Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

How To Lose Weight the Chochal Way

Posted June 1, 2007

Gusto mo bang magkaroon ng drop dead gorgeous sexy body na kagaya ng kay Angel Locsin or Katrina Halili or abs na kagaya ng kay Marc Nelson or Wendell Ramos? Sa mahal ng fee para magpa-member sa mga sosy gyms ngayon or magpa-meso therapy or lipo-suction, malamang mamayat ka nga sa kunsimisyon. Pero dahil ang mga chochal ay kilala sa pagiging maabilidad at mapamaraan under challenging circumstances, narito ang mga paraan to lose weight without losing any single penny.

1. Diet…not!

Alam kong di na bago sa iyo ang mag-diet lalo na kapag malayo pa ang sweldo or Monday pa lang ay ubos na ang allowance mo. Pero alam mo ba na ang mga kumare kong mga supermodels na sina Tyra Banks at Claudia Schiffer ay against sa diet as a way to lose weight?

Bakit mo nga naman ide-deprive ang sarili mo na lumafang? Pipigilan mo ba ang sarili mong kumakin ng pagkasarap-sarap na Chocnut or Kwek-kwek? Basta make sure lang na hindi pampabata ang kakainin mo, as in bata pa lang mamamatay ka na sa dami ng cholesterol at MSG na nilalaklak mo.

Then what is the best way to shed those unwanted fats? Magbanat ng buto at mag-exercise! At paano mage-exercise na hindi na kailangan pang pumunta sa gym, just read on…

2. Sa halip na mag-elevator, mag-stairs na lang.

Kapag nasa mall, office, or school, sa halip na mag-elevator upang pumunta sa ibang floors, magstairs na lang. Kahit na nasa ground floor ka at sa 35th floor ang pupuntahan mo. Kung di ka pa pumayat nyan kahit araw-araw mong ginagawa, tumalon ka na lang sa building para wala ka nang problema.

3. Sa halip na mag-commute, maglakad na lang.

Aba! Marami kang benefits na makukuha dito kung gagawin mo. First, walking is a good form of exercise. Kung ikaw ay maglalakad lang papunta sa iyong paroroonan, para ka na ring nag-threadmill devah? Kesehodang ikaw ay nasa Laguna at ang pupuntahan mo ay sa Pampanga! Mae-exercise na ang mga binti mo, maraming fats pa ang mawawala sa yo! Bongga! Kung halimbawang nasa Pilipinas ka at pupunta ka sa China, eh di lumangoy ka na lang sa China Sea! Take note, swimming is a good form of exercise too! Malay mo madiscover ka pa ng Guinness Book of World Records pag nagawa mo yan! Daig mo pa ang nakaakyat ng Mount Everest! Panalo ang beauty mo!

Second, nakatipid ka pa sa pamasahe. Aba! Magkano din ang minimum fare ngayon! Seven pesos! Isipin mo na lang kung ilang Juicy Fruit at Boy Bawang ang mabibili mo nyan!

Third, makakatulong ka pa sa kalikasan para makabawas sa air pollution dahil sa maruming usok na ibinubuga ng mga sasakyan. Nang sa gayon, may maganda ka namang magagawa sa buhay mo kesa magpaseksi!

4. Habang nanonood ng TV, mag-multi-tasking.

Studies show na ang panonood ng TV ang isa sa mga cause of gaining weight dahil hindi natatagtag ang mga taba mo sa katawan. Kaya kung ikaw ay adik sa TV dahil gusto mong masubaybayan kung magtatagumpay ba si Eliazar para matalo ang Super Twins, or dahil gusto mong malaman kung magkakabalikan ba sila Ruffa at Ylmaz, pwes matutong magmulti-tasking habang nanood ng TV para ma-burn ang mga fats. Halimbawa, magwalis-walis ng sahig habang nanonood ng TV. Or maglinis ng bubong habang nanonood ng TV. Or mag-igib ng tubig habang nanonood ng TV . Kung paano mo gagawin yan, eh problema mo na yan. Basta ang importante, binigyan na kita ng idea. Wag ka namang abusado! Gamitin mo ang kukote mo paminsan-minsan para ma-exercise din noh! Baka kalawangin yan pag di mo ginagamit lagi, ikaw rin!

