Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Chochal Rules 2

Posted May 26, 2007

Chochal Rules: Do’s and Don’ts sa Pagiging Fashionista

Pangarap mo bang maging fashionista ngunit ang bulsa mo ay disgrasyada? Before joining the fashion bandwagon, make sure na alam mo na ang mga do’s and dont’s na dapat sundin ng isang chochal upang maging true-blooded fashionista na tama lang ang timpla. At dahil alam kong “clueless” ka sa mga ganitong bagay dahil hindi uso ang iodized salt sa bahay ninyo, bibigyan ko kayo ng mga general fashion tips na very easy to understand, para naman ma-absorb agad ng coconut shell nyo. O, ano pang hinihintay nyo? Rampa na!

Do’s

  1. Create your own fashion statement

    Ang tunay na chochal, walang takot na gumawa ng sarili nyang fashion statement. Ang paggawa ng sariling style ay parang “beauty” rin, “it’s in the eye of the beholder”. Kung may mga taong hindi nagustuhan ang style mo, itaas ang kilay, ilagay ang isang kamay sa bewang at sabihing “Walang basagan ng trip, style ko to. To the highest level lang kasi ang style ko, kaya no wonder, hindi mo maabot”. O devah, ang taray ng byuti mo!

  2. Learn to experiment.

    Be experimental and try to discover a new fashion trend. Halungkatin ang lahat ng damit na nasa closet mo and learn to mix and match to create your own style. Subukan mo ring halungkatin ang baul ng lola mo at baka sakaling makakita ng “fashion treasure”. Ariel at Downy lang ang katapat nyan. Just add some accessories here and there and voila! Fashionista ever ka na!

    Sa halip na Abante ang laging binabasa at mga showbiz magazines upang maki-chismis sa buhay ng mga artista na wala namang relevance sa buhay mo, why not try to flip the pages of fashion magazines. Kung nagtitipid ka at ayaw mong bumili ng magazine, pumunta lang sa mga bookstores na walang nakalagay na “No Public Reading” o di kaya, bumili ng mga bargain magazines sa Recto. It doesn’t necessarily mean na gagayahin mo ang mga nasa fashion magazines, pero at least may idea ka kung anong japorms ang gagawin mo. Better yet, abangan lang ang susunod na “Copycatwalk” episode sa mga susunod na araw para magkaroon ka naman ng idea.

  3. Explore.

    Pag mayroon ka nang idea sa gustong maging fashion style pero Poorika Peralejo ka dahil malayo pa ang sweldo or Christmas bonus, bakit hindi subukang mag-shopping marathon sa Divisoria, Greenhills at mga ukay-ukay at tiangge. Sa halagang 500 pesos or less, I’m sure marami na ang mabibili mo, lalo pa kung magaling kang tumawad! Kailangan ding maging alert ka kung saang mall ang may sale para shopping galore ka talaga! Alalahanin na dugo, pawis, at tone-toneladang taba ang ipinuhunan mo para lang kitain ang perang yan kaya dapat maging wise pagdating sa financial aspect.

  4. It’s not the brand. It’s the style and projection.

    So what kung hindi Guess, Marks and Spencer, or Mango ang damit mo? Wala sa tatak ng damit yan, nasa projection yan! Kung rarampa ka sa kalsada, isipin lang na ikaw ang pinakamaganda/pinakagwapong at pinakasexy/machong nilalang sa buong mundo. Tandaan na ang tunay na chochal, laging nag-uumapaw ang self-esteem at self-confidence sa katawan, na sa sobrang daming self-esteem at self-confidence na nangingibabaw sa iyo eh gusto mo pang mag-donate sa ibang tao para magkaroon din sila! Panalo devah!

  5. Being a fashionista is not all about fashion. It’s also about having fun.

    Kung trip mong maging fashionista, then go for it! Just make sure na nage-enjoy ka sa ginagawa mo. Baka naman nagpapaka-fashionista ka nga pero kumakalam naman ang sikmura mo. Dahil ilang almusal, tanghalian, at hapunan ang tinitiis mo para lang makabili ng branded clothes na pinapangarap mo. Pag ginawa mo yan, si Ms. F na mismo ang sasabunot sa yo sa lahat ng parte ng katawan mo na may buhok ka at pupukpukin ko ng martilyo ang kuko mo sa paa na may ingrown para matauhan kang hitad ka! Because a real fashionista should have his/her own fashion style, has a clever fashion sense, and should have fun at the same time.

