Tatsulok
Posted in DJ Jeprox | May 4, 2007 | 46 Comments »
Thank you for staying tuned in mga Katambay. Yours Truly has been away for a few weeks for vacation. Medyo napahaba nga lang yata. But I’m glad that I’m back. I mean aren’t you?
Now that I’m back, I’ll once again start my broadcast from where I left off. Of course it’s time for our letter sender of the day (Yehey!). And what better way to start it than reading to you a letter from Justin. Here are a few lines from his letter:
“Sa sobrang lungkot ko, I indulged myself in numerous activities…”
Ang ilusyonadang si Madam BJ!
Posted in Dear Manay Letty | May 3, 2007 | 175 Comments »
O diba nakaka-ilang updates na ang aking mga co-columnists na sina Ms. F at DJ Jeprox, at ako ngayon pa lang maglalabas ng aking 2nd entry? Ganyan talaga, ako pinakamaganda dito eh. Kumbaga ako ang reyna at mga muchacha ko lang sila. Or ako ang prinsesa, at sila ang aking aliping sagigilid at aliping namamahay. Or ako ang Miss Universe, at mga runners-up ko lang sila. Davah!
Anyway Dear Readers, kasalanan kasi ng bago kong boyfriend na si Ocho Kargada kung bakit panandalian ulit akong nawala. Tanungin ba naman ako kung alam ko daw ba yung show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan”? Syempre sumagot ako ng “Papa O (yun ang tawag ko sa kanya) ano ba naman yang tanong mo. Kacheapan!” Tapos sabi nya, gusto nya daw kasing gumawa kami ng sarili naming nightly program, na ang pamagat naman ay “Walang Hugutan!” Kaloka! Napaka-naughty talaga ni Papa O! Syempre pumayag naman ako agad davah! Ang haliparot ko talaga, hihihi. Kaya heto, daig ko pa ngayon si Curacha, ang babaeng walang pahinga. Pero tignan nyo ang blooming ng lola nyo ngayon, parang gumamelang namumukadkad!
Pupung & Friends
Posted in Ms. F | Apr 27, 2007 | 26 Comments »
Now Showing: Pupung & Friends Fast Pinoy Food
Location: G/F SM Mall of Asia
Kung inaakala nyo na sa Comic Section ng Manila Bulletin lang maaaring matagpuan si Pupung, pwes, nagkakamali kayo. Dahil si Pupung and Friends, nakarating na sa Mall of Asia! At, hindi lang bilang comic strip, kundi isang Pinoy fast food center. Kung dati’y hanggang drawing lang ang karinderya nila, ngayon totohanan na! To the highest level na devah!
At para magkaroon kayo ng idea about this fast food center, Ms. F is at your service para i-rate kung karapat-dapat ba itong isama sa listahan ng Hall of Fame para sa mga chochal na kagaya natin.
Chochality 101: How To Be Chochal Without Really Trying
Posted in Ms. F | Mar 17, 2007 | 60 Comments »
Welcome back sa Rendezvous ng mga Chochalera Primera de Poorika! Our lesson for today is about Chochality. What is Chochality? Pwes basahin mo to at isaksak sa kukote mo!
Signs of being Sosy # 1: Money talks everytime
Chochal Tip: Money talks every kinsenas & katapusan
Kung feel mo magpakachochal, pwes, gumastos ka! Dapat willing kang mag-invest para makamtan mo ang pinapangarap na maging “in” sa mundo ng mga chochal dahil wala nang libre sa mga panahong ito kundi ang dyaryong Libre sa MRT at LRT, minsan nagkakaubusan pa lalo na kung babagal-bagal ka! At syempre, bago ka mag-emote, siguraduhin mo muna na hindi naman kasing tigang ng Sahara Desert ang kabulsahan mo, or else mas mabuti pang magbigti ka na lang sa puno ng repolyo!
