Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Join our research panel, get paid for giving your
Add to Technorati Favorites
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Chochal Moves Kapag Nag-resign ang Fave Boss

Posted November 16, 2007

Haller mga kachochal! Ang topic natin ngayon ay request ng, ayon sa kanya, ay isang masugid na tagasubaybay ng column ng yours truly. Opo, sa maniwala kayo at sa hindi ay may nagpapadala po ng e-mail sa inyong abang lingkod, bukod sa mga email notifications na kesyo nanalo daw ako sa lotto, gayung hindi naman ako tumataya at mga emails na nagbebenta ng kung anu-ano, gaya ng viagra. Anyways, narito ang nilalaman ng kanyang email:

“…can u please feature next on how to do pag ng-resign ang mabait mong boss? sad un db?
please po…”

Glenda

Bweno, bilang katuparan ng iyong request, ay narito ang mga sumusunod na dapat gawin ng isang Certified Chochal kapag nag-resign ang iyong mabait na boss:

1. If a picture paints a thousand words…

Para wag syang tuluyang makalimutan ultimo karakas ng kanyang pagmumukha, lalo na kung hypokalimot ka (isang fabricated syndrome na mababa lang ng konti sa Alzheimer’s), maglagay ng mga pictures nya at mga group pictures nyo sa cubicle mo, or sa kwarto mo, or sa CR nyo kung ganun kaalab ang iyong pagnanais na wag syang makalimutan. Highly recommended ko na piliin ang mga pictures nyo during happy moments para ma-preserve ang mga memories. Wag lamang maglalagay ng bulaklak o kandila sa harap ng kanyang picture dahil baka “ma-misinterpret” ng mga makakakita.

2. Keep in touch.

Syempre pa, ayaw mo ding tuluyang mawala ang communication nyo sa isa’t isa devah? At sa panahon ngayon, hindi na imposible ang makipagcommunicate. Pwede mo syang sulatan via snail mail. But since “snail mail” nga iyon, wag ka magtaka kung ang card na ipinadala mo sa kanya noong Pasko, ay sa Pasko na ng Pagkabuhay nya matatanggap. Nandyan ang internet, pwede kayong mag-palitan ng emails o di kaya ay magchikahan sa Yahoo Messenger. Make sure din na naka-add sya sa Friendster account mo. Kung hindi naman techie ang boss mo, pwede nyong i-text ang isa’t isa. Kung lagi ka namang walang load, pwede mo syang tawagan sa landline. Kung naputulan ka naman ng linya ng telepono, maghanap ng dalawang lata ng evaporated milk, butasan, at lagyan ng pisi para mai-konek ang dalawang lata. Ngunit dahil napaka-primitive ng gawaing ito dahil mga bata sa Batibot lang ang gumagawa nyan, I suggest na puntahan na lang sya sa bahay once in a while. Kung wala ka namang pamasahe papunta sa kanila, eh sundin mo na lang ang susunod na advice bago pa ko maimbyerna sa kakaisip ng paraan.

3. RTP (Reminiscing The Past)

Kung ang sabi ni Peter Pan ay “think of happy thoughts so you can fly”, and sabi naman ni Ms. F ay “think of happy thoughts so you can work well”. Gawing inspirasyon ang mga happy and memorable moments nyo together. Syempre, ayaw mo ding makalimutan ang mga pinagsamahan nyo ng boss mo devah? Alalahanin mo yung time na tinuturuan ka ng boss mo para mapabuti pa lalo ang trabaho mo dahil noong una ay shushunga-shunga ka pa. Alalahanin mo yung time na nago-overtime kayo ng boss mo at nagtatrabaho hangga’t di pa parehong lawit ang inyong mga dila sa pagod. Alalahanin mo yung time na nilibre ka ng kwek-kwek ng boss mo at in return sa kanyang pagmamagandang loob ay tinuruan mo syang kumain ng kwek-kwek the chochal way. Pinagsanib na pwersa ng Maala-ala Mo Kaya at Magpakailanman ang drama mo devah!

