Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Nibble Foods the Chochal Way

Posted July 17, 2007

Haller mga kachochal!

In tradition of Chochality 101, your budgeted lifestyle queen Ms. F is here once again upang ibahagi sa inyo ang “good news” ng kachochalan. Dahil alam kong isa sa favorite past time ninyo ang lumafang every minute every second of the day, tuturuan ko kayo on how to nibble foods the phenomenal chochal way. Natural dahil kilala ang mga chochal sa pagkakaroon ng mga signature moves devah!

Kaya mamaya na muna ang paglafang, read muna! Now na!

How to Eat (& Drink) Sago’t Gulaman

Materials: Straw, toothpick (optional)

Make sure na may nakalagay na straw sa baso ng sago’t gulaman mo. Mas perfect kung ang straw mo ay yung nabe-bend. At syempre, dahil may straw, you should “sip” it. Hawakan ang straw ng iyong mga nakapilantik na daliri at dapat sa paghigop, nakaform ng letter “O” ang iyong mga lips. Hintaying maubos muna ang liquid bago puntiryahin ang sago’t gulaman na naiwan sa ilalim ng baso. Para mas chochal, tutpikin ang mga ito saka isubo isa-isa. And don’t forget, dapat nakatilt ang ulo mo ng 45 degrees habang isinusubo ang nakatutpik na sago’t gulaman.

Tip: Dapat, mga 5 seconds lang ang pag-sip sa straw para hindi ka magmukhang tubo ng Malabanan na sumisipsip ng posonegro.

 
How to Eat Nilagang Mais

You can eat your nilagang mais in two different ways:

1. Material: Matitibay na ngipin

Hawakan ang mais sa magkabilang dulo ng cob nito. Umpisahang kagatin ang first row ng mga butil ng mais sa left side papunta sa right. Kapag naubos na ang first row, kagatin naman ang second row sa ibaba nito in a left to right motion also.

Tip: Make sure na walang maiiwang bakas ng mais sa mukha mo sa bawat pagngabngab mo sa busal nito kung ayaw mong habulin ka ng manok. Hindi ito advisable sa may mga braces.

2. Material: Toothpick, Protractor (optional)

Tanggalin isa-isa ang butil ng mais. Tusukin ang bawat butil ng toothpick habang nakapilantik ang mga daliri at isubo habang nakatingala. Make sure na 45 degrees ang pagkakatilt mo. Gumamit ng protractor upang i-measure ang iyong angle to make sure.

Tip: Advisable ito sa mga taong pasensyosa at gustong pahirapan ang sarili nila.

 
How to Eat Butong Pakwan and Butong Kalabasa

Materials: Matitibay na ngipin, pustiso (optional)

Hawakan ang butong pakwan or butong kalabasa vertically. Kagatin ang pinakadulong bahagi nito, yung patusok na part, upang mag-crack ng konti. Sa pamamagitan ng crack na ito, tanggalin ang buong balat at kunin ang laman na nasa loob nito sa pamamagitan ng mga daliri. Ibuka ang bibig saka ilagay ang laman ng butong pakwan or butong kalabasa sa dila saka kainin. Pwede mong kainin ang balat kung nasasayangan ka. Wag ka lang magrereklamo kapag nagconstipate ka.

Tip: Make sure na mag-toothbrush after kumain upang matanggal ang mga nakasingit na balat sa ngipin mo. Kung ikaw naman ay nakapustiso lang at hindi pwedeng ipangkagat ito ng matitigas na bagay, sipsipin na lamang ang butong pakwan at butong kalabasa hanggang sa mawalan ng lasa.

 
How to Eat Chocnut

Materials: Foil ng chocnut, straw (optional)

Buksan ang foil ng chocnut saka hatiin ang laman nito into two parts. Pwede mo din namang isubo ito ng buo pero wag mo namang ipahalata na PG as in Patay Gutom ka. Kunin ang isang portion nito ng iyong nakapilantik na mga daliri saka dahan-dahang isubo. Isunod naman ang isa pang portion the same way. Sa mga natitirang nadurog na Chocnut, kunin ang foil saka dahan-dahang i-slide ang laman nito sa iyong nakabukang bibig. Make sure na nakatingala with a 45-degree angle. Huwag isamang kainin ang foil. Pwede mo ding i-straw ang mga natitirang durog na chocnut ngunit hindi ko masyadong ine-endorse ito dahil baka mapagkamalan ka pang adik.

