Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
I don't have an attitude problem, it's supposed to be this way.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Do’s and Dont’s sa Valentine’s Day

Posted February 13, 2008

Haller mga kachochal! February na naman! Ilang araw na lang, Valentine’s Day na naman! Pero bago sumugod upang maki-join sa Lovapalooza, basahin muna ang mga sumusunod na do’s and dont’s na dapat sundin ng isang chochal kapag Valentine.

Do’s

1. Magpa-reserve/Magpa-book in advance.
Alalahanin mo na hindi lang kayo ng gf/bf mo ang magce-celebrate sa Araw ng mga Puso kundi lahat ng mga magsing-irog sa 7,000 plus islands ng Pilipinas. Alam mo naman ang mga Pinoy, mga romantic at lovestruck. Kaya expect mo na ang mahabang pila sa mga restaurants, hotels, motels, sinehan, at kung saan-saan pang mga lugar na pwedeng mag-celebrate ng valentines. Kaya kung ayaw mong ma-highblood at atakihin sa puso dahil sa kunsumisyon sa mahabang pila o di kaya ay maubusan/mawalan ng pwesto, mag-pareserve ka na ngayon pa lang. Maging girlscout/boyscout, dapat laging handa.

2. Have a Valentine’s Day, the Chochal Way.
Remember na ang Valentine’s Day ay tuwing February 14. Meaning, wala ka pang sweldo! Pero wag mag-panic. Ms. F will teach you kung paano mag-celebrate ng Valentine’s with only a 100-peso budget.

a. Have a Valentine dinner at home.
Alalahanin mo na wala kang budget para dalhin sya sa mamahaling restaurant kaya no choice ka kundi i-date ang dyowa mo sa bahay nyo. Isipin mo na lang na ang advantage nyan, magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin. Ipagluto mo sya ng specialty mo. Kung wala kang ibang alam lutuin kundi nilagang itlog, pwes manghiram ng recipe book at mag-effort na matutong magluto. Maghanap ng recipe na aabot sa 100-peso budget mo. Halimbawa, since valentines naman, magluto ng kinilaw na puso ng saging. Sa dessert naman, maghanda ng Chocnut. Maglagay na lang ng mga scented candles (na hindi kayo magmumukang naglalamay sa patay), flowers at kung ano pang mga anik-anik na matatagpuan sa mga sulok-sulok ng bahay nyo para magmukhang romantic ang place. Tapos maglagay pa ng background music, yung theme song nyong dalawa. Tapos magsubuan habang kumakain. Ang sweeet devah!

b. Kung tamad-tamaran ka naman magluto at baka malason pa ang dyowa mo sa ipapakain mo sa kanya, gumawa na lang ng “gimik” na magagawa mo sa inyong bahay.

Halimbawa, mag-DVD marathon kayo ng mga romantic movies. O di kaya ay mag-videoke at haranahin sya ng mga favorite love songs nyo. Or, make a home-made spa. Bigyan sya ng body massage, foot scrub, back rub, at kung anu-ano pang massage na yan. Ang problema mo na lang ay kung paano mo susuhulan ang mga kasambahay para umalis sa valentines nang sa ganon ay masolo nyo ang bahay at magkaroon kayo ng konting privacy.

c. Ilabas ang natatago mong “romantic and creative side”.
Gawan sya ng love poem, love notes, or handmade valentine card. O di kaya, mag-compose ng kanta at iparinig sa kanya. I’m sure ma-appreciate na yan dahil ikaw mismo ang gumawa. Nakatipid ka na, napabilib mo pa sya! Tignan natin kung di sya mainlove syo lalo nyan!

3. Spread love on Valentine’s Day, loveless ka man o hinde.
Ang Valentine’s Day ay dapat i-celebrate ng lahat ng may puso, kesehodang puso ng langgam pa yang nakakabit sa loob ng dibdib mo. Kaya’t loveless ka man o hinde, may dyowa o wala, spread the Valentine spirit. Kung single ka, go out with friends and paint the town red. Kung walang budget, tama na siguro na i-text mo sila to greet them. Ang importante, ipinaramdam mo na naalala mo sila.

Dont’s

1. Don’t wear red, for a change.
Para maging kakaiba naman, wear something different. Ilang libong kulay na ang nadidiscover kaya hindi naman siguro masama kung magpauso naman ng ibang kulay, devah? Besides, hindi naman nakasaad sa Ten Commandments na kailangang magsuot ng pula ang lahat ng mga gustong mag-celebrate ng Valentines. Ipagpaubaya na lang kay Santa Claus ang pagsusuot ng kulay red. Kagaya nga ng sabi ni Papa Piolo sa isang commercial, have a Black Valentine.

