tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
the more you hate the more you love Ep. 21
posted by (Jul 02, 2008 @ 9:41PM) views: 426
20th->>> http://www.tristancafe.com/forum/152196

Ang nakaraan


Nauna akong bumaba at sumunod nman sya. At nung hahakbang na ako sa isang baytang sa hagdanan pababa ay hilila nya ang braso ko dahilan upang mapunta ang tenga ko sa dibdib nya.

“nag bilis ng tibok ng puso nya, cguro dahil bumaba kmi sa hagdaan galing rooftop kya bumilis ang tibok ng puso nya” pag tityora ko kung bakit nga mabilis ang tibok ng puso nya

Biggest surprise for Jenny


“nag enjoy ako ngayon, salamat sa pag imbita skin at pag titiwala sa supresa ko pra sayo” bulong nya skin

“hala..pano ba ito, kinikilig ako.” sabi ko sa sarili ko habang palihim na ngumingiti

Ngunit nung i-aalis ko na ang ulo ko sa dibdid nya ay biglang humigpit ang yakap nya skin. Yakap na napaka init nasa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman.

“salamat din dahil pinaunyakan nyo ang imbitasyon ko” sabi ko habang napapikit na sa yakap nya.

Natauhan ako na prang may nag sabi skin na bkit hindi pa ako nagpupumiglas sa yakap nya at tinulak ko sya bka kc nakatulog na nman tulad nung nakaraan.

“nawiwili ka na kakayakap skin ha, ganun ba tlga ako kalabot at..”naputol kong sabi at nakita ko nga na nakapikit ang mokong at dimilat.

“sinasabi ko na nga ba eh, naka idlip ka na nman noh”natatawa kong sabi

“hindi, hindi ah..” sabi nya skin

“cge na itulog mo na lang yan, tsk tsk gawin daw ba akong unan, ikaw tlga.” sabi ko at bumaba na ng hagdanan

Tumuloy na ang dalaga sa kwarto nya at nag sulat sa diary nya. Napakasaya ng dalaga khit hindi kumpleto ang mga taong mahahalaga sa buhay nya at naidaos ng masaya ang kaarawan nya. At masaya rin sya dahil sa regalong binigay ng binatang amo sa knya lalo na sa supresang inihanda nito pra sa knya. Isa ito sa mga kaarawang hindi malilimutan ng dalaga. At nag pasya na syang matulog.

Kinabukasan

Alas kwatro ng hapon ng dumating ang babaeng amo ni Jenny na si Maam Ina. Kinausap nito ang dalaga upang kamustahin ang naging kaarawan nya. Sinabi nman ng dalaga na naging maayos nman. Humingi nman ito ng paumanhin dahil hindi ito nakadalo sa kaarawan ng dalaga. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay may pinaplano ang mag ina na siguradong ikatutuwa ng dalaga kpag nalaman nya kung ano ito.
Isang linggo ang nakalipas. Alas syete ng magising ang binata dahil alas dyes ay umpisa ng kanyang unang klase sa iskuwelahan.


Kevin P.O.V.

“ngayon ang umpisa ng pag dudusa ko..nakakatamad, may after shock pa ako sa bakasyon na nagyari.”sabi ko habang bumabangon na

“makaligo na nga” pag papahayag ko

Natapos maligo ang binata at dinampot na ang bag nya. At bumaba na sya upang mag umagahan.

“Jenny, pag katapos mong kumain, maligo ka na, may pupuntahan tayo” nag mamadaling utos ko s knya

“akala ko nman pinaliligo mo ako dahil may amoy na ako” pag papatawa nya

“basta dalian mo na lang jan” natatawang sabi nya

“cge, ang aga aga, saan nman tayo pupunta?” tanong nya

“bsta wla ng marami pang tanong” sabi ko

Agad nmang ginawa ng dalaga ang pinagagawa ng binatang amo. Ilang sandali pa ay natapos na sya.

“tara na.” pag yaya ko sa knya

Sumunod na nman ang dalaga. Sumakay cla ng kotse at binaybay nila ang daan patungo kung saan.

Jenny P.O.V.

“saan ba talaga tayo pupunta?” nag tatakang tanong ko
Hindi sya sumagot.

“Ang aga aga kung ano na nman ang naisip nitong mokong na toh. Pero ang gwapo nya ngayon ha. Napaka simple ng suot nya. Simpleng branded na t-shirt, pants at chuck taylor na sapatos. Wla pa nman bukas na mall ngayon dahil quarter to 10 plang.” mahabang sabi ko sa sarili ko

Malayo plang sila ngunit nakita na ng dalaga na papunta cla sa isang iskuwelahan.

