Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Gimik On a Budget

Posted August 1, 2007

It’s Friday night. Kating-kati na ang paa nyong magbabarkada para gumimik. Aba! One week din kayong nagpaka-besi-besihan sa trabaho noh! You wanted to give yourselves a break! Ngunit may isa lang kayong malaking problema: malayo pa ang sweldo! That means,mga Poorika Peralejo na kayo.

Ngunit dahil Certified Chochal ka, kahit limited lang ang iyong financial ability, malawak naman ang iyong creativity! Sindakin sila at ipakita ang katangian mo bilang chochal sa pamamagitan ng paghost ng isang In-house Friday Night Gimik in, wherelse, your own residency! Paano? Wala kang dapat gawin kundi magtiwala sa kakayahan ni Ms. F!

Because believe it or not, pwedeng-pwede kang maging-host/hostess sa nasabing Friday Night Gimik na hindi magpapanic ang bulsa mo and at the same time, maipakita ang kachochalan mo! Pwede ding Wednesday or Saturday Night Gimik kung gusto mo, but since Friday starts with letter “F”, I prefer to make Friday night as an example. Bongga devah!

FOOD

Let’s start with the food. Syempre, hindi mawawala sa mga ganyang gimik ang lafangan. Pero trust me, hindi mo kailangang maghanda ng kanin at ulam dahil hindi naman ito birthday, or fiesta, or pasko ng pagkabuhay ng namatay mong buhok sa talampakan. Pika-pika or finger foods lang, solve ka na, sa halagang kayang-kaya lang ng bulsa!

Here are the following food suggestions

1. Boy Bawang, green peas, butong pakwan at butong kalabasa

Ang mga nabanggit na kukutin ay mabibili at matatagpuan sa pinakamalapit na sari-sari store. Pagsama-samahin lang ang mga nabanggit sa isang chochal na lalagyan, and presto! May pika-pika in an instant ka na! Pwede mo pa silang turuan ng tamang pagkukot ng butong pakwan at butong kalabasa the chochal way! Bongga ang byuti mo devah!

Tip: Wag nang maghanda pa ng biscuit dahil baka magmukhang lamay sa patay ang Friday Night out nyo.

2. Tortilla Chips, Nachos, Fish Crackers, and Vegetable Sticks with a Home-made Dip

Take note, may mga nabibili na ngayong tortilla chips, nachos, and fish crackers in bulk sa mga palengke or, kung medyo chochal ka, sa mga groceries or supermarkets sa presyong affordable. Kesa naman bumili ka ng mga flavored chips na nakapack commercially na ¾ ng laman ay hangin at ¼ lang ang chips! At hindi mo na rin kailangan pang bumili ng mga mamahaling dips! You can make your own para mas makatipid! Halimbawa, make a mayonnaise dip by combining mayo and catsup, or mayo and sprinkle it with garlic! Voila! May chochal na dip ka na! At para sa mga friends mong vegetarian, pwede kang maghanda ng mga veggie sticks para sa kanila. Hiwain lang sa maninipis at mahahabang hugis ang mga gulay gaya ng carrots, cucumber, turnips, or talong at okra para mas kakaiba. Nang sa gayon, magamit mo naman ang mga gulay na yan na matagal nang nakaimbak sa ref nyo.

Tip: You can create your own dip! Maghalungkat lang ng kung anu-anong condiments sa inyong kusina at paghalu-haluin. Maghanda lang ng diatabs in case of emergency.

3. Make your own cocktail finger food.

Para makagawa ng sariling coctail recipe, mag-prepare lang ng mga three basic items na ito: cheese, cocktail hotdogs, at higit sa lahat, ang simbolo ng kachochalan, ang toothpick. Para mas magmukhang chochal, make your own cocktail stick sa pamamagitan ng paglalagay ng ginupit-gupit na glossy magazine (in substitute of the cellophane) sa isang dulo ng toothpick. Sabihin lang sa mga kaibigan na wag itatapon ang mga nasabing toothpick para magamit mo pa sa susunod. Para naman makagawa ng cocktail food, hiwain lang ng pa-cube ang cheese at hiwain ang cocktail hotdog into three equal parts. Then tusukin ng coctail stick ang isang cheese cube at isang hiwa ng cocktail hotdog. Presto! May cocktail finger food ka na!

