Bakit Kailangan Maging Chochal?
Posted March 1, 2007
“You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!” splash…
Yan ang pamosong linya, with matching sabuyan ng wine sa mukha, ni Lavinia (Cherie Gil) kay Dorina (Sharon Cuneta) sa pelikulang “Bituing Walang Ningning”.
Trying-hard copycat. Masakit sa tenga. Parang mas gugustuhin mo pang maligo ka na lang ng wine (basta sosy yung wine ha!) kesa masampal ka ng mga ganyang salita!
Pero bakit nga ba tayo, trip na trip manggaya ng iba? Bakit ang hilig natin sa mga pirated and imitations? Bakit ang hilig natin kopyahin ang mga uso? Pero kapag nasasabihan ng gaya-gaya puto maya, violent reaction agad ang drama?! Bakit hindi na lang panindigan ang pagiging gaya-gaya and make the most out of it? Di ba dito lumalabas ang pagiging maparaan at madiskarte ng mga Pinoy? Bakit tanong ako ng tanong? At baket ka nangengealam kung nagtatanong ako?!
Take for example, ang pagiging sosyal. Kung hindi ka nabibilang sa elite society at El Niño ang iyong bulsa, wala kang K para magpakasosyal dahil cannot afford mong bumili ng mga items from Prada, Louis Vuitton, Bulgari, or Gucci. Pero kung maparaan ka, gagawa at gagawa ka ng paraan para magkapasosyal in your own way. Dyan lumalabas ang pagiging creative ng mga chochal.
Kung tunay na chochal ka, alam mo kung paano paikutin ang pera mo para hindi mahuli sa latest fashion trend. Kung ang advantage ng mga sosy ay may pera sila, ang mga chochal pinapagana ang utak. Hahanap at hahanap ang mga chochal ng paraan para mapagkasya ang budget nila upang magpakasosyal in their own way. Fashion haven ng mga chochal ang Divisoria, Greenhills, ukay-ukay, bazaars, and the likes. Kung can’t afford mo sa Embassy, eh di mag Baywalk ka. Kung namamahalan ka sa Coffee Bean and Tea Leaf, eh di sa Dunkin Donuts ka magkape. Ngayon, kung ikaw eh kinulang na nga sa kakayahang pambulsa at kinulang pa sa kakayahang mag-isip, bakit hindi mo na lang kulangan ang buhay mo devah! Perwisyo ka na eh!
Eh bakit mo nga ba kailangang manggaya ng mga sosyal? Para matawag kaNG Super Sosy? Para maging “in” sa mga sosyal? Kung ganyan ang rason mo, pwes, wag kang mag-drama pag tinawag kang “trying hard, copycat”. Pero kung ikaw ay magpapaka-Certified Chochal, hindi ka nanggagaya. In a way, yes, but you are not totally imitating them. You are just making them your inspiration to make a statement of your own. The key word here is individuality. Kahit nanggagaya ka, you can still be singled-out and other people can still distinguish you from the rest. Hindi pa rin nawawala ang identity mo bilang Certified Chochal. You may not be the number one, but at least, you’re the only one.
Kaya pag may nagsabi sa yong isa kang “trying hard copycat”, wag mo syang sasabuyan ng wine (sayang ang wine mo, mahal pa naman nyan), but instead itaas ang ulo, ilagay ang isang kamay sa bewang ala-Melanie Marquez, sabay dialogue ng “So what?! Sometimes, the copycat is better than the original.”
Yan ang tunay na chochal! Panalo!
Filed under: According to Ms. F




WATCH free SEX videos and pilipino sex scandal PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels ..just try to visit my profile to watchWatch Free Newest
Watch Free Newest VIDEOS PLUS HBO, Cinemax, Star World, AXN, Animal Planet, National Geographic Channel, Discovery Channel, MTV, Channel.Live 2300 TV Channels
CLICK HERE
Watch me hot and wet on my own video. Just by simply clicking the link on my profile and easy watch on => .CLICK HERE TO WATCH MY HOT AND WET VIDEOS…