Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
Sometimes I need what only you can provide: your absence.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

What’s So Cool About Summer?

Posted April 6, 2008

Summer na naman. Pero sa halip na mag-init ang ulo dahil sa init ng araw, bakit hindi na lang basahin ang mga sumusunod na tips at para magkaroon ng idea on how to make your summer cool and most of all, chochal.

1. You can wear your basahan outfit and other people will not give a damn.

Dahil mainit at maalinsangan ang panahon, maaari mo nang ilabas sa baul at isuot ang basahan outfit mo na mas applicable isuot ngayong summer dahil presko sa katawan. Lalo na yung basahan outfit mo na sobrang nipis, in fact mas manipis pa sa balat ng sibuyas, because 10 million times nang nalabhan dahil sa kalumaan. Ito din yung basahan outfit mo na isang hibla na lang ng sinulid ang nag-uugnay sa iba’t ibang bahagi ng retaso para magmukha syang damit. But the most important thing is, walang pakialam ang ibang tao sa basahan outfit mo dahil summer naman. Baka nga gayahin ka pa nila at presto! Nagkaroon ka pa nang sariling fashion statement at origin ng kakaibang fashion trend! Bongga!

Basahan outfit - ito ang outfit na mataas lang ng level ng konti para matawag na basahan, but due to some reasons, hindi mo mai-let go kahit na mas matanda pa kay Tandang Sora sa kalumaan.

2. Kung maitim ka, “in” ka.

Dahil summer, “in” ngayon ang mga mas maitim pa sa pwet ng kaldero ang balat. Baka nga kainggitan ka pa dahil aakalain nila na lagi kang nagbababad sa beach at ginagawa lang past-time ang pagsa-sunbathing.

3. May rason ka na para maligo araw-araw.

Dahil summer, ginagawa mo na halos araw-araw ang kalimitang ginagawa mo lang tuwing Pasko, tuwing birthday mo, at tuwing may date ka na every leap year lang naman nangyayari: ang maligo. Not unless kung ang trip mo ay ang maligo sa pawis. Ewww!

4. Malaki ang sinusweldo mo kapag summer dahil napapadalas ang overtime mo.

Pansin mo, rich kid ka lagi kapag summer? Pano kasi lagi kang nago-overtime at halos tumira na sa office. Kahit ang totoo nyan, hindi ka naman nagta-trabaho. Nags-stay ka lang sa office dahil malakas ang aircon sa office nyo.

5. You can stay on the highly recommended “chochal cool summer tambayan” without spending too much.

Hindi mo kailangang magpunta sa beach, swimming resorts, Tagaytay or Baguio at maglustay ng salapi para lang matakasan ang init ng panahon na dulot ng summer. Wala kang ibang dapat gawin kundi tumambay sa mga sumusunod na “chochal cool summer tambayan” na hindi mag-iinit ang ulo mo dahil sa gastos.

a. Sa refrigerator, lalo na kung wala ka namang aircon. Nalamigan ka na, me free snack ka pa! Yun nga lang, humanda kang matalakan ng nanay mo dahil for sure, tataas ang bill nyo sa Meralco. Kaya para makaiwas sa ganitong pangyayari, sa ref na lang ng kapitbahay tumambay.

b. Sa MRT, LRT1, LRT2, at Fx taxi. Nalamigan ka na, nakapamasyal ka pa! Have a summer adventure sa pamamagitan ng pagra-roundtrip sa mga routes ng MRT, LRT1 and LRT 2. Magbabayad ka nga lang, pero affordable naman. Ang importante, matatakasan mo ang init at alinsangan ng panahon dahil aircon sa loob ng mga nasabing tren. Kapag nagsawa na sa MRT, LRT 1 and LRT 2, subukan namang mag-round trip sa mga fx taxis. Pumili lang ng fx na medyo bago para siguradong malamig ang aircon. Pumili din ng driver na cute, friendly, at higit sa lahat mabango at hindi amoy-pawis at hindi amoy-tambutso. Nang sa gayon, pwede kayong magkwentuhan habang nasa byahe para hindi ka naman mainip. Pumili din ng route na medyo matraffic. Nang sa gayon, mahaba-haba ang oras mo para makapag-stay sa fx at makapagpalamig sa aircon nito.

c. Sa gilid ng ice-skating rink ng Megamall at Mall of Asia. Cliche na ang magpunta sa mga malls tuwing summer. Pero para mas cool, magbabad sa gilid ng ice-skating rink ng SM Megamall or Mall of Asia. Sa gilid lang dahil una, di ka marunong mag-ice skating at pangalawa, wala kang pambayad. Nalamigan ka na, naaliw ka pa!

That’s all mga kachochal! Til next issue!

Have a very chochal na summer!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)

William Shakespeare: Shall I compare thee to a summer’s day?

Ms. F: Shall I compare myself to a summer’s day? Tutal, hot naman ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

27 Responses to “What’s So Cool About Summer?”

  1. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:37 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

  2. lordsasta said, April 7th, 2009 at 4:37 am

    plz du listen my traxx llove song po mga laman nitu
    pra sa mga single at sawi:X
    paki click lng po itu !

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.imeem.com/lordsasta/playlist/cW47lIXY/og-lordsasta-music-playlist/

    http://www.soundclick.com/search/main.cfm?realm=1&searchterm=xn--sasta

    ty sa mga mkikinig pra sa lahat po yan!
    mothugs production stay conect!:D

    soundclick.com/xn--sasta
    imeem.com/lordsasta
    yuotube/lordsasta

    done XN-SASTA:X

    -GM- plsz passz :”>

Pages: [2] 1 »

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.