Tip: Pwede mo ding hatiin ang cocktail hotdog into ten parts or hiwain ang cheese into 1×1 centimeter. Okay na yung basta may masabi lang na may hotdog at cheese ang cocktail mo. Pwede mo din itong dagdagan ng marshmallow or pineapple tidbits.

4. Street Foods

Para maging “something different with a style” ang mga party foods mo, maghanda ng street foods gaya ng kwek-kwek, bituka ng manok, squidballs or fishballs. Para magmukhang chochal, tusukin ng iyong home-made cocktail stick ang kwek-kwek or fishballs pag ihahanda na ito sa table.

Tip: Magpa-impress sa mga kaibigan sa pamamagitan ng pagturo sa kanila on how to eat street foods the chochal way!

5. Chocolate Fondue ala Chochal

Hindi mo kailangang bumili ng mamahaling chocolate para makagawa ng chocolate fondue. Gumamit lamang ng mga chocolates gaya ng Flat Tops, Curly Tops, or Goya Chocolate Bar! Tunawin lamang ang mga chocolates upang maging chocolate syrup ito (via steam bath, not via direct heat kung ayaw mong maging kape ang chocolate mo). Para naman sa mga fruits na idi-dip dito, pwede kang mag-prepare ng apple, banana, melon, or grapes (kung kaya pa ng budget). Hatiin lamang ito into bite pieces, then tusukin ng toothpick to add a touch of kachochalan. I-dip lang ang mga nasabing fruits sa chocolate syrup na ginawa and voila! May Chocolate Fondue ala Chochal ka na!

Tip: Kung cannot afford mo ang grapes, aratilis na lang ang gamiting replacement. Pwede ka ding magdagdag ng kahit anong prutas na makikita sa likod bahay nyo. Halimbawa: makopa or duhat.

On succeeding issues, we will be talking about drinks, settings, and recommended activities para maging bongga ang Friday Night Gimik nyong magbabarkada na pinagbibidahan mo! For the meantime, maiwan ko muna kayo dahil rarampa pa si Ms. F!

Enjoy your night-out!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)

From Inquirer’s Advertisement: Dare To Ask. Be An Inquirer.

Lea Salonga: Why not the world?

Ninoy Aquino: Why can’t I go home?

Romeo Garduce: How hard can it be?

Ms. F: Wala na bang tawad?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F

33 Responses to “Gimik On a Budget”

  1. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:27 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  2. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 3:00 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  3. pogi_points said, November 4th, 2007 at 7:10 pm

    wat?????!!!!!1 di Q marinig!!!!

    nyhehehehee!!!!!!!!!

  4. yodge04 said, September 27th, 2007 at 2:20 pm

    yah..dats a good idea ha..para s mga walng pera.. haha..

  5. imago_ms88 said, September 18th, 2007 at 8:25 pm

    huwaw! certified chochal na rin si roric!

    welkam to da club!

    tamang-tama na-kick out na sa samahan si jepay! di kasi marunong gumamit ng kubyertos! kinakain ba naman! nyahaha!

  6. roric said, September 18th, 2007 at 8:23 pm

    hahahahha…..maggggggssss… favorite ko kc si Ms.F… certified “chochal” din ako.. har har har

  7. imago_ms88 said, September 18th, 2007 at 8:20 pm

    hmmm…imbecile din kaya kami ni alex?

    sa crap pa rin kame!

    nyahaha!

  8. imago_ms88 said, September 18th, 2007 at 8:14 pm

    @ alex

    me point ka dyan, tunog crap eden cheese! nyahaha!

    naku, nakakatakot palang magalit si roric, nagjejenglish din!

    bwehehe!

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.