tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
PORMANG CONSTRUCTION WORKER
posted by (Jul 06, 2008 @ 6:40AM) views: 174
kanina sa sta. lucia east...
dun sa lampas ng bridge mula sa phase 1 papunta sa grandmall...
sa may kanan na unang entarance papasok ng department store...
dumaan ako dun...
pumasok ako ng department store.

at ang una mong madadaanan sa parteng iyon...
maliit na record bar sa gilid...
school and office supplies...
at sumunod ay mga figurine...
mahal na mga figurine...
at may isang mamang ang ayos ay di naaangkop sa lugar.

ako'y padaan sa kanyang likuran...
mamang lumang-lumang collared shirt at lumang short na pambahay ang suot...
ang kamiseta ay marami pang butas...
na kinain marahil ng mga ipis o daga...
mamang sa bokabularyo ko ay pormang construction worker...
at kanyang pinagmamasdan ang mga figurine
at hinahawakan pa ang mga ito...

nais ko siyang balaan...
na 'wag niya iyong pakialaman...
kung malasin at iyo 'y nabasag...
anong ipambabayad?
para saan ba ang pagsipat-sipat?
panregalo mo marahil sa iyong asawa...
o marahil...
sadyang namamangha ka lang...
habang ako ay lumampas na sa iyong likuran...
malayo na sa iyong kinaroroonan.

ang lahat ng ito ay tunay na naganap...
at ngayon...
ako'y napaisip...
may isang taong 'di inalintana...
masamang ugali niyang taglay...
ang pagiging mapanghusga...
mapangmata.

bagama't 'di ako nagbitaw sa kanyang harapan...
ng masasakit na salita...
salitang dadampi sa kanyang mga tainga..
hindi ako naging makatarungan...
sa isang taong namamangha sa isang bagay...
na hindi ko naman pagmamay-ari...
sinong nagbigay sa akin ng karapatan?

namangha rin naman ako sa ganda ng langit...
ng dagat...
ng lupa...
at lahat nang naririto sa aking paningin...
naaamoy...
nalalasahan..
nadarama...
kasama na rin ang magagandang figurine sa deparment store ng sta. lucia...
lahat-lahat ng iyan...
kung gayun ba...
gaya ng aking nagawa...
ako rin kaya'y hinusgahan ng MAYLKIHA?
sinong nagbigay sa akin ng karapatan...
kundi ang sarili kong mangmang
sa mundong patuloy at pilit kong pinakikibagayan.
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
honeyangel_05    •reply Jul 6, 2008 @ 8:11 PM
 
: s m i l e :  nice one..
obej    •reply Jul 6, 2008 @ 8:15 PM
 
yehey! : c h e e r : 
procastination    •reply Jul 8, 2008 @ 10:55 AM
 
: c h e e r : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
next to you: concert
older post:
the more you hate the more you love Ep. 23
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com