Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Do’s and Dont’s na Dapat Lafangin Kapag May Date

Posted October 27, 2007

Ano ang unang-una mong gagawin kapag may date ka, bukod sa mag-toothbrush na hindi mo naman kalimitang ginagawa?

I guess ang sasabihin mo ay magpaganda/magpapogi para hindi naman maalibadbaran ang date mo sa pagmumukha mo. O di kaya ay mag-novena sa Quiapo para hindi magdelubyo nang sa ganon ay matuloy ang date nyo dahil 25 years nang walang nakikipag-date sa yo. Meron din namang mangungutang sa kapitbahay para pang-dagdag budget dahil dyahe naman kung paghugasin mo ng pinggan ang date mo dahil kulang ang pambayad mo sa resto devah?

Ang iba naman ay nag-iisip ng mga paraan kung paano maka-earn ng ganda or pogi points sa pamamagitan ng pagpapa-impress sa kanyang date. Pero alam mo ba na may mga “dyahe” foods na dapat mong iwasang orderin during your date kung ayaw mong mabawasan ang ganda or pogi points mo? Pustahan, hindi mo alam, dahil ang alam mo lang ay umorder ng umorder ng pagkain dahil PG as in Patay Gutom ka. At syempre pa, dahil ang role sa mundo ni Ms. F ay mamudmod ng kaalaman tungkol sa kachochalan, read on:

Don’ts

1. Seafoods

Huwag umorder ng seafoods gaya ng alimango, hipon, sugpo, o lobster (kung Super Sosy ka), lalo na kung ito ay may balat pa, dahil masyado itong “messy” kainin. Pwera na lang kung hindi mo na ito hihimayin at kakainin mo pati ang shell. Dyahe naman kasi sa date mo kung puro aligi ng alimango ang kamay mo o di kaya ay amoy-hipon ang hininga mo noh! Ewww!

2. Spaghetti

Huwag umorder ng spaghetti lalo na kung namumula sa catsup ang sauce kung ayaw mong magmukhang nagdudugo ang bunganga mo, o di kaya ay parang nag-apply ka ng kakaibang lipstick na kulay spaghetti sauce. Dyahe din sa date mo kung sa kakahigop mo ng strand ng spaghetti ay atakihin ka ng hika. Ewww!

3. Chocolate Cake/Dinuguan/Adobong Pusit

Huwag umorder ng kahit anong pagkain na kulay black or brown na dumidikit sa ngipin. Dyahe naman kung sa pag-smile mo sa date mo with matching beautiful eyes upang magpacute ay magkulay chocolate cake, dinuguan, at adobong pusit din ang mga ngipin mo. Ewww!

4. Halo-halo

Huwag umorder ng halo-halo, lalo na kung hindi ka marunong maghalo, dahil ikakalat mo lang ang mga laman nito sa paghalo mo. Dyahe naman sa date mo kung makalat ang table nyo dahil natapon ang kalahati ng laman ng baso mo habang naghahalo ka. Yan eh lalo na kung kasing-tigas ng semento ang ginadgad na yelo sa halo-halo mo. Ewww!

5. Chicken Curry/Onion Rings/Durian/Bagoong

Huwag umorder ng mga pagkain na mag-aamoy imburnal ang bunganga mo kung ayaw mong iwanan ka oramismo ng ka-date mo. Dyahe naman kung masangsang ang amoy ng hininga mo devah! Ikaw din, wala kang kiss! Ewww!

Kung hindi mo naman mapigilang hindi orderin ang mga nabanggit na foods sa itaas, huwag magbigti sa puno ng makahiya dahil may solusyon para dyan!

Do’s

1. Seafoods

Kung gusto mong makakuha ng ganda or pogi points, mag-volunteer sa ka-date na ikaw na ang maghihimay ng seafoods para sa kanya para wag nang madumihan pa ang bagong manicure nyang mga kuko sa kamay, at bagong pedicure nyang mga kuko sa paa kung ginagamit nya din ang mga ito sa pagkain. Make sure lang na naghugas kang mabuti ng mga kamay at nag-alcohol to show your date that you value cleanliness, because cleanliness is next to Godliness. Panalo devah!

2. Spaghetti

Sa halip na red sauce, piliin na lang ang white sauce sa spaghetti mo nang sa gayon ay hindi ka magmukhang bampirang hayok sa dugo habang kumakain ng spaghetti. Pagkatapos ay mag-share sa iisang plate at pasimpleng gayahin ang eksena sa animated film na “Lady and the Tramp”, na kung saan ang dalawang aso, unknowingly, ay pareho palang humihigop sa iisang strand ng spaghetti, kaya’t ang ending ay nag-smack sila. Make sure lang na hindi hayok na parang aso sa spaghetti ang ka-date mo kung ayaw mong maubusan ka.

3. Chocolate Cake/Dinuguan/Adobong Pusit

Make sure that you close your mouth while chewing. Ang purpose nito ay upang pasimpleng tanggalin ang mga nakadikit sa ngipin mo. Pwede ding uminom ng tubig at pasimpleng magmumog. O di kaya ay pasimpleng mag-toothbrush sa ilalim ng mesa nyo.

4. Halo-halo

Maghalo-halo together kayo ng ka-date mo. Meaning, ayain ang ka-date mo na sabay kayong maghalo sa iisang baso ng halo-halo. Nang sa gayon, matapon man ito ay walang sisihan dahil pareho kayong may kasalanan.

5. Chicken Curry/Onion Rings/Durian/Bagoong

Sa mga ganitong pagkakataon, wag kakalimutang magbaon ng mga instant breathe refresher gaya ng Double Mint o di kaya ay Listerine Pocketpaks Breathe Strips nang sa gayon ay mabawasan man lang ang masangsang na amoy ng hininga mo dahil sa mga kinain mo. Pero kung walang epek pa rin ang mga nabanggit, make sure na lang na may sipon ang ka-date mo nang sa gayon ay hindi nya maamoy ang amoy-bagoong mong bunganga.

That’s all mga ka-chochal! Till next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)

Coke Commercial: “Buhay Coke, Buksan Mo”

Ms. F: “Buhay Chochal, Subukan Mo”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules

34 Responses to “Do’s and Dont’s na Dapat Lafangin Kapag May Date”

  1. marsdawoh said, July 29th, 2008 at 1:27 am

    tunog BO.. ayos hehe

  2. easle said, July 12th, 2008 at 8:11 am

    hahaha. ang galing naman.

    faves ko pa naman lahat na nabanggit mong food ms. F. hahaha.

    ay ndi pala yung durian..yaw ko nun.

    never been on a date =

  3. trishamea said, June 27th, 2008 at 3:49 am

    naka2tuwa pala magbasa d2… nawala antok ko ah…

  4. guwapito said, May 6th, 2008 at 3:17 pm

    ha ha ha nice one mga katambay.

  5. geminier said, April 22nd, 2008 at 7:57 pm

    hahaha.. nawala antok ko nung mbsa ko 2..

    “magbigti sa puno ng makahiya”.. hahaha…

  6. jennlyn said, March 13th, 2008 at 9:01 pm

    korek ka dyan!! :}

  7. MITCH said, March 13th, 2008 at 10:31 am

    in reality? thats true…hahahah

  8. mine403 said, February 6th, 2008 at 11:35 am

    not bad.

  9. Jhona said, January 11th, 2008 at 11:15 pm

    grabe, sumakit tyan ko kakatawa..

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.