Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
Hi there, I'm a human being! What are you?
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

I Saw The Signs

Posted December 31, 2007

Anu-ano ang mga signs na ang isang chochal ay suki ng MRT, LRT 1 at LRT 2?

1. Kapag nakakita ng guard, automatic na nagbubukas na sya ng bag or inihahanda na nya ang sarili para magpakapkap.
Anytime, anywhere. Kahit na yung guard ay nakasalubong lang nya sa kanto o di kaya ay nag-aabang ng bus sa EDSA.

2. Laging panalo sa “Trip to Jerusalem”.
Expert na sya sa pakikipag-agawan ng upuan. In fact, alam na nya kung kelan bababa na ang isang pasahero sa susunod na station kaya alert na sya para mauna sa upuan.

3. May sense of direction.
Kung suki sya ng MRT, kabisado nya ang buong EDSA mula North Avenue hanggang Taft Avenue. Kung suki sya ng LRT 1, kabisado nya ang Monumento hanggang Baclaran. Kung suki naman ng LRT 2, kabisado ang Recto hanggang Santolan (Pasig). In fact kahit makatulog sa byahe, automatic na syang magigising kapag malapit na sa station kung saan sya bababa. Ang problema nga lang minsan, mga byaheng MRT, LRT1 at LRT2 lang ang alam nila. Subukan mong dalhin sa ibang lugar, para na silang naligaw na pusa. Kung sina Hansel at Gretel ay naligaw sa kagubatan dahil hindi makita ang mga bread crumbs na iniiwan nila habang naglalakad bilang palatandaan (kundi ba naman mga shunga), sila naman ay maliligaw sa buong kamaynilaan kapag hindi nakita ang kahit anong terminal ng MRT, LRT1 or LRT2.

4. Laging nag-iipon ng barya.
Kasi gusto nyang sa Exact Fare Lane pumipila kasi mas mabilis. Hassle kasi kung dun nya pa mismo ipapapalit ang bills nya. Para na rin syang sumali sa Extra Challenge or Amazing Race or sumagot ng Pasaway Quiz sa sobrang hirap.

5. May “Superhero Complex”.
Kasing-lakas nya si Captain Barbell kasi kayang-kaya nyang buksan ang papasarang pinto ng MRT para makapasok. Kasing-flexible nya si Lastikman, kasi kahit kasinglapad sya ng poste ng Meralco, kayang-kaya nyang pagkasyahin ang sarili sa papasarang pinto kahit na isang kamay na lang nya ang kasya. Para din syang si Boy Palos na magaling lumusot at madaling makapasok sa mga kasuluk-sulukan kahit siksikan.

6. Mahaba ang pasensya at tumatagal sa pressure.
Ikaw ba naman ang pumila araw-araw na kasinghaba ng pila sa “One More Chance” sa sine, kasinghaba ng pila sa lotto, at kasinghaba ng pila sa supermarket kapag sweldo. Ikaw ba naman ang makipagsiksikan araw-araw sa iba’t ibang tao na may iba’t ibang amoy. Ikaw ba naman ang nakatayo mula byaheng North EDSA hanggang Taft. Tignan natin kung hindi maging kasing-haba ng San Juanico Bridge ang pasensya mo at kayang-kaya mong lagpasan kahit gaanong pressure pa ang dumagan sa yo.

Chochal devah?! Kaya sa susunod na sumakay ka ng MRT, LRT1 or LRT2 at nakita mo sa isang commuter ang mga signs na nabanggit sa taas, kalabitin sya at sabihing “Chochal ka rin no?! Pareho tayo!”.

That’s all for now mga kachochal. Enjoy your trip!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Angel Locsin sa Centrum Commercial: “I want to be…complete.”

Mga gustong maging Certified Chochal: “I want to be…chochal”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

28 Responses to “I Saw The Signs”

  1. mhimay said, June 11th, 2009 at 3:56 pm

    hehe..

    natuwa naman aq dito..

    ung bfriend q ksi mahilig smakay ng Mrt lrt1 and 2…

    haha tga laguna xe q at sa qc xa..natatameme nlng aq pagka smskay kame ng mrt

    dhil sobrang kabsado na nia..

    natuwa lng aq kc i SAW d signs..

    wahehe..PEAce y’all

    mims

  2. wapepeng said, April 23rd, 2009 at 3:40 pm

    astig..hahahha…

  3. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:40 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.