Pero don’t worry, Ms. F is here to help you dahil yan naman talaga ang papel ko sa mundo, ang ikalat ang kachochalan sa mundo. Because believe it or not, pwedeng-pwede pa ring maging chochal ang isang jologs at poorika na kagaya nyo. Ituturo ko sa inyo kung paano maging chochal na hindi na kakailanganin pang mang-holdap ng bangko at kakayanin mo pa ring kumain ng tatlong beses sa isang araw para lang matupad ang minimithi mo. Bibigyan ko kayo ng tips kung paano umastang chochal na abot-kaya lang ng budget lalong-lalo na tuwing kinsenas at katapusan.
Classic!
Posted in DJ Jeprox | Mar 17, 2007 | 55 Comments »
Hello once again mga Katambay! Your kyot na kyot kahit dugyot na medyo kulot na DJ is online ulit. How’s everybody doing today? I’m sure you missed me after a few days of not being on air. But now that I’m back, I’m making sure that you’ll gonna have a blast tuning in to your favorite online station… DJ Jeprox!
So, what do I have in store for you today? Syempre pa, I’ll be greeting our special friends at Tristancafe. After that, I’ll be playing your most requested Pinoy song that I’m sure you’re all eager to hear. Who do I have in my lineup? Just listen up! At meron tayong bagong pakulo sa show. We have a special featured video for the day. This is a Pinoy Classic that I’m sure you’ll all gonna hate and love. Pero of course, wag natin agad panoorin. Let’s listen first to what your hottest DJ in town has got to say. Kaya wag nang mag atubili pa. Fire up those speakers or hook up your headsets, and join DJ Jep as he takes you to the world of Tristancafe…. (ay onga pala, the ride starts as soon as you click on play).
CopycatWALK episode 1
Posted in Ms. F | Mar 8, 2007 | 57 Comments »
Who says ang mga Super Sosy lang ang may K, as in karapatan pumorma? May K din ang mga Certified Chochal! All you need is a little bit of resourcefulness, creativity in style, kakapalan ng mukha para manghiram ng accessories sa kapitbahay, and the ability to make tawad, and voila! Pwedeng ka nang rumampa in less than 500 peso budget!
Ok, showcase #1:
[Click on picture to show the full-sized image.]
Let’s Talk About Love
Posted in DJ Jeprox | Mar 2, 2007 | 105 Comments »
Good morning, good afternoon, at good evening mga ka-tambay! Happy weekend sa inyo! Medyo kalalabas lang ng sweldo, saan ba ang gimik natin? Kung gusto nyo ng gimik na masaya na, wala pang gastos, at kapupulutan pa ng aral, eh makinig na lang kayo sa 2nd episode ng online radio program ng yours truly, Kuya Jep, the DJ that rocks!
Here I’ll be reading our very first love problem from letter-sender Annie. And opkors, I’ll also be giving her some heartfelt advise na hopefully ay makatulong sa kanya, at pati na din sa inyong lahat, Dear Listeners. O ha, ano ang sinabi ni Dr. Love at Joe the Mango? Lalo na kung pagwapuhan ang labanan, panis sila kay DJ Jeprox, hehe!
Here’s a teaser of Annie’s letter:
Bakit Kailangan Maging Chochal?
Posted in Ms. F | Mar 1, 2007 | 52 Comments »
“You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!” splash…
Yan ang pamosong linya, with matching sabuyan ng wine sa mukha, ni Lavinia (Cherie Gil) kay Dorina (Sharon Cuneta) sa pelikulang “Bituing Walang Ningning”.
Trying-hard copycat. Masakit sa tenga. Parang mas gugustuhin mo pang maligo ka na lang ng wine (basta sosy yung wine ha!) kesa masampal ka ng mga ganyang salita!
Pero bakit nga ba tayo, trip na trip manggaya ng iba? Bakit ang hilig natin sa mga pirated and imitations? Bakit ang hilig natin kopyahin ang mga uso? Pero kapag nasasabihan ng gaya-gaya puto maya, violent reaction agad ang drama?! Bakit hindi na lang panindigan ang pagiging gaya-gaya and make the most out of it? Di ba dito lumalabas ang pagiging maparaan at madiskarte ng mga Pinoy? Bakit tanong ako ng tanong? At baket ka nangengealam kung nagtatanong ako?!



