FYI
Posted September 25, 2007
What You Should Know About Cosmetics
Lahat tayo ay nangangarap na gumanda. Ang iba nga gumagastos pa ng libu-libo para lang gumanda at magmukhang tao, either magpa-opera, magparetoke, or magpanic buying ng mga cosmetics na mabibili sa market.
Pero minsan, sa kagustuhang pumuti, mawala ang pimples, at maging makinis at mamula-mula ang balat na kagaya ng pwet ng baby, susubukang gumamit ng iba’t ibang klase ng cosmetics na available sa market. But, bear in mind na ang mga cosmetics ay parang gamot din. Meron din itong mga side effects kapag hindi tama ang paggamit.
Ayon sa Republic Act 3720, na kilala din sa tawag na “Food, Drug, and Cosmetics Act”: “Cosmetics” are (1) articles intended to be rubbed, poured, sprinkled, or sprayed on, introduced into, or otherwise applied to the human body or any part thereof for cleansing, beautifying, promoting attractiveness, or altering the appearance, and (2) articles intended for use as a component of any such article.”
Meaning, ang mga cosmetics ay hindi nagmimilagro para maging kamukha mo sina Angel Locsin, Gretchen Baretto, or Kris Aquino kapag ginamit mo ang mga pampagandang ineendorso nila. At kung sa paggamit mo ng mga cosmetics na ito ay nagiging kamukha mo na ang aso ng kapitbahay nyo, pwes, hindi na cosmetic ang tawag dyan kundi kulam.
Marami na tayong nabalitaan na nasunog ang balat nang gumamit ng isang brand ng astringent, or nalagas ang buhok nang gumamit ng isang brand ng shampoo, or naging isang malaking pimple ang mukha nang gumamit ng isang brand ng anti-ageing cream. Kaya para makasiguro na “cosmetic” nga ang ipinapahid mo sa mukha mo at hindi isang “household hazardous agent” (na kahanay ng mga panlinis ng toilet), sundin ang mga sumusunod na tips:
- Make sure na BFAD-registered ang cosmetic na ginagamit mo.
Syempre, kapag registered yan sa BFAD, that means na-test nila ito to be “safe, effective, with good quality and complies with international and local standards”. Malalaman mong BFAD-registered ang isang cosmetic product kung meron itong CR# or CL# na nakalagay sa label.
- Check the label.
Ang mga ingredients na nakasulat sa label ay hindi tinititigan, binabasa yan. Hindi ito isang klase ng Da Vinci Code na kailangan mong i-break kaya wag kang matakot na basahin ito para malaman mo kung anu-anong anik-anik ba ang ilalagay mo sa mukha mo. Aba, malay mo kung allergic ka pala sa certain ingredient na iyon or isa pala sa mga ingredients ay ipinagbabawal nang gamitin sa mga cosmetic preparations o di kaya ay lagpas na ito sa allowable maximum concentration. Scary!
For instance, alam mo ba ang allowable level of concentrations ng mga whitening agents na ginagamit mo? Halimbawa: Carica Papaya Enzyme (0.2-0.5%), Carica Papaya Extract (1.0-5.05%), Licorice Extract (0.0003%-1.0%), Sodium Citrate Lemon Extract and Cucumber Extract (5.0%), Kojic Acid (2.0%)
Did you know that Formalin and paraformaldehyde often used as preservative has a maximum allowable concentration of 0.2% (except for products for oral hygiene) and 0.1% (products for oral hygiene) expressed as free formaldehyde.
Alam mo ba ang meaning ng mga claims na “hypoallergenic” at “non-comedogenic”? Alam mo ba na may mga colorants na ginagamit sa mga cosmetic preparations (lalo na sa mga make-up) na hindi pwedeng gamitin near the eye area? Ilan lang yan sa mga dapat mong malaman na makikita sa label ng mga cosmetic preparation na ginagamit mo.
