Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Weekend Lakwatsa on a budget

Posted June 26, 2007

Weekend Lakwatsa on a 100-Peso Budget or Less

Imagine you are in a situation like this:

It’s weekend. Bored na bored to death ka na. Napanood mo na lahat ng collection mo ng mga movies ng mga idols mong sina Nora, Vilma, at Jolina. Tapos ka na ring makichismis sa buhay ng mga artista sa Startalk sa TV. Tinext mo lahat ng mga barkada mo ngunit sa hindi malamang kadahilanan, hindi mo sila ma-contact. Sinabi mo sa sarili mo na never, as in nunca mangyari sa yo na mag-stay sa bahay on a weekend! Kating-kati na ang mga paa mo upang makalayas. Dali-dali kang pumunta sa iyong kwarto at hinanap ang kaisa-isa mong tagapagligtas: ang iyong wallet.

Ngunit muntik ka nang mapasigaw ng “ahhhhh!” sa sobrang hinagpis nang makita mo ang laman ng wallet mo: 50 pesos. Sa isang iglap, pumunta ka sa kusina at hinanap ang instrumentong makakatulong upang wakasan na ang paghihirap mo: ang kutsilyo. Dahan-dahan mo itong kinuha upang laslasin ang iyong…Powerpuff na alkansya. Dagli mong binilang ang mga baryang nakuha mo dito: 49 pesos ang 75 centavos. Bigla kang napaupo dahil sa labis na panghihina. Ngunit biglang nagliwanag ang iyong paligid nang makita mo ang isang bagay na kumikislap-kislap sa ilalim ng mesa: 25 centavos. Yesss! May 100 pesos ka na! Pwedeng-pwede ka nang maglakwatsa. Ngunit dahil naparalisa ang mga brain neurons mo, hindi mo alam kung pano pagkakasyahin ang 100 pesos para makapaglakwatsa. Unti-unti ka nang nawawalan ng pag-asa…

Ngunit sa isang iglap ay biglang dumating ang iyong tagapagligtas! Dyarraaaan! Presenting…Ms F!

Yes, mga kachochal! Ms. F is here para turuan kayo kung paano makapaglakwatsa on a 100-peso budget or less. Believe it, or not!

1. Kung ayaw mong mag-stay sa bahay, pumunta na lang sa bahay ng kapitbahay.

Why not? Tutal naman ang rason mo lang eh ang makalayas sa bahay nyo. So kung ayaw mong mag-stay sa bahay nyo, eh di mag-stay ka na lang sa kapitbahay nyo! Alalahanin mo na 100 pesos lang ang pera mo kaya wag kang mag-inarte dyan! Isipin mo na lang ang mga advantages na makukuha mo. Una, di mo na kailangang gumastos ng pamasahe dahil tatlong tumbling lang ang layo ng bahay nyo sa bahay ng kapitbahay mo. Pangalawa, di mo na poproblemahin ang lalafangin mo dahil pwede kang makikain sa kanila. Alam mo naman, likas sa mga Pinoy ang pagiging hospitable. Pero para naman hindi masyadong nakakahiya sa kapitbahay nyo, magdala ka naman ng kahit ano. Halimbawa, plato na kakainan mo.

Approximate Cost: 0

2. Pumunta sa mall.

Wala nang entrance fee, may libreng aircon pa! Makakapag-window shopping ka pa! Wala kang gagastusin dito kundi ang pamasahe mo at pagkain pag nagutom ka. Wag ka nang mag-FX papunta sa mall, mag-jeep na lang para mas makatipid. At kung gusto mong makatipid talaga, maglakad na lang. Kapag nagutom naman, pwede kang humanap ng makakain sa foodcourt na kasya sa budget mo. Very usual naman sa mga food courts ang mga budget meals. Pero kung gusto talagang makatipid, kumain na lang bago umalis ng bahay para wag nang gumastos pa. Sino ang mag-aakala sa mall na 100 pesos lang ang pera mo? Bongga devah!