2. Kung single, wag mag-senti, mag-emote at mag-self-pity.
So what kung wala kang ka-date sa valentine’s day?! Bago magbigti sa puno ng kamote, alalahanin na meron ka namang mga friends and families. Sa kanila mo i-express ang love mo kesa mag-emote ka dyan at mag-RTP (reminiscing the past) sa naging valentine date nyo ng ex mo noong isang taon. Besides, isipin mo na lang na ang February 14 ay hindi kulay pula sa kalendaryo (unless na matapat ng Sunday). Meaning, hindi naman ito isang major holiday na kailangang i-celebrate ng lahat ng tao. Isipin na lang na baka conspiracy lang ito ng mga businessmen na nagmamay-ari ng mga restaurants, hotels, flower shops, chocolate shops at kung anu-ano pang may konek sa valentines para kumita sila kaya naging popular masyado ang araw na ito.

3. Wag maging basag-trip sa mga gustong mag-celebrate sa Araw ng mga Puso.
Kung ayaw mo namang mag-celebrate ng Valentine’s Day dahil nakokornihan ka, ok fine! Pero, wag maging basag-trip sa mga gustong magcelebrate sa araw na ito kung ayaw mong mapaaway at mabasagan ng mukha. Maging happy ka na lang sa mga taong nagdiriwang sa araw na ito dahil nangangahulugan lang na kahit kakaiba na ang takbo ng buhay sa mundo, LOVE still works. Bongga devah!

That’s all for now. Till next issue! Happy Chochal na Valentine’s Day!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Famous Love Quote: “Love is like a film that can be developed.”

Ms. F: “Chochality is like a film that can be developed.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

13 Responses to “Do’s and Dont’s sa Valentine’s Day”

  1. paulaganda26 said, March 19th, 2008 at 10:37 am

    hay ilang beses na aku nagmahal peru wala pa aku bf until now dalaga na po ako hehe.. i want serious relationship mahirap talaga maging isang bakla bat pa kasi ako naging ganito hindi ko naman ginusto to peru hindi ku mapigilan ang puso ko natatakot aku mag mahal dahil, natatakot akong masaktan any comment 09105388620

  2. sap;sap said, April 14th, 2008 at 10:50 pm

    galing advaice mo

  3. reginereyes said, May 31st, 2008 at 4:16 pm

    tnx poh sa advice..actually 2 times nko ngcelebrate ng valentines day wid my special sum1..kso plagi nlang badtrip eh..ehe..

  4. kathirene_ann said, June 25th, 2008 at 4:58 pm

    pa add naman nyo ako mga katropa ko sa friendster

    kathirene_ann@yahoo.com

    reynold_012@yahoo.com

    Greth_oliver@yahoo.com

    pretty_cure09@yahoo.com

    cute_kathirene@yahoo.com

    shamaelkan_@yahoo.com

  5. easle said, July 12th, 2008 at 8:04 am

    i like red. pero hindi talaga ako nagrered pag valentine’s day..
    iniiwasan ko gang sa maiiwasan…pero dami naga reklamo eh.. nyahaha. saka birthday ko rin yun eh.. kelangan daw talaga magsuot ng red?

    naman weh. nyahaha.

    nyahehehe. advance ppy valentine’s day na sa lahat para sa susunod na taon.
    hahaha.

  6. francis jayson said, September 20th, 2008 at 11:55 am

    ui waw ang ganda ng commento mo….. pa-add po dizonfrancisjayson@yahoo.com sa friendster… t.y

  7. kent said, January 27th, 2009 at 10:04 am

    ok mga tips,kahit late ko na nbasa,kasi 2009 n ngaun..atleast maiaapply ko mga tips ni ms. F.. ? Thanks a lot

  8. Dianalee said, February 15th, 2009 at 7:53 pm

    hayzzzzz,,ang ganda naman,,pero sayang untill now single pawin me..panu ba kc ndi ko ba nakita ideal guy ko..hirap pala hanapin sa panahon now..pero cge aus lang..C god n bahala,,

    sori sa mga nabasted,,hehehe

  9. kookiemonster said, March 5th, 2009 at 8:39 pm

    pa addd naman po kookiemonster08@yahoo.com

  10. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:39 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

  11. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:39 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

  12. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:39 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

  13. prettywoman said, June 20th, 2009 at 9:38 pm

    just read your blog and its really funny.keep it going.. at sa mga loveless, kagaya ko, basta ang importante maganda ang outlook natin sa buhay, at let us attract love by being lovable!

    more power to tristan cafe, iba ang pinoy!

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.