Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
I don't know what makes you so dumb but it really works.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Impossible? It’s Possible!

Posted August 7, 2009

Mayonnaise na nilalagay sa buhok? Ang balat ng saging pwede pang gamitin? Ang Vaseline petroleum jelly pampahaba ng buhay? You think it’s impossible? Pero sabi nga sa commercial, “it’s possible, babe”. Believe it or not.

Ang nasa kikay kit mo, may iba pa palang gamit. At ang mga makikita sa kusina nyo, pwede mong idagdag sa contents ng iyong kikay kit. Ang mga chochal, kailangan maging resourceful. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon. Kaya nga nung mawalan kami ng tubig, eh di naligo na lang ako ng gatas. Clever devah!

Check this out.

1. Wala ka na bang shoe polish? Pwes, wag hayaang mamuti ang iyong leather shoes. Kumuha lang ng balat ng saging at ipahid sa iyong sapatos. Recommended lang ito sa mga leather-made materials. Pwede mo din subukan sa rubber shoes mo, pero kung matino kang tao, di mo gagawin yun.

Hanggaleng devah! Pero wag ka lang magtaka kung dessert ang tingin ng mga kalahi ni Kiko Matsing sa sapatos mo.

***

2. Gusto mo bang maging glowing as in glow in the dark ang kutis mo? Just follow these steps: Just puree a teaspoon of honey and half a cup of sliced cucumber to a fine consistency in your blender. Kung wala kang blender, humiram ka sa lola mo ng almires (or mortar and pestle para sa mga kapos sa pang-unawa). Voila! Spa facial in a flash! Ipahid lang sa iyong mukha and keep it on for about an hour, or mas matagal pa depende kung gaano ba kadusing ang mukha mo. Then rinse afterwards. Your skin will respond with a radiant glow.

Correction lang, kaya lang nitong gawing “glowing” ang mukha mo. Hindi nito kayang magpaganda. Milagro na ang kailangan mo dear.

***

3. Dyahe ba ang pimples mo pero takot kang gumamit ng mga topical medications? Then try this. Just dab a bit of toothpaste on each troublesome pimple at night. The toothpaste will dry the blemish.

Para naman magkaroon ng silbi yang toothpaste mo dahil hindi ka naman talaga nagto-toothbrush.

***

4. Kasing-dry na ba ng Sahara Desert ang buhok mo? Mayonnaise to the rescue! For deep conditioning, just massage mayonnaise in your hair. Let it stand for about 5-10 minutes, then wash.

Aba’y tignan mo nga naman, pwede palang ilagay sa buhok ang mayonnaise. Bakit di mo kaya subukang maglagay ng conditioner sa tinapay. Para masaya.

***

5. Akala mo ba ang petroleum jelly ay para lang sa pwet ng baby to relieve diaper rash? Pwes, you’re wrong! Did you know that petroleum jelly is a safe and inexpensive way to remove masacara, eyeliner, lipstick and other make-up. Hindi lang yan, pwede mo din itong gawing lip balm at pampalambot ng kamay at mga kalyo. Subukan mo din kung kaya nitong palambutin ang tigas ng mukha mo.

But wait there’s more! Alam mo ba na ang inventor ng Vaseline Petroleum Jelly na si Robert Chesebrough ay kumakain ng 1 tablespoon of petroleum jelly everyday? Yun daw ang dahilan kung bakit umabot hanggang 101 years ang buhay nya.

Ngayon, alam mo na kung ano ang dapat mong kaining dessert or ipalaman sa tinapay kung gusto mong humaba ang buhay mo.

***

6. Umiinit ba ang ulo mo everytime na natatanggal ang mga buttons sa damit mo? Pwes, wag na ma-highblood. Kunin lang ang nail polish sa iyong manicure set at lagyan ng nail polish ang ibabaw ng iyong butones. It will prevent the thread from unraveling.

Di ko lang alam kung effective din ito para wag matanggal ang mga maluluwag na turnilyo sa kukote mo. Try mo.

***

7. Kakatapos mo lang magmanicure at basa pa ang nail polish sa mga kuko mo, nang biglang dumating ang date mo. OMG! You can’t go out yet dahil ayaw mong mag-smear ang nail polish mo at masira ang manicure mo na buong maghapon at magdamag mo pa naman pinaghirapan! What will you do?

Simple lang yan! Kumuha lang ng ice cold water at i-dip lang ang iyong mga kuko dito. In a few seconds, your nail polish will dry in an instant.

Kung nanghihinayang ka naman sa ice cold water, ipainom mo ito sa date mo. Balita ko, mabisa din daw itong gayuma.

***

O ayan, may natutunan na naman kayo! BTW, I would like to thank the book “Uncommon Uses for Common Household Products” na nabili ko sa Booksale. Dahil kung hindi dahil sa librong yan, wala akong entry ngayon.

‘Til next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Rene Descartes: “I think, therefore I am.”

Ms. F: “I think, therefore I am chochal.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: According to Ms. F


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

8 Responses to “Impossible? It’s Possible!”

  1. neo21 said, August 8th, 2009 at 3:53 am

    ms. F ang buhok ko nalalagas…. hanu ang gagawin ko??? nyahahahahaa!

  2. kimmy said, August 10th, 2009 at 2:44 pm

    nice tips. ok din ang coconut oil para sa buhok, tpos sa pimples effective din ang aspirin mask.

  3. sugar_plum said, August 10th, 2009 at 2:57 pm

    conditioner sa tinapay. nyahahaha. i also learned na pwede rin ilagay yun mayonnaise sa buhok bago matulog. pero shempre dapat may cover yun buhok. ewwness sa unan yun. lol.

    yun petroleum jelly daw nga, pampalambot ng balat paa. bago matulog, lagyan daw ng pet. jelly yun paa tas suot ng medyas. kaya lang parang lagkit lang. hehehe.

  4. konohabelle said, August 14th, 2009 at 5:21 am

    love it Ms.F..I realized d naman pla kailngan gumasto ma.enhance lng beauty mo.. effective din ung toothpaste na gawing lipstick..lagyan nu lng labi nu b4 matulog..at bingo bukas mapula nalips mo..d pa natatanggal..Tips: wag lng spicy flavor bka sa redness ng lips mo akalain ng tao clown ka, wag din choco flavor bka pagpystahan ka ng ants at kung ano pang insektong uhaw sa labi mo..un lng..nice one ms. F..

  5. xTin3 said, August 14th, 2009 at 7:45 pm

    cool. try ko ung sa pimples. dumadami kasi pimples ko eh. T.T

  6. chungko02 said, August 20th, 2009 at 10:20 pm

    lHAT NG iTO i hAVN’T YET TRY. bUT dONT wORY iL tRY oNE oF tHIS dAYS. hOW i wISH uMEPEKTO sA bEAUTY kO. kASE aKO nANINIWALA sA kASABIHANG sIMPLICITY iS bEAUTY, aND bEAUTY iS iN tHE eYES oF tHE bEHOLDER, tHATS y i hOLD iT tIGHT. hAHAHA! (”,)

  7. BabyGurL08 said, September 12th, 2009 at 10:36 am

    i love the nail polish trick dipped in cold water. :D

  8. cletz said, September 22nd, 2009 at 4:14 am

    wla akong alam e…heheheh soorry./…….. d ko getz topic!!!”:)

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.