“pupunta ba tayo sa iskuwelahan mo? natatandaan ko na housemaid ang inaplayan ko hindi na kasala ang schoolmaid” sarcastic kong sabi sa knya

“well pasensya ka, kailangan ko ng schoolmaid” sarcastic din nyang sabi habang nakangiti.

Nagbigay lang ako sa knya ng matalim na tingin.

Ipinarada ng binata ang sasakyan sa parking lot.

“tara na, kuhanin mo rin yang bag ko” utos nya

“oo na, tlgang gusto mo akong mapahiya sa mga taong nag aaral jan”asar at medjo kinakabahan kong sabi

Naglakad lang sya papaalis ng parking lot papuntang school. Nag madali akong kunin ang bag nya at nilock ang kotse, at sinundan sya. Tumingin sya sa likod cguro pra icheck kung sumusunod ako.

“ang bagal mo, dalian mo nga. ibigay mo rin yang bag ko dto sakin” aroganteng sabi nya

“pina iinit mo tlga ang ulo ko ha” kunot noo kong sabi sa sarili ko habang naka tingin sa mga studyanteng nakatingin din skin sa dinadaan nming corridor.

Narating nila ang room sa second floor nasa gitna ito at medjo marami ng studyante at halatang wla pang propesor dhil may ibang nakatayo at nag dadaldalan.

“pasok na” sabi nya skin

“hindi ba dapat ikaw ang pumasok at ako ang nandto sa labas, at isa pa yaya na rin ang itawag mo skin ha” naaasar kong sabi at umiling

Hinila nya ako sa loob at pinaupo sa isang bakanteng upuan.

“jan ka lang sabi nya”sabay alis

Nag akmang tatayo na ang dalaga para lumabas. May pumasok nman na medjo may edad na babae at nag simula ng mag salita.

“Hi ako nga pla si Maam Trinidad. Nandito tayo ngayon dahil ngayon nyo makukuha ang mga syllabus at time table nyo, transfers.” panimulang sabi nya

“hala, transfers daw, anong ibig sabihin nito” nag tatakang tanong ko sa sarili ko

“hindi kaya?, naku hindi pwede ito, pano ko magagawa ang mga gawaing bahay kung mag aaral ako” pag titiyorya ko.
Nag simula na syang tawagin ang mga pangalan at iniabot ang time table at syllabus individual.

“nakaka inis nasa last pa yta ako dahil Vergara ang last name ko” bulong ko sa sarili ko at napa tingin ako sa katabi ko at ngumiti

“Hi. Ako nga pla c Monica Wy, Nixx na lang for short” pag papakilala nya

“ako nman c Jennilyn Vergara, Jenny for short” sabay abot ng kamay pra mag shake hands kmi

“Jennilyn Vergara” tawang ni Maam Trinidad

Inabot ko nman ito at bumalik sa upuan ko

“so saang school ka galing?”tanong nya skin

“sa Davao ako nag galing kung sasabihin ko sayo kung saan skul hindi mo rin nman alam diba” nakangiting sabi ko sa knya

“oo nga nman”natatawang sabi nya

“ako nman hindi ako transfer ako ang assign pra i-tour kayong mga transfer sa boung school.” paliwanag nya

“bkit ka pla nag transfer dto?” tanong nya

Narinig kong tinawag c Nixx ni Maam Trinidad. Tumayo nman sya upang pumunta sa harapan.

“Transfers, this is Monica Wy. Sya ang assign pra i-tour kayong lahat sa boung skul. Sa canteen, Library, Toilets, at kung saan saan pang building.” pag papaliwanag ni Maam Trinidad.

“cge mauuna na ako sa inyo, bukas regular na ang schedule nyo.” dugtong pa nga

“bye transfers” pag papaalam nya

“bye Maam Trinidad” sabay sabay nming sbi.

Lumabas na ang lahat. Napansin ng dalaga na nandun parin ang binata sa corridor.

“bkit nyo ako inenrol?pano ko mapapagsabay ang trabaho ko at pag aaral?” bungad ko sa knya

“mag kita na lang tayo mamaya sa labas ng canteen, sumabay ka na samin kumain.” sabi nya habang nakatingin sa mga transfers na lumalakad na papalayo smin.

“Jenny” tawag skin ni Nixx.

“oo susunod na ako” at nag bigay ng matalim na tingin kay Kevin.

Na tour na clang mga transfer sa boung school. Huli nilang tinungo ang canteen pra rin pag katapos ay mag tatanghalian na cla. Sakto nman na nag bell na pra sa Lunch Time. At nag hiwahiwalay na cla.

Nakita ko nman na nandun na c Kevin sa pintuan sa canteen.

