Monito Monita Da Chochal Way
Posted December 24, 2007
Dahil nalalapit na naman ang Kapaskuhan, uso na naman ang mga Monito Monita at bigayan ng mga something something. Halimbawa, something cute, something blue, something funny or kahit anong adjective na pwede mong idikit sa “something” na yan. Kaya lang minsan, hirap na hirap humanap ng maireregalo ang iba para sa mga something something na yan, lalo na dun sa mga kinulang sa sustansya ng iodized salt. At ano pa nga ba ang silbi ko sa mundong ito bukod sa magsabog ng kagandahan kundi ang tulungan ang mga nangangailangan na iangat ang level ng kanilang kachochalan.
Narito ang mga sumusunod na gift ideas para sa inyong Monito Monita sa halagang 100 pesos or less:
Something Long and Hard
Ballpen, pencil, ruler
Chopsticks, barbecue stick, Pick-Up sticks
Flute or alkansya na yari sa kawayan (mura lang yan sa Quiapo)
Upo, ampalaya, patola
Something Soft and Wet
Wet tissue
Baby wipes
Jelly Ace
Hair Gel
Chewing Gum (pwede ding nginuyang chewing gum, pero humanda ka lang masapak ng pinagbigyan mo)
Something Scary
Maskara na ginagamit kapag Halloween
Plastik na gagamba, ahas, ipis
Picture ng boss/professor nyo
Picture nya (kung chaka ang pagmumukha nya)
Picture mo (kung mas chaka ang pagmumukha mo)
Something Jologs
Showbiz magazines (yung mga back issues para mura lang. Sorry na lang sa pagbibigyan mo kung mas bilasa pa sa isda ang mga showbiz chika na mababasa sa magazine na ibinigay mo. Hanapin mo pa yung magazine na nasa cover si Juday, Richard Gutierrez, Maricel Soriano, Kuya Germs, or triumvirate nila Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner)
VCD ng mga pelikulang gaya ng TGIS the Movie, Shake, Rattle, and Roll (yung una para mas cool), The Sarah Balabagan Story at Honey, My Love, So Sweet (yung bargain lang, yung halos kalahati na lang ang presyo sa original price)
CD ng album nila April Boy, Imelda Papin, Mystica, or Victor Wood (yung bargain din, yung halos ilako na sa bangketa, may libre pang kendi)
Panyo na ginamit sa pampunas ng mukha ni Piolo (pag nagreklamo yung pinagbigyan mo, sabihin mong bente pesos lang yung panyo pero 100 pesos yung worth ng pawis ng Piolo. Abunado ka pa nga eh!)
Something Chochal
Any items na mabibili sa tiangge na may “Touch of Chochality”. Kung ayaw mo namang makipagsiksikan sa tiangge, punta ka na lang sa pinakamalapit na “Vente” store na nagkalat sa buong metropolis. For sure ay may katapat ang bente pesos mo.
Kwek-kwek, fish balls, or balut with instruction manual ng “How To Eat Street Foods the Chochal Way”.
Gift na ikaw mismo ang gumawa. Alalahanin na isa sa mga katangian ng isang chochal ay ang pagiging creative. May touch of love na ang gift mo, may touch of chochality pa dahil ikaw mismo ang gumawa! Taray devah!
Always remember, kung magreregalo ka na rin lang, syempre siguraduhin mo na magugustuhan ng pagbibigyan mo ang regalo mo. Minsan lang dumating ang Pasko kaya wag na mag-inarte pa! Higit sa lahat, wag kakalimutan na ipinagdiriwang ang Kapaskuhan dahil birthday ito ni Papa Jesus. FYI, si Papa Jesus ay isa sa mga simbolo ng kachochalan! Aba! Imagine, Hari sya ng buong mundo, pero sa sabsaban lang sya ipinanganak! Ang taray ng lolo devah!
That’s all for today. Till next issue! And Merry Chochal na Christmas to all of you!
Always remember:
Be Bold. Be Proud. Be Chochal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Christmas song: “Joy to the world, the Lord has come…”
Ms. F: “Chochal to the world, Ms. F has come…”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com
Filed under: Chochal Rules




sayang, katatapos lang ng xmas party namin. hindi ko nagamit ang tips mo. hindi bale, next gagamitin ko ang tips mo. =p
nyahahhha….ayos
waaaa– tpoz n me nmigay ng gift.. sumakit 2loy ulo me nun s ka2icp wt gift are fitted to them.. ito lng pla.. tipid n tipid me d2 ahh.. nxt year try me gwin 2.. gusto me ung kwik kwik… hehehe..
wahaha!! natawa ako dun sa panyo na pinunas sa pawis ni piolo? basta ba wag sa singit ni piolo!!
@alex, eh pano kng panyo na pinunas ke perper? hahahaha..
parang ang korni din neto
.ok thEn yung mga tips!
.kaya Lng tapos nah ang pasko Eh!
.sana pang vaLEntinEs gift naman!
.hEhE1
ms chochal galing mo mag adviced!nagawa mo nba yan?>whaaaaaaa
hello po sa mga taga nueva ecija musta po kau jan!sabay bati noh!!!!!!!
사랑해요