Bulaga! Ako Ulit!
Posted October 4, 2009
Hindi kayo namamalik-mata, nagbabalik muli ang nag-iisang sandigan ng kabalahuraan, ang nakahuhumaling, ang nakabubulahaw, ang bukod-tanging makapagpapawala ng ulirat ninyo… who else but pretty me, Madam BJ! Hayaan nyong dalhin ko kayong muli sa landas na balasubas habang sinasagot ko ang inyong mga liham. Kapit ng mahigpit, huwag kukurap, and enjoy the ride!
Dear Madam BJ,
Luzviminda ang tawag nila sa akin. Luzviminda dahil mula Luzon, Visayas at Mindanao, may dyowa ako. Hindi nila ako masisisi dahil bukod sa maganda at sexy, magaling din akong mag-tumbling at mag-split. Dahil dyan, madaming kalalakihan ang nabibighani sa akin.
Hindi ko na mabilang ang mga naging boyfriends ko. They’re everywhere and still counting. Laging fully-booked ang schedule ko. Minsan mahirap, pero most of the time, masarap. And one more thing, hindi ako tigang.
Well, sumulat ako sa yo hindi dahil gusto kong humingi ng payo sa yo kundi para inggitin ka! Mamatay ka sana sa inggit dahil madami akong papa! Belat!
Pambansang Pokpok,
Luzviminda
********************
Dear Luzviminda,
Ang kapal ng mukha mong haliparot ka para sumulat dito at inggitin ako! Akala mo naman maiinggit ako sa yo?! Hoy! Para sabihin ko sayo, noong ako’y medyo bata-bata pa at kabago-bago ko pa lang nagkakaroon ng regla, AKO ang muse ng LAHAT ng basketball team sa lugar namin! Bakit kamo? Eh kasi lahat ng basketball players sa lugar namin, dyowa ko! Read my lips. D-Y-O-W-A ko! Syempre noh! Gusto ko yung marunong magdribble at mag-shoot!
Boyfriend ko din lahat ng tricycle at jeepney drivers sa lugar namin! Syempre noh! Basta driver, sweet lover! Saka lahat ng sekyu! Syempre noh! Kasi sanay sila sa walang tulugan!
At para sabihin ko sa yo, may dyowa everdearest ako ngayon! Si Blueberry Javanilla ko! At kahit nag-iisa lang sya, para na rin akong may dyowa hindi lang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo! Dahil para sa akin, He means the world to me. Ahihihi! Gabi-gabi yata kaming may BJ sessions (Bedroom Jokes). Laban ka!
Kaya wala ako kahit katiting na dahilan para maiinggit sa yo! Because you’re nothing but a second rate, trying hard pusacat! Wag ka na uli susulat dito letse ka! Syosyotain ko ang kartero sa lugar namin para ihulog sa imburnal lahat ng sulat mo! Impakta!
Nagmamaganda always,
Madam BJ
Dear Madam BJ,
Nais kong isangguni sa iyo ang problema ko tungkol sa babaing tingin ko ay may pagnanasa sa akin. Kapitbahay namin sya at take note, di sya kagandahan noh! Mukha syang matronang sinipsip ng vacuum cleaner! Daig pa nya ang mga geisha sa Japan sa kapal ng make-up nya! Palibhasa pag wala syang make-up, mukha syang nilapirot na papel de hapon! Kung naging tunay na babae lang ako, mas maganda pa ako sa kanya noh!
Yes Madam BJ. Ako ay isang babaeng nakakulong sa katawan ng isang lalaki. Isa akong certified bading! My gulay! Gusto ko nang sabunutan ang babaeng ito sa pagdikit-dikit nya sa akin! Imbyerna ever ako sa kanya! Akala kasi nya, type ko sya! Over my dead bootilicious body! Ang dahilan lang naman kung bakit ako nakikipag-close sa kanya ever ay dahil type ko ang dyowa nya na kung tawagin nya ay Blueberry Javanilla. Yummy sya, Madam BJ. Feel ko syang sipsipin! Ahahahay!
Lovelots,
Bruno by Day, Britney by Night
********************
Dear Bruno by Day, Britney by Night,
Leche kang baklita ka!!!! At balak mo pa palang ahasin si Blueberry Javanilla ko!!! Eh kung ikaw kaya ang ipasipsip ko sa Malabanan! ha?! Footashet na to!
Punyeta ka! Type na type ko pa naman ang matitipuno mong muscles! Akala ko pa naman, pwede kitang gapangin sa bahay mo kapag wala si Blueberry Javanilla ko! Yun pala di tayo talo! Impakta ka!
Hoy! Kung ako sa yo, magbabalot-balot na ko ng mga gamit ko at lilipat na ko sa Spratly Islands! Dahil pag-uwing pag-uwi ko, ipapa-bulldozer ko ang bahay mong bakla ka!
Beautiful Ever,
Madam BJ
Dear Madam BJ,
What can you say about our current economic status? What do you think can you contribute to our society? Are you in favor of the abolition of the death penalty?
Glorie
********************
Dear Glorie,
Thank you! That’s a very good question, keep it up!
(Leche ang hirap ng tanong, parang quiz bee…)
Nagmamahal Forever,
Madam BJ




ayii..
kalaokah!!!!!
ngeee…hahaha