pm

    kachuchalan ever ng mundo…waaaa…more!!!..sa wakas may na buhay na chuchalcheness sa mundo..tagal ko ng inanantay ganitong blog..!!more more more.

  10. alvin28yu said, June 8th, 2007 at 11:28 pm

    ang galing mo
    next tym…
    damihan mo tips k…

  11. theRAPIST said, June 6th, 2007 at 3:11 pm

    i loved it….

  12. luiganda said, June 2nd, 2007 at 9:55 am

    i love it!!!
    yeah,,,verry much
    mwah

  13. damntrix said, June 2nd, 2007 at 3:23 am

    dang! napaka chuvaneziousa naman toh
    chochaL pah! abah! 2 d highest leveL na2 ah!

  14. biancagonzaga said, May 28th, 2007 at 1:15 pm

    ngeork….

  15. cLacLa said, May 27th, 2007 at 10:11 pm

    nag-research ka din cguro Mrs. f noh
    sa mga taong buangerzz as in
    mga taong maraming alam na kagaguhan sa mundo,
    ehehe,
    kelan ba kayo update ng mga columns
    everyday ksi ako nag-pupunta dito eh
    saan pfu ba makikita ang mga bagong
    henerasyon ng mga columns niyo haaaaaaaaa???????????

  16. marychristine23 said, May 24th, 2007 at 7:55 am

    wahahahahaha…..good!

  17. delleskie said, May 23rd, 2007 at 5:36 pm

    hahaha! super kaloka nman ang #1 sa don’ts …

  18. switgirl26 said, May 23rd, 2007 at 1:46 pm

    chochal nga..
    haha!!!!!

  19. dada_18 said, May 22nd, 2007 at 4:30 pm

    chochal nga

  20. dione21 said, May 22nd, 2007 at 4:25 pm

    aus ka chochal ka pa!!!

    mrs. f cguro

    super chochal ka

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.