Madam BJ invades Ms. F!
Posted July 27, 2009
Nope, hindi kayo namamalikmata at hindi din ako naliligaw. I’m back, brokeback! It’s me, Madam BJ (Brigida Jones for long) na mahilig sa BJ (buko juice) at malapit nang magtagumpay na maka-BJ (bungee jumping) si Dennis Trillo! Welcome back to me!
Nakiusap (a.k.a nagmakaawa) kasi si Ms. F sa inyong lingkod na maging guest columnist sa kanyang column habang nagpapagaling sya ng pigsa sa pwet. At dahil alam ko naman na namimiss na ako ng aking mga fans kaya pinagbigyan ko na sya. Tutal naman eh fun and fabulous, not to mention chochal, din ako.
Anyway, wag na natin patagalin pa ang inyong pananabik. Samahan nyo ako na basahin ang inyong mga liham na bagamat walang kwenta at inaaksaya ang aking time na glittering with gold ay pinagbuhusan ko pa rin ng panahon.
Dear Madam BJ,
Gusto ko lang sana humingi ng advice. Pinakulayan ko kasi ng red ang aking hair. Kulay blue ang aking eyes (thanks to my contact lens). At maputi ang mala-porselana kong kutis na alaga sa glutathione. Anong kulay kaya ng damit ang nababagay sa akin?
Colorfully yours,
Rainbow Brite
********************
Dear Rainbow Brite,
It’s very simple, my dear. Dahil kulay red ang iyong hair, kulay blue ang iyong eyes, and clear as white ang iyong skin, pwes, magsuot ka ng bonggang bonggang kulay yellow! O devah, ang taray! Kulay pula, asul, puti at dilaw ang buti mo! Para kang watawat ng Pilipinas! Kakaibang fashion statement yan girl!
Sikat ka tuwing flag ceremony at Independence Day! Baka ikaw pa ang iwasiwas sa balkonahe ng bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite tuwing Araw ng Kalayaan! At iparada ang byuti mo tuwing United Nations! You’re so fabulous!
Sana ay ipagpatuloy mo ang pagiging makabayan mo para naman magkaroon ka ng silbi sa bayan natin at hindi yang pinuproblema mo ang pagiging fashionista mo. Yun lang at sana ay lalo pang maging makulay ang buhay mo.
Nagmamahal ever after,
Madam BJ
Dear Madam BJ,
Mzta n u? K nmn me. Gus2 q lng sna i-share ang prob koh. I hve a txtm8 & l8r on naging BF q xa. D prob is 1s lng kmi ngkita ng personal. Sv nya ms ok dw qng mgtxt n lng kmi. Di q xa maintindihan. Pno nmn me & ang mga nids q as a gurl? Wht shl I do? Pls txtbck, este, reply asap.
TC,
Pr0BleMaTic GiRl
********************
Dear Pr0BleMaTic GiRl,
Itetext ko na lang sa yo ang reply ko. Dahil sumasakit ang brain cells ko syo bruha ka! Pero di kita pag-aaksayahan ng load kaya magpasa-load ko sa akin impaktita ka!
I’m sure kaya ayaw ka makita uli ng BF mo ay dahil chaka ang pagmumukha mo! O di kaya para kang walking text message! Kung paano ka magtext, ganun ka din magsalita! Nakakaimbyerna ka! Wag ka na uli susulat dito kung ayaw mong kutsarahin ko ng tinidor ang ngala-ngala mo! K?!
TC alwyz,
Madam BJ
Dear Madam BJ,
Napakagwapo ng aking boyfriend. Kamukha nya si Piolo Pascual sa front view, si Dingdong Dantes sa sideview at Marc Nelson sa back view. At higit sa lahat, Totoy Mola sa bottom view. But wait there’s more, he’s got a lot of qualities. Para syang driver, kasi he’s driving me crazy. Para syang mekaniko, magaling syang mangalikot at dumutdot. Para syang elevator attendant, he knows what’s the right button to press. Para syang sepulturero, magaling syang magbaon. At para syang gasoline boy, magaling syang mag-pump. Ahihihi!
