Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
I'm not anti-social. I'm anti-YOU.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

Table Manners the Chochal Way (Part 2)

Posted August 17, 2009

Tayo talagang mga Pinoy, mahilig kumain. In fact yung iba nga, gumagastos pa ng USD 15,000 sa pagkain! Pero syempre, kung mahilig kang kumain, dapat alam mo rin ang mga table manners. Dahil kung wala kang table manners, wala kang karapatang mag-stay sa dining table.

In the tradition of Table Manners the Chochal Way, at dahil ang lahat ng Part 1 ay may Part 2, narito na ang iba pang tips para madagdagan ang kaalaman sa proper decorum sa harap ng pagkain. Ipakita mo sa mga kasama mo na bukod sa chochal ka, may manners ka pa. Bongga devah!

1. Chew your food at least 15 times before swallowing, o di kaya kasingtagal ng dalawang “Happy Birthday”. Nguyain mo naman mabuti yung mga isinubo mong food bago mo lunukin. Siguraduhin na pinong-pino muna ang pagkain. Hindi ibig sabihin na ang kinain mong litson ay litson pa rin pag pinadaan mo sa digestive system. Sige ka, baka mabulunan ka nyan o di kaya eh di matunawan. Ang chaka naman nun devah. Ngumuya ng mga at least 15 times or para mas bongga yung kasingtagal ng dalawang Happy Birthday. At para mas bonggang-bongga sundan mo na rin ng Litany of the Blessed Virgin Mary. Tignan lang natin kung di ka pa matunawan nyan.

At syempre, alamin din ang paraan ng tamang pag-chew. Dapat yung di masyadong obvious na ngumunguya ka, baka mapagkamalan kang kambing nyan. Dapat yung pasimple lang, yung parang nagpapacute ka lang. Yung di malaman ng mga kasama mo kung ngumunguya ka or pasmado lang ang mukha mo.

2. Punasan ang bibig ng table napkin pagkatapos kumain, para di masyadong obvious yung nagmamantika mong labi. Ang table napkin ay hindi sinusulatan ng cel number ng crush mong waiter. Ipinampupunas yan ng bibig pagkatapos mong kumain para tanggalin yung sebong nakadikit sa ibabaw ng nguso mo or kung anu-ano pang leftovers na nakadikit sa paligid ng bibig mo or sa iba’t ibang parte ng mukha mo. At take note lang, ang table napkin ang ipinampupunas sa bibig at HINDI ang table cloth. Wag masyadong ipahalata na primitive ka.

3. Huwag gawing suklay ang tinidor at salamin ang kutsara. Dun ka sa CR, dun ka nababagay. Alam ko na nakakawalang gana ang pagmumukha mo, pero wag mo namang idamay ang kutsara’t tinidor sa problema sa mukha mo. Ginagamit yan sa pagkain, hindi para gamitin sa pagiging chaka mo. Dun ka magsuklay at magpaganda sa CR. Or para mas maganda, dun ka na lang mag-stay forever.

4. Wag mag-burp o dumighay sa harap ng mesa. Masyadong obvious kung ano ang kinain mo. Although it’s an acceptable custom to some countries to burp to show to the host that you appreciate the food, pwes, andito ka sa Pinas. At dito sa atin, karumal-dumal yan. Masyadong obvious ang kinain mong longganisa na namumutiktik sa bawang. Kalevel na nyan ang pagkakaroon ng bad breath. Kung di mapigilan, takpan ng napkin ang bibig at saka dumighay. Or para mas bongga, takpan ang mukha saka umalis. Pero siguraduhin munang bayad ka na or else baka mapa-barangay ka pa.

5. Ang tinga ay hindi kinakain. Hindi kasama sa dessert yan. Hindi komo mahal ang kinain mo eh gusto mong sulitin ang ibinayad mo kaya ultimo mga tinga eh kakainin mo na rin. That is so eewww! Pagkatapos magtooth-pick, ilagay ang tinga sa isang napkin at takpan. Hindi ito ibinabalik sa bibig. Sige ka, baka matinga ka uli.