5. Love your body.

So what kung hindi ka sexy? So what kung parang kalsada sa subdivision ang katawan mo sa dami ng humps? So what kung mukhang belt bag ang puson mo? Nagpapasexy ka ba para sa sarili mo o dahil sa ibang tao? If you want to lose weight due to medical reasons, then well and good because health is wealth. Pero kung nagpapa-sexy ka dahil iiwan ka ng dyowa mo kapag hindi ka nagpa-sexy, or dahil gusto mong makapag-pose someday sa FHM, or dahil gusto mong talbugan sa paseksihan ang bagong gf ng ex mo, or you wanted to be sexy just to please everybody and to meet others’ standards, pwes bakit di mo subukang ipukpok ang dumbell sa ulo mo para matauhan ka naman. If you wanted to lose weight and be sexy, gawin mo dahil gusto mo para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao. Do it because you wanted to look good and feel good. Pero kung kuntento ka na naman sa porma ng katawan mo at hindi ka naman insecure, then so be it! Remember, ang pinaka-plus factor pa rin ng isang tao ay ang kanyang personality.

Alalahanin na ang katangian ng isang tunay na chochal ay ang nag-uumapaw na self-esteem at self-confidence. Rumampa sa kalsada as if isa ka sa mga models ng Bench Underwear kesehodang nagba-bounce up and down ang puson mo. At kapag may nagsabi sa yo na meron kang Coca-Cola body, yung 1.5 liters nga lang, yanigin mo sila sa statement na: “Eh kung maganda na nga ako tapos sexy pa ko, eh di masyado na kong perfect nun? Ay ayoko ng ganun, baka mas lalong maraming mainsecure sa kin!”. Pang-Ms. Universe ang statement mo ‘Day! Winner!

Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.


Filed under: Chochal Rules

69 Responses to “How To Lose Weight the Chochal Way”

  1. reysie said, August 21st, 2008 at 6:09 pm

    hahaha!!!! grabe ka naman magbigay ng advise!! magawa nga yang suggestion mo…nakakaloka ka huh!!

  2. mawiii said, July 23rd, 2008 at 11:03 pm

    wow.. hahah ganda nung last statement!!! hehe galing ahh..

  3. easle said, July 12th, 2008 at 8:20 am

    galing personality mo..

    nyahaha.

  4. easle said, July 12th, 2008 at 8:19 am

    meron bang how to gain weight the chochal way? nyahaha

    nagrequest daw.haha/

  5. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:30 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  6. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:02 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  7. jhiengotENGOT said, November 11th, 2007 at 6:48 pm

    “Eh kung maganda na nga ako tapos sexy pa ko, eh di masyado na kong perfect nun? Ay ayoko ng ganun, baka mas lalong maraming mainsecure sa kin!”

    idol.Ü

  8. wangirl said, November 10th, 2007 at 6:33 pm

    gravi na toh…..

  9. wangirl said, November 10th, 2007 at 6:33 pm

    wowww grabeh natoh…..

  10. andrea said, October 25th, 2007 at 1:53 pm

    shuckzzz..what an ego booster for chubby pipol like me

  11. ARLENE said, October 20th, 2007 at 9:59 pm

    tama!! ganda ng mga advice!! haaaaaaay problemado ako kasi i gained almost 20 lbs. haaaaaay… self discipline kailangan no. 1!

  12. kween0780 said, September 29th, 2007 at 2:17 pm

    korekorekek!!!dito na ako!!!!

  13. gRacE-BSN1-16-iLigan city said, September 13th, 2007 at 9:46 am

    oh my god..! ung mga articLes nyo nlng tlga ang babasa hin ko Ms. F kc zuper nkakareLate ako…h3h3h3
    ako d nmn mtba d rin payat ” CHUBBY ” nga Lng pro im happy w/ my figure noh..! hahaha b’coz of ur artiCLe ndagdgan tLaga ung SELF-CONFiDENCE ko..! h3h3h3
    thnx a lot.! mwah* yngatz poh.!

  14. kikot said, September 10th, 2007 at 4:15 pm

    i was diagnose to have anorexia… its a hell day for me

  15. miamheems said, September 9th, 2007 at 11:41 am

    naloka ko, talaga bang effective yan?

  16. yhome said, September 6th, 2007 at 9:59 pm

    galing naman…advise with matching comedy..san kapa???

  17. helookitty said, September 4th, 2007 at 12:00 pm

    siguro natatawa sila kasi po di nila kaya yong pinagagawa mo sa kanila no ,but wala bang mas mahirap sa mga task na yan para pumayat ang dali naman nyan di ba. wish ko maging model k nila di ba.

  18. maceng said, August 29th, 2007 at 5:11 pm

    Hay Mahal na kita grabe i love your column specially this one,, mga advices at the same time napapatawa mo ba ung taong bumabasa nito.. keep up the good worked.. aludo po ako sa inyo….

    maceng

  19. adrian... said, August 21st, 2007 at 9:34 am

    hay!!! kakloka!! korek! you need some effort to achieve wat we want!!!

Pages: [3] 2 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.