The Pebble Power and People Power
Posted August 10, 2009
Muli na naming lumipad si Darna. Masasaksihan na naman natin ang mga adventures at pakikipaglaban nya sa kung sinu-sinong mga nilalang na nagmutate para maging ibang entity gaya nila Babaeng Linta, Babaeng Impakta, Babaeng Lawin at kung anu-ano pa na ewan nga ba kung bakit ang dami namang mapipili, sa mga ganoong klaseng species pa sila nakipag-merge. At sana namili naman sila ng ibang name para hindi naman masyadong obvious. Buti pa si Valentina. Anyway, trip nila yan. At ang lahat ng yan, ay kagagawan ng isang mahiwagang bato.
Sa totoo lang, bilib ako kay Mars Ravelo na nakaisip kay Darna. If I am not mistaken, si Darna ang kauna-unahan, if not, pinakasikat na Pinay Superhero. Kahit na nga ba meron silang similarities ng imported na si Wonder Woman. Pero malaki daw ang pagkakaiba ng dalawa. Dahil si Darna, since 1950, may powers na para makalipad. Di kagaya ni Wonder Woman na noong 1987 lang nakalipad. O devah, ang taray ng byuti ni Darna! But wait there’s more, kung si Wonder Woman ay may bracelet para ipanangga ng bala, with mega moving of the arms pa para gawing shield ang mga bracelets nya laban sa mga bullets, well talbog ang byuti nya kay Darna! Dahil si Darna, tinatalbugan ng bala ang buong body beautiful nya! Winner devah!
Siguro isa sa mga dahilan kung bakit minahal nating mga Pinoy si Darna ay dahil nakakarelate tayo sa kanya. Inaapi dahil sa kapansanan nya, pero may kakayahan pala para makipaglaban sa kung sinu-sinong masasamang loob (at masasamang mukha). Love sya ng mga kababaihan kasi nirerepresent nya ang mga Pinay: may malambot na puso pero marunong lumaban. Binibigyan din nya ng pag-asa ang mga kababaihan, na pwedeng magbago ang buhay mo kung makakalunok ka lang ng mahiwagang bato na pwede kang bigyan ng exceptional strength, super powers, at hindi lang yan, may instant makeover pa para gawin kang maganda at sexy! Pero careful lang ha, wag lang basta lunok ng lunok, baka mabilaukan. Hindi mo naman kailangan lumunok ng mahiwagang bato para maging superhero ka. Speaking of superhero…
Hindi sya si Darna na may super powers, pero nagawa nyang magpatalsik ng isang diktador, maka-survive ng 7 coup attempts, at mamuno sa isang bansa bilang kauna-unahang babaeng Presidente. Binigyan sya ng standing ovation sa US Congress, ang sinasabing “the longest given to any foreign dignitary”. At higit sa lahat, nagawa nyang kilalanin ang Pilipinas ng ibang mga bansa.
Hindi nya kailangan magpalit ng isang sexy costume para makipaglaban. Isang simpleng yellow dress lang, pwede na.
Hindi nya kailangan ng mahiwagang bato para maging source of power nya. Ang tanging weapon lang nya ay isang rosary at isang flash lang ng “L” or Laban sign, para magkaroon ng People Power. Panigurado, taob agad ang mga kalaban nya.
Pero kagaya ni Darna, binigyan din nya tayo ng pag-asa. Sa pamamagitan ng pagbabalik ng demokrasya at kalayaan. Meron din syang malambot na puso pero marunong makipaglaban. Yan si Tita Cory.
Pero si Darna, isang fictional character. Si Tita Cory, totoong tao. Nabubuhay, at dadating ang panahon na babalik din sa Maykapal. Ang nakakalungkot lang, dumating na ang panahon na yan. Gayunpaman, ipakita natin sa kanya, na hindi nasayang ang mga ipinaglaban nya. Ipinakita natin sa kanya na kagaya nya, WE’RE PROUD TO BE PINOY.
That’s all mga chochal, til next issue!
Be Bold. Be Proud. Be Chochal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Corazon Aquino: “I’m proud to be a Filipino”
Ms. F: “I’m proud to be a Filipino na nga, chochal pa.”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com




nice.. thanks tita cory.. tama, ituloy natin ang mga ipinaglaban nya.
lurve it. ^^
very well said ms. f..
in fairview, ndi lang paglalandi ang alam ni miss f! hahaha..
winner ka ms f..
jeryus ka ngaun ha..
hhmm…mei tama ka Ms.F
;takas;