- Make sure na may nakalagay na name and address ng manufacturer or distributor ang cosmetics na ginagamit mo.
Nang sa gayon, kapag tinubuan ka ng kaliskis sa whitening lotion na ginagamit mo, alam mo kung saan mo papupuntahin ang Imbestigador kapag magrereklamo ka. Sa mga imported cosmetics naman, make sure na may nakalagay na name and address ng distributor dito sa Pilipinas, nang sa ganon, hindi mo na kailangan pang pumunta sa Timbuktu para magreklamo.
Hindi naman masamang gumamit ng iba’t ibang uri ng cosmetics para gumanda at mapanatili ang kagandahan. Gayunpaman, wag mong kakalimutan ang kasabihang “simplicity is beauty”. Minsan, mas maganda pa ang isang babae kung walang make-up at kolorete sa mukha. At alalahanin mo na noong unang panahon, walang ginagamit na cosmetics ang mga ninuno natin, but still name-maintain pa rin nila ang kanilang beauty. At syempre pa, kung mataas ang iyong level of self-confidence at self-esteem, hindi mo na kakailanganing gumastos para bumili ng iba’t ibang klase ng cosmetics para gumanda dahil feeling mo, ikaw na ang pinakamagandang hayuf sa balat ng lupa! Bongga devah!
Till next issue!
Always remember:
Be Bold. Be Proud. Be Chochal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Dedication sa isang Slumbook: Beauty is useless, but the character is the best.
Ms. F: Beauty is useless, but chochality is the best.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com
Filed under: According to Ms. F




ms. f nagme make ka ba? feeling ko hindi mo na kailangan ng make up, taas ng confidence level mo e. idol!
p.s., maganda ang artic. sana lagi kang nagpo-post para mapatawa mo kami. hehe
this is ok…
ok thnx sa advice
galing ah big help para sakin na umaasang gaganda pa LOL
alam ko na sekreto ng mga chochal!!
formaldehyde!!
Use natural products ung mga organic pra tlgang safe. Being beutiful is not only seen in the face but also the inner self of a person.. un nga lng factor p din tlga ang mgandang mkha so be careful nlng in using such products na nbili nyo lng kng san and most especially to those products na ang label ay hindi nyo maintindihan ang nilalaman.
ei… Formaldehyde is used in shampoos right? Nabasa ko po dito sa artic ng tcaf. And formaldehyde is a.k.a. as formalin… hehe… Cancerous yata ito… Paano na ang mga Pinoy na gumagamit ng shampoo na may formaldehyde? Just giving my thoughts…
Ms. F,
Nung unang panahon ay may meyk-up na rin po.
Sabi ng Lola ko, atsuete daw po ang pang-blush-on nang kapanahunan nya.
Directions:
Magbabad ng kaunting buto atsuete sa mainit-init na tubig (mineral water kung meron)
Kukusin ng bahagya ang mga butil gamit ang mga iyong daliri
Ipahid sa pisngi (use the third and fourth finger, mas gentle sila kesa sa index finger)
Ayan may blush on ka na.
Gumagalang…
Deb
ayuz!
HI KITZ KAMUSTA MANAM ANG SEMBREAK NATIN DYAN HUH?
h poh
thanks sa po sa advice..korek ka jan..
Pwede pa ba ang sperm as facial mask?
i just want to ask if you could give me some ideas about beauty is useless but character is the best because we have a panel discussion on dec 10, 2007 tnx! hoping for your reply!
ooppSs ok poh,,,
ill follow it…
Mas Maganda gumamit na ULING……
HEHEHE. . . ANG GANDA NG ARTICLE MO. MY PGKASENSE OF HUMOR KA!
THANKS FOR ADVICE
gud advice
yeaH., usefULL tips., perO i dOnt need it., maganda na aCoh para magpaganda pa LAlo LOL
huwaw,
hahaha…
‘hindi na cosmetic ang tawag dyan kundi kulam.’