Approximate Cost: 20 pesos (pamasahe balikan) + 50 pesos (meal) = 70 pesos

3. Pumunta sa mga public parks.

Kung ikaw ay nasa Manila, magpunta sa mga parks like Rizal Park, Manila Zoological and Botanical Gardens, Paco Park, Ninoy Aquino Parks and Wildlife, La Mesa Ecopark, Baywalk, Marikina Riverbanks at marami pang iba! O devah! Sinusuportahan mo pa ang Philippine Tourism! May ibang parks na libre at may iba naman na may entrance fee, ngunit murang-mura lang at hindi pa lalagpas sa 50 pesos. Para makatipid, magbaon na lang ng food na malalafang mo. Advisable yung food na hindi madaling maubos. Halimbawa, juicy fruit.

Approximate cost: 20 pesos (pamasahe balikan) + 50 pesos (entrance fee, kung meron) + 2 pesos (Juicy Fruit) = 72 pesos

4. Kung trip ang adventure, mag-round trip sa LRT 2.

Kung ignorante ka pa sa LRT2, ito ay bumibyahe ng Recto-Santolan (Pasig). Ngunit hindi kagaya ng MRT at LRT 1, sa LRT 2, hindi mo na kailangan pang bumili ng panibagong tiket para makapunta sa other bound ng train. Pupunta ka lang sa kabilang lane, and presto! Para ka na ring nag-field trip from Recto to Santolan! Makikita mo pa ang iba’t ibang view ng Araneta Center, Gilmore, Sta. Mesa, Legarda, Quiapo, etc! For only 14 pesos! San ka pa! Ingat lang at baka mahalata ng guard. At wag tatanga-tanga at baka parahin ang tren! Or baka masagasaan ng tren!

Approximate cost: 15 pesos

That’s all for now! Enjoy your weekend! And spend your 100 pesos wisely!

Dahil ang mga chochal, know how to have fun!

Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F

40 Responses to “Weekend Lakwatsa on a budget”

  1. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:28 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  2. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:01 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  3. kira_ragdoll said, October 10th, 2007 at 12:24 pm

    ok na ung internet sa bahay..

  4. gRacE-BSN1-16-iLigan city said, September 13th, 2007 at 9:37 am

    HI POH.! matgal n akong bumuview ng tristan pro now ko lng naicpang mg-view d2 sa mga coloumns…at ung inyo poh ang bnasa ko kc title plang…kakaaliw nah…h3h3h3
    nag-enjoy tlga ako sa pgbabasa…h3h3h3 zuper kakaaliw…swear.! yngatz poh.!

  5. hll2010 said, August 19th, 2007 at 4:35 pm

    ehehe!super aliw…

  6. jogjog said, August 14th, 2007 at 7:17 pm

    more pls…

  7. alex_23 said, July 29th, 2007 at 6:01 pm

    ok na sakin ung #4. may sukli pa ung bente ko. pangkendi!!! nyahaha

  8. chikababes_0 said, July 27th, 2007 at 10:27 am

    whoaa astig !!!!!!!!!!!!!!!!! newbie here

  9. Marife said, July 24th, 2007 at 1:44 pm

    Astig! Gagawin ko yan minsan. he,he

  10. russel1726 said, July 24th, 2007 at 1:21 pm

    hehe… nice one…

  11. Lester said, July 23rd, 2007 at 11:41 am

    ganda ng suggestion u kla q 22o lhat pero kaka2wa at gagawin q yan minsan haha tenks

  12. princess_laurabelle said, July 21st, 2007 at 7:29 am

    hay naku…suggest ko, magstay k n lng sa bhay nyo! mag-internet ka halimbawa…

  13. menka_garcia said, July 17th, 2007 at 9:46 pm

    gud suggestion…

  14. nerwin77 said, July 14th, 2007 at 2:26 am

    ganda ng kay krislouiebaby.ganda talaga kaw kya gawa non no.just joking.hehehehehe!!!!!!

  15. nerwin77 said, July 14th, 2007 at 2:26 am

    ganda ng kay krislouiebaby.ganda talaga kaw kya gawa non no.just joking.hehehehehe!!!!!!

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.