Table Manners the Chochal Way (part 1)
Posted March 16, 2008
Haller mga kachochal!
It’s 2008 and let’s start the year with a bang! Dahil Year of the Rat ngayon, hindi ibig sabihin na kailangan nating mamuhay na parang daga na nakatira sa lungga! That’s very un-chochal! Instead, kailangan nating gayahin si Mickey Mouse sa pagiging bonggacious! Wag mangambang ilabas ang kachochalan devah!
Bilang pabwena mano ng taon, narito ang mga Table Manners na dapat sundin at iapply sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga chochal. Syempre, dapat act with finesse lagi kapag nasa public place kesehodang kaya mong umubos ng dinosaur dahil PG (Patay Gutom) ka. But wait there’s more, Part 1 pa lang yan! So that means may Part 2, Part 3 and God knows kung hanggang ilang part abutin yan devah! Ano pang hinihintay nyo? Armageddon?! Read on!
1. Ang kutsara ay ginagamit na pangsandok or pang-scoop ng pagkain.
Kalimitan din itong ginagamit sa mga pagkaing may sabaw. Wag itong gamiting mirror para tignan kung may tinga ka or gamitin habang nagre-retouch ng make-up.
2. Ang tinidor ay ginagamit lamang pangtulong sa paglalagay ng pagkain sa kutsara.
Ginagamit din itong pang-tusok ng pagkain, mostly mga dry foods. Hindi ito ginagamit pangtusok sa kamay ng katabi kapag kinuha nya ang pagkain sa plato mo. Wag kang sakim. Wag din itong gawing pangkamot ng likod.
3. Kapag nasa sosy place, wag kumain ng nakakamay.
Kesehodang isang boteng alcohol ang inubos mo or ibinabad mo sa isang galong asido ang mga kamay mo pantanggal ng germs. That is very un-chochal. Gamitin ang mga kubyertos. Kung di mo alam ang tamang paggamit ng ibat’ ibang klase ng kutsara’t tinidor, wag kumain. Parusa sa yo yan. Kung ako sa yo, uuwi na lang ako sa bahay at dun ako kakain. Ng nakakamay. Gamitin mo pa paa mo kung gusto mo.
4. Simple lang naman ang rules sa paggamit ng mga utensils. Gamitin ang soup spoon sa soup, ang dessert spoon sa dessert, ang fish fork sa fish, ang salad fork sa salad, ang bread knife sa bread, etc.
Pero wag maghahanap ng sinigang spoon para sa order mong sinigang or pansit fork para sa iyong pansit kung ayaw mong mapagkamalang alien. Tandaan din na ang pinakamalaking spoon and fork sa isang table setting ang tinatawag na dinner spoon and fork. Pero iba pa dito ang service spoon and fork na mas malaki sa kalimitang size ng kutsara’t tinidor, kaya’t wag itong gagamiting pangsubo kahit gaano pa kalaki ang bunganga mo kung ayaw mong i-boycott ka ng mga kasama mo sa mesa. Ikaw din, baka ikaw pa ang pagbayarin ng bill nyo.
5. Ang water glass ay ginagamit lamang sa pag-inom ng tubig or any beverages.
Hindi ito pinaghuhugasan ng kamay, pinagbabanlawan ng toothpick para magamit pang muli o pinagbababaran ng pustiso.
6. Wag ilalagay ang siko sa ibabaw ng mesa, at wag ding mangalumbaba.
Magmumukha ka kasing walang pera at problemado kung paano mo mababayaran ang lahat ng kinain mo. Baka mapalabas ka pa ng waiter nang di oras. Ewww!
That’s all for today! Til next issue! Bon Appetit!
Always remember:
Be Bold. Be Proud. Be Chochal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Channel 7 Program: Kakasa Ka Ba sa Grade 5?
Ms. F: Kakasa Ka Ba sa Chochal?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com
Filed under: Chochal Rules




ms.f, any suggestions on what to eat na hindi messy when you’re out with someone? yung hindi mahirap kainin ha pero nakakabusog. nice tips!
@secret, check mo na lang tong previous article ni ms. f entitled Do’s and Dont’s na Dapat Lafangin Kapag May Date
That is sooo cool.
chochal ka talaga ms.F pra kang chocnut
napaka chocha mo nmn…helo nice meeting u chochay…..
napaka chocha talaga ng ex ng fren ko kc nag post ng comment na nakaka ew para sa kanya…
Hey, i was so impressed. I was laffing to d max dito sa office kahit mag isa. mababaw lang kaligayan ko.
After long hours of work dito sa muscat city (syempre outside the country yan po) at least found this very hilarious right ups.Keep it up. you made me laff. Magiging masugid mo na ako taga basa ng mga write ups mo. Maraming salamat. You made me connected sa pinas.
hello ! Ms. F , uhm, hingi lng po ako ng advice , pano kung yung bf mo ay mahiyain, ikaw ba ang gagawa ng first move o hindi? at ano ang magagandang gawin kapag nag-ddate ? un lng po ! more power !!
hello ! Ms. F , uhm, hingi lng po ako ng advice , pano kung yung bf mo ay mahiyain, ikaw ba ang gagawa ng first move o hindi? at ano ang magagandang gawin kapag nag-ddate ? un lng po ! more power !!
hahah!!! sma na ng tingin ng officemate q kktawa sa column nio.. fan na q ngaun ni ms.f!..
pa add naman nyo ako mga katropa ko sa friendster
kathirene_ann@yahoo.com
reynold_012@yahoo.com
Greth_oliver@yahoo.com
pretty_cure09@yahoo.com
cute_kathirene@yahoo.com
shamaelkan_@yahoo.com