Tip: Close your mouth while chewing. Ang purpose nito at upang tanggalin ang chocnut na dumikit sa ngala-ngala mo. Pwede din itong gawin sa polvoron.

Hanggang sa muling paglafang!

Bon Appetit!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules

23 Responses to “Nibble Foods the Chochal Way”

  1. nmaj said, July 17th, 2007 at 3:02 pm

    Nice tips… Detalyado…

  2. one_rice said, July 18th, 2007 at 9:02 pm

    ayus hehe

  3. meimeimei007 said, July 19th, 2007 at 9:38 am

    hahaha.. i love eating chocnut d chochal way.. without the straw of course.. =p

  4. twentynine said, July 19th, 2007 at 8:17 pm

    e how to eat nilagang itlog???

  5. sybil_dibs said, July 22nd, 2007 at 8:28 am

    nyahaha… baket alam mo kung pano ako kumain ng mais? :roll:

    nice artic po… :galeng:

  6. jhoan1102 said, July 23rd, 2007 at 9:02 am

    qmusta nmn ang tips.,.,.
    wahahahahehehehe.,,.
    nice!!!!
    luv u ms. F

  7. stephen said, July 23rd, 2007 at 3:54 pm

    nakakatuwa

  8. shanwie06 said, July 23rd, 2007 at 6:13 pm

    my jokes ako mga tol! Ano ang pinakaiba na pulang itlog sa puting itlog? SAGOT… KAYA NAMUMULA KASI NILAGYAN NG ASIN, SAU KAYA ANG LAGYAN NG ASIN, DIBA MAKATI……..!HEHEHE
    Ano ang pinagkaiba ng balot sa itlog? SAGOT… KASI ANG BALOT NASA LABAS ANG BUHOK….HAHAHAHA!

  9. shanwie06 said, July 23rd, 2007 at 6:15 pm

    SERIOSLY…. nice, kasi nakilala ko kayo!! MWAHHHH!

  10. shanwie06 said, July 23rd, 2007 at 6:18 pm

    Pano ba kainin ang itlog? SAGOT… EH DI, NILI-LOLLIPPOP

  11. alex_23 said, July 29th, 2007 at 5:59 pm

    wahahaha. wedding proposals talaga noh.. asa!!

    \m/

  12. Anonymous said, August 19th, 2007 at 4:27 pm

    mwahaha!so funny talaga at so chochal!

  13. hll2010 said, August 19th, 2007 at 4:29 pm

    hehehe!chochal na funny pa!

  14. darleneenriquez78 said, August 29th, 2007 at 3:23 pm

    hehehehe!funny k talaga at chochal ha..idol n kita!now ko lng nbasa colum mo..and now ko lng nlaman n madami pla kong matutunng kachochalan syo!!

  15. ganguro143 said, September 21st, 2007 at 8:36 pm

    amf… nice one wag kayo mag straw sa chocnut baka mapagkamalan na addict ok?! nyahaha

  16. wawi said, September 29th, 2007 at 11:10 am

    nice…pano kumain ng balot in a chochal way?

  17. sheryll mae said, October 4th, 2007 at 10:24 am

    ang daming maganda

  18. sheryll mae said, October 4th, 2007 at 10:25 am

    panu ba maging kuripot

  19. sheryll mae said, October 4th, 2007 at 10:28 am

    and dami kung nalearn sa kachokalan hehehe….

  20. wangirl said, November 10th, 2007 at 6:22 pm

    hahaahaha…
    sobra n 2….

  21. 012789 said, December 18th, 2007 at 11:04 am

    ,,uhm…
    mafil q kea ang pagkain pg ganun aq kaarte??/
    i will try 8..
    nice

  22. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:00 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  23. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:28 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.