“ang tagal mo nman” pabirong sabi nya

“pasensya na ha, may kalakihan kc itong eskwelahan mo” sarcastic kong sabi sa knya

“haha, ito nman hindi na mabiro,pasok na tayo sa loob, nag reserve na cla Mitsy ng upuan nting lahat” pag aaya nya

“Jenny!”tawag ng pamilyar na boses mula sa likod ko

“oh, Nixx may problema ba?” tanong ko sa knya

“aayain sana kitang sumabay na lang samin na kumain ng mga kaibigan ko pero mukhang may kasabay ka na” sabi nya habang tinuro ang 2 pa nyang kaibigan at timingin kay Kevin

“kilala mo pla c Kevin”bulong nya skin

“ahh Nixx c Sir Kevin amo ko, Sir Kevin c Nixx, sya ung nag tour smin knina at bagong frend ko” pag papakilala ko

“cge hintayin ka na kita sa table, at isa pa wag mo na akong tawagin na Sir Kevin hindi bagay sayo” sabay walk out
Pag harap ko kay Nixx ay nakangiti lang sya sa nakatalikod at papaalis na c Kevin.

“pano mo sya naging amo?”tanong nya skin

“katulong ako sa bahay nila, pinag aral ako ng mommy nya” pag sasabi ko ng totoo.

“Cge sinesenyasan na ako ng amo ko. See you around ok.” pag papaalam ko sa knya

Ilang sandali pa ay natapos na clang kumain ng pananghalian.
Naunang umuwi ang dalaga dahil bukas pa nman mag uumpisa ang klase nya. Ilang sandali pa ay dumating na ang binatang amo nya kasama ang butihing ina nito. Minabuti nyang kausapin ang babaeng amo.


“maam pwede ko ho ba kayong makausap?” magalang kong sabi

“sure, let’s go to my office.” pag papahayag nya

Pumasok ang dalawa sa silid na sinabi ng babaeng amo ng dalaga.Nag maisarado ang pintuan ay agad na nag tanong c Jenny sa butihing amo.

“maupo ka iha” utos nya skin

“salamat po” sabi ko

“maam ano pong ibig sabihin ng naganap knina?” mabilis na tanong ko

“pinag aral kita” sabi ni Maam Ina habang umuupo din.

“hindi nyo nman na po kailangan maam, bka hindi ko magampanan ang mga gawain bahay ko tska...

yumuko ako

Nakaka hiya na po sa inyo...”paliwanag ko

“wag kang mag alala Jenny, hindi ako naniniwla na hindi mo magagampanan ng maayos ang trabaho mo dahil masipag at machaga ka. Isang semester na ang na-miss mo, hindi maganda yon at tanggapin mo na ito bilang regalo ko sa nakaraang kaarawan mo” mahabang paliwanag nya skin..

“nakakahiya na po kc, nag layas po ako tapos kayo po lahat sumasalo sa gusot na pinasok ko” sbi ko parin na naka yuko..

“basta pramis ko skin na mag aaral ka ng mabuti.” sabi nya

“opo, pramis ko po na hindi ko kayo ipapahiya.” sabi ko habang itinaas ko ang ulo ko at ngumiti.

“may iba ka pa bang itatanong?” tanong nya

“wla na po maam, salamat po tlga ha.Utang na loob ko na nman po sa inyo ito. Cge po mag lilinis pa po ako kc maaga kming umalis knina.” sabi ko na malaki ang ngiti sa mga labi ko

“cge.” sabi nya at umalis na ako

-ITUTULOY-
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
magicBMD    •reply Jul 2, 2008 @ 9:47 PM
 
: b o o k : 
paramore_kittie_31    •reply Jul 2, 2008 @ 10:20 PM
 
: r a z z : 
dwight_101    •reply Jul 2, 2008 @ 11:14 PM
 
: r a z z :  : r a z z :  : r a z z :  : r a z z :  : r a z z : 
aq06_best    •reply Jul 2, 2008 @ 11:40 PM
 
aw..kala ko my kissing scene na ung sa rooftop...wala na cguro...

: s a d n a n a :  : ( 


sobrang bait nmn ng amo ni jenny...bka alam ng parents nya ito... : n a u g h t y : 
  misskonapinas07    •reply    Jul-3-08@5:18AM
kya nga kala q mag kikiss na sila eh...nabitin baka mag makakilala kay jenny sa skul nila! sheeetiiii
  aq06_best    •reply    Jul-3-08@6:27PM
oo nga... : ( 
paramore_kittie_31    •reply Jul 3, 2008 @ 10:15 PM
 
ilang episode pa bago cla mag : k i s s :  hintay lang muna..ahahha

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Sakit ti Tiyan
older post:
Pangaral ng Isang Baduy na Ama
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com