Tristancafe Filipino Columns

Ang pinoy community blog ng mga walang magawa sa buhay

    Columnists
    Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!
    Official online radio (podcast) ng mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay.
    Ikaw ba ay nalulungkot? Nababalisa? Walang magawa sa buhay? Sumulat na kay Manay Letty!
Search Tristancafe Columns
Custom Search
insults and sarcasm
I would have liked to insult you, but the sad truth is that you wouldn't understand me.
Join our research panel, get paid for giving your
Ms. F
Ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Ms. F sa mundo ng mga chochal!

How To Be Street Smart the Chochal Way

Posted September 24, 2009

Umpisa na naman ng “ber” months. At sa ganitong panahon, ayon sa survey, active na naman ang mga masasamang-loob. At masasamang-mukha. Para makaiwas sa modus-operandi ng mga taong ito at hindi ka mabiktima, narito ang mga tips na dapat sundin ng mga chochal to develop your street smart skills.

1. Give that poker face. Sa saliw ng kanta ni Lady Gaga, give your most astonishing po-po-po-poker face. Or para mas effective, yung tiger-look, or yung mukhang para kang asong bagong panganak. Yung tipong pangingilagan ka ng mga holdaper na lapitan ka, if not, magdalawang-isip sila na biktimahin ka. Mas okay kung sila pa mismo ang matatakot sa harabas ng mukha mo. Wag mo din masyadong ipahalata na tatanga-tanga ka at madaling biktimahin, kahit na alam kong sobrang effort ito para sa yo dahil ito talaga ang natural mong facial expression.
 

2. Be vigilant at all times. Kapag nasa lansangan, kailangan maging alert and attentive ka. Yung parang nakainom ka ng sampung tasang kape. Kapag nararamdaman mo na may sumusunod o lumalapit sa yo, pakiramdaman kung may masama ba syang balak sa yo, o baka naman yung inutangan mo lang na sinisingil ka dahil one year mo nang di binabayaran. Alamin din ang mga lugar na medyo risky, kagaya ng university belt area, para kapag andun ka eh wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong mabiktima. Alamin din ang mga nababalitang modus operandi nang sa gayon ay maiwasan mo at di ka maging primitive.
 

3. Observe the people around you. Obserbahan ang mga kilos, facial expression, body movements, kung type mo pati amoy at favorite color, ng mga tao sa paligid mo. Halimbawa, kung sasakay sa mga pampublikong sasakyan, observe kung merong pasahero na kahina-hinala ang mga ikinikilos. Isa daw sa mga signs ay kung restless at malikot ang mata. Kung ma-notice mo na may kasakay ka sa bus na threat sa sarili mong kaligtasan, pumara at bumaba. Kesehodang nasa kalagitnaan ka ng Skyway.
 

4. Think like a criminal. Correction lang, di ko ibig sabihin na mangholdap or mandukot ka. What I mean to say is, put yourself in their shoes. Halimbawa, kung isa kang snatcher, sino ang mga madaling biktimahin? Syempre, yung mga taong walang pakialam sa mundo kung maglakad sa lansangan at basta na lang nakabuyangyang ang bag. Or kung isa kang mandurukot, sino ang mga dudukutan mo? Syempre yung mga taong hindi maingat sa mga gamit nila or nakatiwangwang lang ang cellphone. Kung na-anticipate mo ang mga bagay na ito, pwes iwasan mong gawin devah, para wag kang mabiktima.
 

5. Be EXTRA careful. Walang masama kung maging extra, extra, at extra careful ka. Sa panahon ngayon, kailangan mo ng dobleng pag-iingat dahil kapag may laban lang si Pacquiao nagkakaroon ng zero-crime rate sa Pinas. Minsan kasi, nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga masasamang-loob dahil na rin sa mga tao. Pupunta ka ng Divisoria, pero lahat ng alahas sa jewelry box mo eh isinuot mo. Naglalakad ka sa Quiapo, pero walang humpay ka sa pagtetext. Madilim na nga sa overpass na yun pero dun ka pa rin nagdaan. Sabi nga ni John Lloyd, “ingat”. Pero dadagdagan ko yan, wag tatanga-tanga.

That’s all mga chochal, til next issue!
 

Always remember:

Be Bold. Be Proud. Be Chochal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FAQ (Ms. F’s Articulate Quotes)
Kasabihan: “Walang maloloko, kung walang magpapaloko”
Ms. F: “Walang maloloko, kung chochal tayo”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

For your suggestions to be our next topic, requests on issues to be tackled, questions, violent reactions, donations, and wedding proposals, just send an e-mail to ms.f.chochal@gmail.com


Filed under: Chochal Rules


Share this entry (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto. Click lang sa baba!
| More

4 Responses to “How To Be Street Smart the Chochal Way”

  1. BrokenPromises said, September 30th, 2009 at 4:01 am

    galeeeeng! :D

  2. Tiyo Paeng said, October 1st, 2009 at 2:33 am

    mmm.. very informative blogsite. i like it

  3. elmot said, October 2nd, 2009 at 7:43 pm

    Thanks for the visit on my post, I really appreciate your comment :D

    I find thinking like a criminal so funny. So criminals are smart? Hmmm….I think they are…smart enough to do modus operandi,w ahaha!

  4. abcdi said, October 3rd, 2009 at 9:29 am

    “kapag may laban lang si Pacquiao nagkakaroon ng zero-crime rate sa Pinas.”

    haha very true.. tnx for the warnings..
    *with the tune of po po po poker face. =)

Leave a Reply

Not yet a member? Register for FREE and enjoy all the cool features of TristanCafe. It will only take a few seconds :)
Or login to your tristancafe account.