Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Moving On the Chochal Way

Posted September 3, 2007

Si Ms. F, hindi lang pang-Lifestyle and Culture, pang-Love & Intimacy rin. Yan ang tinatawag na versatility. Pero ipagpaubaya na lang natin ang pagbibigay ng mga love advice sa mas expert dyan na sina DJ Jep at Manay Letty or Madam BJ. But instead, Ms. F will teach you on how to move on the chochal way. Dahil ang pagmo-move on, part din ng pagiging chochal: to look better, feel better, and do better.

The process of moving on shouldn’t be hard and painful. Hindi sagot ang pagda-drama-dramahan para maka-move on, as if naman maibabalik ng luha mo ang dyowa mong nang-iwan sa yo. Iniwan ka na nga ng dyowa mo, mukha ka pang dehydrated na langaw sa dami ng luhang naubos mo! Scary devah? So why don’t you wipe your tears, smile, and read on:

1. Kunin ang picture ng iyong ex at itabi mo ito sa picture ng pinagnanasaan mong artista. Halimbawa, si Dennis Trillo or si Piolo Pascual. Pagkatapos, sa pamamagitan ng isang black pentelpen, i-spot the difference mo ang picture ng ex mo at ang picture ng crush mong artista. Halimbawa, kung ang ilong ng ex mo ay malaki ang butas ng ilong na kasya dalawang daliri sa paa ni Ronald McDonald compared sa matangos na ilong ni Dennis Trillo, bilugan ang ilong ng ex mo sa picture. Kung gusto mo, i-shade mo pa. Gawin mo ito sa lahat ng pictures ng ex mo. For sure pagkatapos mo, sa dami ng bakas ng pentel sa picture ng ex mo, hindi mo na mare-recognize ang itsura nya. Naaliw ka na, naka-move on ka pa.

2. Pwede mo din gawing dartboard ang picture ng ex mo. Naka-develop ka na ng bagong hobby, nakapagmove-on ka pa!

3. Ang isa daw sa mga paraan para makalimutan mo agad ang ex mo is to get rid of the things that remind you of him/her. Senti-sentihan ka kapag nakikita mo ang binigay nya sa yong stuff toy na napanalunan nya sa perya, or yung blouse mo na sya mong suot noong first time ka nyang hinalikan sa siko. Pwes, i-dispose na yan! Pero maghuhusdili ka! Wag mong sunugin ang mga yan! Makakadagdag ka pa sa pagnipis ng ating ozone layer! Instead, bakit hindi mo na lang ito ibigay sa mga nangangailangan at gawing kapaki-pakinabang? In other words, bakit di mo i-donate! Highly recommended ko ang pagdodonate sa Give A Gift Project ng Tristancafe. Nakatulong ka na, naka-move on ka pa.

4. Kung ang problema mo naman eh patuloy mong binabalik-balikan ang restaurant na kung saan madalas kayong mag-date, simple lang yan my dear. Wag mong pigilan ang sarili mo. Pumunta ka! Tapos umorder ka ng pinakamahal nilang menu! Yung nakakatetano ang presyo. Tignan lang natin kung hindi mag-init ang ulo mo. Nang sa gayon, sa tuwing pupunta ka dun, hindi mo na maa-associate ang resto sa ex mo kundi sa nakakapag-init na ulong presyo ng mga pagkain. Kung hardcore naman ang gusto mo, orderin mo lahat ng mga pagkaing nakakalula ang presyo tapos wag mo bayaran. For sure, kahit gusto mo mang bumalik dun, hindi na pwede dahil banned ka na! Kaya hindi ko ito masyado sina-suggest because it’s very un-chochal.

5. Sabi nga nila, the fastest way to move on is to look for a possible new love. Ang mundo ay punong-puno ng mga taong pwedeng mahalin kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Next issue, bibigyan kayo ng tips ni Ms. F kung paano mangarir ng opposite sex the chochal way.

Hindi naman masamang magdrama-dramahan during the moving-on process. Umiyak ka hangga’t gusto mo at gumawa ng replica ng Pacific Ocean sa pamamagitan ng iyong mga luha. Just make sure lang na pagkatapos mong mag-crayola to death, you will not be crying for the same reasons anymore. Move on because life must go on.

Till next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)

George Herbert: Living well is the best revenge.

Ms. F: Being chochal is the best revenge.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F

36 Responses to “Moving On the Chochal Way”

  1. easle said, July 12th, 2008 at 8:15 am

    go go go sago sa lahat ng naga move on.

    life must go on nga.

    galing.

  2. reginereyes said, May 31st, 2008 at 4:22 pm

    it’s rily hard 2 move on..plagi q xang naiicp..pro after 2 mos. dat he left me..i’ve totally moved on..

  3. racel said, February 22nd, 2008 at 4:47 am

    hay naku, hirap magmove-on talaga. ako nga tagal ko nagka-first bf tapos may kapangitan p ang hitsura ng nakuha ko pero may gana pang manloko. sakit kaya! ayun, iniwan ko. bwisit sa buhay e.

  4. butterscotch said, February 4th, 2008 at 4:36 pm

    you won’t really knw if you are in loved unless you get hurt.. moving on is a painful process but at the end of the day you will realize how strong you can be.. wag n lng tayong magcrayola, dhil qng ti2gnn ntn tayo rin ang lugi dun, ndhydrate n tayo,pumanget p ang kaitchurahan ntn..haha! i guess i’m done with d crying! i am better now.. and can be even great!wahaha!

  5. hot_katyrina said, January 11th, 2008 at 10:25 am

    WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
    Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
    CLICK HERE

  6. hot_fatima said, January 10th, 2008 at 2:58 pm

    Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…

  7. freakygurl811 said, January 9th, 2008 at 7:33 pm

    It’s easy to give advise, but what makes it very hard is how to apply the advises.
    For me there is no happiness that lasts forever, so when you found your happiness enjoy every moment of it coz you never know how long it will last.

  8. hot_katyrina said, January 6th, 2008 at 11:55 pm

    click here para manood ng mga kakaiba at di kanais-nais na kasiyahan punta na kayo dito my bago at kaka-iba dito

  9. camille [cj] said, December 18th, 2007 at 4:52 pm

    alam mo ba na mas
    special ang tears kesa smile?
    bakit?
    kasi yung smile pwedeng ibigay kahit kanino
    pero ang
    tears ay maibibigay mo lang para
    sa taong di mo kayang mawala….

    loving someone could be so painful
    but its amazing to know that
    no matter how hard it is
    loving someone is still the simplest reason why you
    find yourself “SMILING” ang sakittttttttttt………..

  10. cj said, December 18th, 2007 at 4:48 pm

    hay ang sarap magmahal pero kung ganu kasarap magmahal ganun din kasarap masaktan..
    sa kin ok lng msaktan ako basta ako mahal ko si mj kahit mali kasi minsan kung ano yung mali
    sya pa ang ikaliligaya natin.. di naman tayo manhid masarap lang maging tanga kasi ganun kasarap magmahal yung bang tipong nagtatanga tangahan ka na…
    move on is easy to say but hard to do..

  11. 012789 said, December 18th, 2007 at 10:59 am

    hy naku,,,
    para hidi masaktan..piliin naman kasing mabuti ung talagang mamahalin mo noh,,,
    diba ms.f…
    kea ang daming nasasaktan ei,,,
    nanligaw lng ng ilang linggo,,cnagot n agad!!nuh b yan!!
    b wise mga girls….wag mawawalan ng respeto s sarili…
    ms.f d best!!awoo!!awoo..;)

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.