Wala lang, iniinggit lang kita. At sana bumula ang bibig mo dahil sa sobrang inggit!
Nang-iinggit lang,
Lucky Girl
********************
Dear Lucky Girl,
Ito ang isaksak mo sa utak mong puro carbon monoxide, never, never, at NEVER akong nainggit kahit kanino! Lalo na kung kagaya mong mukhang balut na tinakasan ng sisiw! Duh?!
At bakit naman ako maiinggit sa yo?! FYI, naging ex ko yang bf mo ngayon noh! Bawat square inch ng kanyang balat ay dumaan na sa mga palad (at dila) ko! Tagasalo ka na lang ng mga left-overs ko dahil napagsawaan ko na sya!
Besides, very much happy and satisfied na ako sa bf kong itago na lang natin sa pangalang Blueberry Javanilla. Kamukha nya si Brad Pitt sa front view. Kamukha nya si Hugh Jackman sa side view. Kamukha nya si Johnny Depp sa back view. At para syang si Pinocchio sa bottom view. Kung si Pinocchio humahaba ang ilong kapag nag-sisinungaling, sya naman hindi lang humahaba kundi naga-upsize ang kanyang Part-That-Must-Not-Be-Named! Kaya ok lang sa akin na mag-sinungaling sya, kung para naman yun sa ikaliligaya ko. But wait there’s more! Para syang piloto, kasi lagi nya kong dinadala sa langit. Ahihihi!
Akala mo, isang tao lang yan tinutukoy ko?! Apat na tao yan gagah! Blueberry Javanilla lang ang tawag ko sa kanilang apat para wag nila akong mabuko! Para isang pangalan lang ang sasambitin ko tuwing maaabot ko ang rurok ng kaligayahan! O devah, ang landi-landi ko!
Ikaw naman ang mamatay sa inggit ngayon hitad ka! Don’t worry, ipalilibing kita. Sa Smokey Mountain, dun ka nababagay! Tse!
Sumalangit ka nawa,
Madam BJ
Dear Madam BJ,
Totoo ba ang tsismis na magkakaroon ka na daw ng sariling column? Sana totoo kasi idol kita saka ang galing-galing mo. For sure, matutuwa ang mga fans mo. Ipagdadasal namin yan. More power!
Love,
Jepay
P.S.
Kulang yung pasa-load mo. Usapan natin 30 pesos pero fifteen pesos lang ang na-receive ko.
********************
Dear Jepay,
Gusto ko sanang pagbigyan ang mga fans, pero sorry guys. Pasulpot-sulpot lang talaga ang kagandahan ko at paguest-guest sa mga columns. Para kasi akong paru-paro na padapo-dapo sa ibang bulaklak. Gusto ko kasing lagi akong kinasasabikan ng mga fans ko. Yun lang and, til we meet again.
Nagmamahal always,
Madam BJ
P.S.
Nagpasa-load na ko sa yo nung isang buwan ng fifteen pesos malandi ka! Wag kang sakim!
That’s all mga minamahal kong mga tagasubaybay dahil inuubos nyo na naman ang oras ko mga leche kayo. Hanggang sa tubuan uli ng pigsa sa pwet si Ms. F.
Always remember, “If others can, why should I?”
Filed under: Mga guest stars ni Ms. F




hehehehehe
Welcome back Madam BJ
Haha. nakakaloka.
Dear ate bj,
ate na tawag ko sayo kasi para kang matanda kong mag-isip pero type ko ang mga girls na ganyan so pwede ba na ako ang pumalit sa blueberry javanilla mo..
ako nga pala ssi dripping ice cream signing out…
(O_o) Hala!
KUMAGCOW FOOD REVIEWS: Dinner at PHO’ HOA!@ http://www.kumagcow.com & http://techcow.blogspot.com
hehe
ka-lurkey…itohhhh!!!! ;roll;
kakamiss si madame bj galing…
ahahah so funny tlga ahaha
ang cute naman ng initials mo madam BJ… :))