Dont’s

  1. Don’t be a fashion victim.

    Tandaan: Hindi lahat ng uso ay bagay sa yo. Hindi porke’t uso, kailangan mo na ding makisakay sa fashion bandwagon. Baka sa halip na magmukhang tao, eh magmukha kang alien dahil ipinipilit mong ibagay ang japorms mo sa hindi naman bagay sa yo. For instance, hindi komo uso ang mga metallic colors sa mga damit ay makiki-join ka na rin. Consider some aspects first before indulging yourself into it. Halimbawa, tignan mo muna kung babagay ba sa kulay ng balat mo. Kung ang kulay ng balat mo ay parang na-sun burn kahit tag-ulan, wag ka nang umambisyon na makiuso dahil baka kapag nagsuot ka ng metallic colors eh magmukha kang junk shop.

    Hindi naman masamang sumunod sa uso, basta make sure na hindi pa rin mawawala ang sense of style mo. Kung halimbawa na hindi bagay sa yo ang latest fashion pero kasingtigas ng batong panghilod ang ulo mo kaya gusto mo pa rin makiuso, why don’t you make some alterations and modifications instead para bumagay sa yo? The fashion should suit you, not the other way around. Dyan lumalabas ang pagiging creative ng mga chochal.

  2. Don’t exaggerate.

    Tandaan na ang lahat ng sobra, masama. Baka sa sobrang japorms mo, eh magmukha ka nang Christmas Tree, abstract painting, or paella na kapag tinitigan mo, eh nakakasawa na. Tandaan ang isa sa mga rules pagdating sa fashion: simple lang pero may impact. Take note, yung impact na kaiga-igaya sa paningin, at hindi impact na magmumukha ka nang impakta. Eeew! Scary.

  3. Don’t fake it!

    Kung trip mong bumili ng mga fake signature items, pwes, hindi kita pipigilan dahil choice mo yan. Pero syempre, iba pa rin ang original di ba? Kung cannot afford mo ang isang branded product, why not look for the cheaper alternative? Kung cannot afford mo ang Nine West, bakit hindi subukan ang Parisian? Kung walang maabot ang 500 pesos mo sa Rustan’s, bakit hindi subukang pumunta sa Greenhills or Divisoria? Kesa ibili ang pera ng isang fake item, bakit hindi na lang bumili ng isang item na mas mura nga, pero ang importante original devah?

    Always remember mga kachochal, hindi naman ibig sabihin na komo Poorika Peralejo ka eh hindi ka na pwedeng maging fashionista! Forever na lang bang basahan outfit ang iyong suot na twentyfive years nang nasa yo pero di mo mailet-go? Do not deprive yourself, but instead indulge yourself! Maging chochal na fashionista! Panalo ever devah!

Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.


Filed under: According to Ms. F

34 Responses to “Chochal Rules 2”

  1. katrina_jamie_Lu said, February 26th, 2008 at 9:03 pm

    hey miss f ur so fab.. tlaga…

  2. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:30 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  3. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:02 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  4. jhiengotENGOT said, November 11th, 2007 at 6:53 pm

    yehp! don’t fake it. why bother na bumili ng imitation kung may other alternatives pa na pwedeng bilhin dba? at least kahit na Parisian lang ang tatak ng shoes mo eh hindi naman yan Skaters o lacoste na mukang butiki ang logo.

  5. gRacE mAgALLoNa-BSN1-16-iLigan city said, September 13th, 2007 at 10:15 am

    yehey.! ur totaLLy a saviour…h3h3h3 now aLm ko nah na halos Lahat pla ng mga frnds ko eh… mga trying hard…kahit di bagay eh…sabay parin sa uso…bwahaha
    mabuti pa ung simpLe pro my impact….ryt Ms. F ……..?

    GOD im a CERTiFiED CHOCHAL n tLga and mas wiser nko now…h3h3h3 thnx 2u poh tLga…
    mwah* may BATHALA bLess u oLwys….ah3h3h3h3

  6. marita said, August 16th, 2007 at 10:18 pm

    im real facionista poh …………i know if this clothes would be perfect to me or not.

  7. twentynine said, July 19th, 2007 at 8:28 pm

    “Kung ang kulay ng balat mo ay parang na-sun burn kahit tag-ulan, wag ka nang umambisyon na makiuso dahil baka kapag nagsuot ka ng metallic colors eh magmukha kang junk shop. ”

    WAHHAHAHAHHA… ANG KULET!!!

  8. krislouiebaby said, July 7th, 2007 at 9:51 am

    ang galing mo talaga idol kita!!!!
    mula ngayon chochal na rin akoh!!!!
    aapaw ang self-confidence at self-esteem ko, ang saya saya!!!!

  9. chixarie said, June 29th, 2007 at 1:08 pm

    God!!!
    your good!

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.