MS. F Presents…
Posted in Ms. F | Feb 26, 2007 | 44 Comments »
Isa ka bang Poorika Peralejo or isang Best Buy Babe na type na type makijoin sa Super Sosy bandwagon pero hindi mo magawa dahil bukod sa tigang ang bulsa mo, tigang din sa vitamin F (isang uri ng brain vitamin) ang kukote mo at…ewan ko kung ano pa ang tigang sa yo. Eh bakit ka naman kasi nagpapakaTH as in Trying Hard sa pagpapaka-Super Sosy kung pwede ka namang maging Certified Chochal! FYI, “Chochal” will be the new “It” word of the Generation J (as in jologs).
Kaya bago ka maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng toothbrush sa pag-aakalang wala nang pag-asa pang matupad ang mga pangarap mong maging Super Sosyal, magdiwang sa pamamagitan ng pagkembot habang kumakandirit dahil andito na ang Dyosa ng mga Chochal! Presenting…Ms. F!
Jeprox now signing on…
Posted in DJ Jeprox | Feb 26, 2007 | 68 Comments »
Mga ka-tambay, mga pasaway, mahahalay, at mga walang magawa sa buhay… presenting, ang pinakabagong kahuhumalingan ng bayan, the newest craze to hit the world wide web… ME!!!
First, allow me to introduce myself.
Kuya Jep, or DJ Jeprox as known in tristancafe.com, ay ang boses ng Tristancafe — Ang Tambayan ng mga Walang Magawa sa Buhay.
He has a natural talent in speaking and can charm almost anybody with his soothing voice and gorgeous looks. Kahit wala pang nakakakita sa kanya ng personal, paniwalaan na lang natin. Panampalatayaan natin.
Dear Readers, I’m back!
Posted in Dear Manay Letty | Feb 26, 2007 | 221 Comments »
Hola! Buenos dias at buenas noches sa aking mga amigo y amiga, mga jologs, mga balahura, mga kaawa-awang nilalang sa mundo, at mga pinagsakluban ng langit at lupa. In short, como estas my adoring public! Cuando cuando cuando! O diba ang sosyal-sosyal ko talaga, español-speaking na ko? Kababalik ko lang kasi from my super-shala vacation sa España. Sa Spain ha, hindi sa España Manila (kacheapan ha!) Laban ka?
Na-miss nyo ba ko Dear Readers? Aminin! Your existence probably felt pitiful ang meaningless without my glorious presence to brighten up your dreary lives. Well ganyan talaga, maganda ko eh. Kasamba-samba. It’s not my fault anymore, it’s your fault anymore. Taray diba!