Bon appétit!

That’s all mga chochal, til next issue!

 
Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Ninoy Aquino: “The Filipinos are worth dying for.”
Corazon Aquino: “The Filipinos are worth living for.”
GMA: “The Filipinos are worth dining for.”
Ms. F: “The Chochals are worth writing for.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 
For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

16 Responses to “Table Manners the Chochal Way (Part 2)”

  1. admin said, August 17th, 2009 at 5:14 am

    Ms F di pwede kay tantan yung #3, mismo nga makintab na sahig (pati makintab na forehead nyahaha) ginagamit nun na salamin eh. at di pwede kay alex yung #5, aba laman tyan din daw yun! :roll:

  2. alex_23 said, August 17th, 2009 at 9:28 am

    honey, gumaganun ka pa ah! anjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. dito ka pala nagtatago. heheh.. ikaw kaya kainin ko jan. RAwwwrrr!

  3. mandurugas_1104 said, August 19th, 2009 at 7:12 pm

    pano kung may lasa pa yung tinga? sayang eh ngyarharharhar

  4. HAHA_13 said, August 20th, 2009 at 12:49 am

    ay 15 pala… akala ko 2 nguya lang ok na… bwahahaha!!! dapat lagi ganito topic… table manners… para malapit sa pagkain… bwahahaha!!!

  5. twentynine said, August 21st, 2009 at 12:28 am

    ang shoray mo MS F.. Ms. F: “The Chochals are worth writing for.”

    kaso dpat di ka humahanay dun kna ninoy at tita cory .. lam mo n.. di ba.. bka matsugi ka n rin sa earth..

  6. twentynine said, August 21st, 2009 at 12:29 am

    ms. f.. pano ung sa pag inom??

  7. _hotpink_ said, August 22nd, 2009 at 7:25 pm

    Haha! ayos, primitive pa naman ako…

    more power!

  8. sugar_plum said, August 23rd, 2009 at 9:54 pm

    kulet. ok yun no. 1, di rin daw nakakataba yun. :roll:

  9. lady yakimur said, August 24th, 2009 at 7:18 pm

    Thanks a lot. Informative. Where will i read the part 1?

  10. Asarako said, August 30th, 2009 at 12:27 pm

    hello…. ngayon lang ako nagawi rito hehehehe….

    natawa ako dun ah….

    More Power!

  11. bukaykay said, September 10th, 2009 at 5:51 am

    Hayop. Ang lupit ms. F. Ang cool nung sulat niyo ah. Nakakagising ng dugo. Hahaha!

  12. ___USB___error___ said, September 11th, 2009 at 1:34 am

    ;galeng;

  13. cletz said, October 5th, 2009 at 10:54 pm

    kinakain Va ang tootpic!? hehehehe..

  14. cletz said, October 9th, 2009 at 4:44 pm

    ,,sana me bago na kayong topic,na mas nag uumapaw sa kachokalan!!!!! hehehe..nyway thts a creative way of being matalino!! nye..heheh..ms ya..!!

  15. Chrizel said, January 14th, 2010 at 11:03 pm

    9 plus 5…..eh di 14….haha

    grabe naman..
    talagang
    kelangan pang
    mgsolve pra
    mkpagkoment…

    sana nxtym ay
    mejo dalidalian
    nyo ang mga
    equations pra
    mkapagkoment kagad
    ako…

    haha

  16. Chrizel said, January 14th, 2010 at 11:26 pm

    4 plus 5 = 9 ata…

    bka bhndi nyo pa nababasa ang part 1 nito…

    kaya i copy and pasre it hir..

    kung interesado ka…ok

    kung hndi naman…ang panget mo

    Table Manners the Chochal Way (part 1)

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.