Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
It's been lovely, but I have to scream now.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Karir Guide the Chochal Way

Posted July 20, 2009

Due to insistent public demand, narito na ang guide kung paano mangarir ng opposite sex, with a touch of chochality na hindi ka magmumukhang desperado/desperada. At dahil ilang buwan pa bago mag-December, may sapat na panahon ka pa para i-master ang mga sumusunod na moves para hindi na maging malamig ang iyong Pasko.

1. Prepare your best weapon: YOURSELF.

Sa usapang kariran, wala ka nang iba pang pwedeng maging panlaban kundi ang sarili mo. Kaya bago sumabak sa gyera, make sure lang na prepared ka mula ulo hanggang paa, from the inside and out. Dahil ang mga makakarir ay naglipana san ka man magpunta, dapat para kang Girl/Boy Scout: Laging handa. Make sure na kaaya-aya at kahali-halina sa mata ang hitsura mo upang mapuntirya ang main target mo kaya dapat hindi ka mukhang aattend ng Halloween costume party. At syempre, hindi lang panlabas mong kaanyuan ang dapat mong i-kondisyon kundi pati na rin ang kalooban mo. Bilang isang chochal, wag kakalimutan ang nag-uumapaw na self-confidence at self-esteem. And never forget your main goal na makakarir so always remember na hindi ka dapat umuwing luhaan, talunan, at empty-handed.

2. Study your main target: THE OPPOSITE SEX.

Before you do your next move, pag-aralan munang mabuti ang target. Kapag nakakita na ng target/biktima/apple of the eye, pag-aralan at obserbahan muna syang mabuti bago magpa-cute nang sa gayon, alam mo kung paano sya i-approach. Observe ang manner ng kanyang pananamit (kung daring ba sya manamit, fashionista, smart-dresser o conservative), kung paano sya tumawa (kung litaw ba ang kanyang ngala-ngala o pa-cute lang), kung paano sya makipag-usap (kung madaldal ba sya, kung sya ba ang nagdadala ng conversation, or kung listener lang sya), at kung sya ba ay normal na tao or the best way to put it, kung mas normal ba sya sa yo. Naturally, di mo naman siguro gugustuhin na mangarir ng isang makakarir na takas sa mental or ng isang siga sa kanto devah, not unless mga ganong tipo ang hinahanap-hanap mo.

3. Make your chochal move.

Kapag napag-aralan mo na ang target mo at alam mo na kung paano ang gagawing approach, wag nang hintayin ang Pasko bago pa dumiskarte. In today’s modern times, it doesn’t matter anymore kung ang girl or boy ba ang dapat gumawa ng first move, dahil ang kayang gawin ng mga boys, kaya na ring gawin ng mga girls. The important thing is, if you have the will and the power to do it. Kung hindi man ikaw ang gumawa ng first move, make sure na ikaw naman ang gagawa ng next move to keep the fire burning.

Gawin na ang sarili mong diskarte kung paano magpacute/magpacharming/magpapansin sa target mo. Remember to always give your star-quality-toothpaste-advertisement-worthy-smile. Because a smile always open doors and breaks walls, o kung anupaman na gusto mong i-open at gusto mong i-break. Dapat yung smile na hindi pilit, yung hindi pa-cute, hindi ngiting-politician, at hindi ngiting mukhang abnormal. Dapat yung smile na relaxed, sincere at friendly ang dating. Nang sa gayon, maging at ease sa yo ang kakaririn mo.

Kapag nahulog na ang target mo sa bitag mo, strike a nice conversation. Dapat magaling kang magpaikot ng conversation nang sa gayon hindi ma-bore ang target mo. You should be a smart and witty conversationalist so that he/she will not lose his/her grip on you. Dapat meron kang sense at meron kang humor. Dahil kung wala ka pareho nito, baka pagtatanim ng kamote ang karir na nababagay sa yo.

Kung di naman sya kumagat sa pain mo, well, wag mo pilitin. Marami pa namang makakarir dyan na makaka-appreciate ng mga moves mo.

For more tips on Chochal Moves sa Pangangarir, wait for the next issue.

4. Make him/her never forget you.

Make yourself interesting and unforgettable. Yung tipong parang Elmer’s Glue or Post-It na hindi ka nya maalis-alis sa isipan nya. Na kapag nagkita kayo uli, maaalala ka nya. Or kapag may nakita syang isang bagay, maaalala ka nya. For example:

a. He/she remembers your signature perfume.

“Oh yeah, I remember you. Ikaw yung amoy binagoongang durian.”

“Hmmm…amoy adobo. Musta na kaya si Gurlalu?”

b. Do something memorable.

“Of course I remember you! Ikaw yung nagdive sa dancefloor, una ulo diba? Musta na nga pala yung sugat na tinahi sa yo?”

“Wow si Joaquin Bordado! Hmm..namiss ko tuloy si Boylet. Ang cute kasi ng tattoo nya sa ilalim ng kili-kili.”

c. Dress to impress.

“Syempre naman di ko nakakalimutan name mo. Dahil naka-print sa t-shirt mo, front and back, in shining, shimmering, splendid letters pa!”

“Ahh si Gurlalu! Yung glow in the dark ang underwear!”

That’s all mga kachochal! Goodluck sa pangangarir!

Remember lang, finding a “karir” should be fun kaya cool ka lang and don’t sweat it!

‘Til next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Commercial ng McDo: “Wow! Bangs! Pa-cheeseburger ka naman! Burger! Burger!”

Mga chochal: “Wow! Chochal! Pa-cheeseburger ka naman! Burger! Burger!”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

4 Responses to “Karir Guide the Chochal Way”

  1. xknothing said, July 20th, 2009 at 10:07 pm

    haha i miss u miss fffff!! XD

  2. chell_mine29 said, July 22nd, 2009 at 6:27 pm

    elow ms. f……auz sa post..
    hahahhaha…gling-gling tlga..
    til ur next issue…muahh
    keep up the gud work..

  3. G_girl said, July 29th, 2009 at 1:13 pm

    tumpak!

  4. ___USB___error___ said, August 3rd, 2009 at 6:04 pm

    honga!!!! ;iagree;

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.