4. Work still must go on.

Hindi komo nag-resign na ang boss mo sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo ay RTP na lang ang drama mo forever and ever devah? Alalahanin mo na kailangan mo pa ring magtrabaho, kahit na nga ba ang bago mong boss ay exact opposite ng dati mong boss. Sa halip na ipakulam ang bago mong boss dahil feeling mo eh wala na syang ginawa kundi gawing miserable ang buhay mo dahil tinatambakan ka nya ng trabaho, bakit di na lang sya pakitaan ng mga impressive working habits at goos work ethics na natutunan mo sa dati mong boss devah? Sa halip na ipag-compare silang dalawa, ibaling na lang ang iyong atensyon sa work upang mapabuti ang iyong trabaho. Nang sa gayon ay malaki ang swelduhin mo tuwing kinsenas at katapusan. Syempre pa pag malaki ang sinuweldo mo, may datung ka na para magshopping galore sa ukay-ukay! At wag ding kakalimutan na mag-save ng pera na pang-load nang sa gayon ay mai-text mo ang dati mong boss upang maipakita mo sa kanya na kahit hindi na kayo magkasama sa iisang company ay naaalala mo pa rin sya. Eh di bongga ka devah!

That’s all mga kachochal. Balik na sa trabaho. Tapos na ang breaktime. Till next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)

Programa sa ABS-CBN: 1 vs. 100 (MOB)

Mga Chochal: 1 vs. 100 (PESOS)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F

9 Responses to “Chochal Moves Kapag Nag-resign ang Fave Boss”

  1. andie_licious said, November 16th, 2007 at 11:01 pm

    ang galing!!! :award:

    idol papicture tayo, tapos lagyan mo ng autograph… :rekweslangsanamagkatotoo:

  2. gsocuaje said, November 20th, 2007 at 11:30 am

    hi ms. f. thank u so much that you have granted my request. i really appreciate that. actually she’s going to singapore to work there. grabeh tawa me ng tawa sa mga sinulat mo and i’m happy about it. more power to you and god bless. mag-iisip pa ko ng pdng i-request in the future.heheheh. til next time

  3. dex said, November 22nd, 2007 at 12:48 pm

    magreresign nalang ako at sasama sa boss ko hehehhe

  4. punyemas said, November 23rd, 2007 at 1:22 pm

    gandah nito..andito lang pala ang mga sagot sa mga punyetang froblems kuh ledesma! chu!

  5. alex_23 said, December 22nd, 2007 at 3:18 am

    ms f. pwede magrekwes. pwede pakifeature naman kung pano mapapagresign ang hinayufak na boss ko??

    wahhahahaa

  6. EnZky_degs said, January 23rd, 2008 at 7:57 pm

    wow grabi ang galing mohhh.I’ll take your advice…
    i papa kulam q tlaga boss q

  7. orthochild said, May 11th, 2008 at 11:15 am

    glenda, hindi kaya may relasyon kayo ng Boss mo? kunwari ka pa na fav. mo sya…. Chochal ka!

  8. niel_zro said, June 22nd, 2008 at 6:54 pm

    ؟ةشمشغ نخ نخ مىل ةش iwan ko lng kng ma intndihan nyo2

  9. xianne said, June 25th, 2008 at 12:33 am

    ms.f paki feature nman 2ng request k panu u mapa2ayaw ang taong mahal n mahal k at minahal u rin dati ky lng hindi n ngayn gayung pinapakita moh na lahat na ksamaan ng ugali mo nd pa rin umaayaw sau minumura mo na lahat-lahat mahal kpa rin???????????????

Leave a Reply

Note: your comment will be published once it has been reviewed by a moderator. If you want your comments to appear right away, please login to your tristancafe account. Not yet a member? You can register here.