|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Ang termos ni Aladdin
Ka boom!!!!! takbuhan ang mga tao. May makikitang tanggal ang paa, kamay. Nagkalat ang mga patay. Nagtatakbo si Renato upang kumubli kasama ng kaniyang mga katrabahong pinoy na naka base sa Kuwait. Sila ang mga laborer ng isang oil milling company sa lugar na iyon.
"sabi ko na sa inyo pare umalis na tayo noon pa, walang patawad ang mga Iraqi na yan, papatay sila" sigaw ni Reggie "pare aalis naman tayo nahuli lang bukas pa di ba!" sagot ni Renato "hey Filibini, taal rho!" sigaw ng isang Kuwaiti soldier sa kanila Sunod sunod na barilan ang kanilang narinig. Takbuhan ang mnga tao. Di magkamayaw ang sigawan, Isang bangungot ng araw na iyon. Nakarating ang tatlo sa isang banko malapit sa liwasan. Isang pagsabog ang naganap. Sandaling napawi ang usok. Putok ng baril ang maririnig. Isinakay ng isang sundalo si Renato kasama si Reggie sa isang sasakyan. Naiwan nila ang kaibigan nilang si Mando. "pare si Mando naiwan!" hu hu hu "wag muna isipin si Mando pare, sarili natin isipin mo!" wika ni Reggie Nagkatipon tipon ang mga arabo sa isang lugar kasama ang mga sundalong Kuwaiti. Pinakain sila roon ng mga ito. Tanging dalawa lang silang Pinoy ang naroroon. Isang sundalong Amerikano ang lumapit. "thai or Filifino?" wika nito "Filipino sir" "are you too ok?" "well sir we miss our friend Mando in Kuwaiti bank" "sorry to tell but don't mind him you two need to go to border to save yourselves asap, Iraqi soldiers now in attack , they also want to invade KSA" wika pa ng kano. "what we're goin to do?" follow those people running in that upper slope, its about 4 miles to get there" "ok sir can we go now" Hindi sumagot ang kano. Bumagsak ito a kanilang harapan tigmak ng dugo. Tinamaan sa ulo ang sarhento. "takbo pare, takbo na tayo hanggat may buhay!!!" sigaw ni Renato Malalakas na putok ang narinig. Huminto sila sa gitna ng mainit na disyerto. tanaw na nila ang isang bahay na bato dito sila panadaliang sumilong. Walang tao roon. "mga pare!" sigaw ng isang tulalang pinoy sa sulok ng bahay na iyon "Mando!!" magkasabay na nasambit ng dalawa "buti nakaligtak ka, wala ka bang sugat o tama?" wika ni Renato Di sumasagot si Mando habang kipkip ang isang lumang termo mataba. "Mando salamat buhay ka tubig ba yan painom ha"wika ni Reggie Nakainom ang dalawa. malaki ang termos ng tubig. Maaring dinala ito ni Mando sa sobrang uhaw na dinaranas. "Mando, wag ka mag-alala, akbay ka sa akin dapat tayong makapunta sa border naroroon ang mga kano tutulungan nila tayo" wika ni Renato Di pa rin makapagsalita si Mando. Marahil nabingi ito sa lakas ng mga putok. Mababanaag ang ilang sugat na dulot ng talsik ng maliliit na bato ng gusali sa kaniyang buong katawan. Huminto sila sa isang puno ng Camachile, sumilong . Pinainom nila si Mando buhat sa termos na dala nito. "Mando ako na magdadala ng termos mo" alok ni Reggie "waggggg!" sigaw ni Mando habang niyakap ng mahigpit ang nasabing termos "Mando ano ba nangyayari sa yo hu hu, wag ka mag-alala makakaligtas tayo" at niyakap ni Reggie ang kaibigan "tara pare pabayaan muna natin si Mando sa termos ang kailangan makaalis na tayo malapit na tayo, buhatin na natin iyan si Mando" wika ni Renato Nakarating ang dalawa sa border. Tinulungan sila ng mga kano. Di maalis sa pagyakap sa termos si Mando. Inakala ng mga kano na nagka troma ito. Nakarating sa pagamutan ang tatlo. Inayos ang kanilang mga papeles pabalik ng bansang Pilipinas. Sa eroplano, mapapansing tulala pa rin si Mando, yakap yakap ang nasabing termos na wala ng tubig na laman. Nang makarating sila sa Pilipinas ay sinundo sila ng mga kaanak. Niyakap ng dalawa si Mando nago nagkahiwa-hiwalay. Umiiyak ang asawa nito sa pag-aakalang nabaliw na si Mando. Makalipas ang isang buwan ay wala silang balita sa kaibigan. Isang mensahero ang dumating sa tahanan ni Reggie at gayun din kay Renato. Tig-isang cheke ang kanilang natanggap buhat sa isang account name na Armando Mangahas. Tig dalawandaang libong piso. Nagulat ang dalawa at nagpangita sila sa bangko. "pare me pera, galing kay Mando" wika ni Renato "oo nga, tumama kaya siya sa lotto?" sagot ni Reggie "hindi mga kasama, para sa inyo talaga iyan" biglang sabat ng isang panauhin mula sa likuran. Maayos ang pananamit, basa ang buhok at maganda ang ngiti. "Mando!" sigaw ng dalawa Nagyakap ang tatlong magkakaibigan sa loob ng bangko na iyon. Nagtinginan ang mga tao sa loob. Pinapasok sila ng manager sa loob ng kwarto nito. Bumungad sa kanila ang termos na dala ni mando noong kasagsagan ng gera. Nakapatong ito sa mesa ng manager. "ano yan Mando sinira mo ang termos bakit basag di ba yan yun" tanong ni Renato "oo mga kaibigan ko, nang sumabog ang Kuwaiti bank ay nagtalsikan ang mga barang ginto sa loob nito. Bumagsak sa aking harapan ang tatlong bara, nang oras na iyon ay nakita ko ang termos na ito. Tinanggal ko ang thread sa puwitan at napansin kong malaki ang gilid nito na puno ng styropor. Tinanggal ko ito at dito itinago ang mga bara ng ginto sa mga giliran ng termo." "ganun e bakit tulala ka nun" tanong ni Reggie Nagkunwang baliw ako upang di mawala sa akin ang termos.Inaalis nila ito sa akin upang ako'y akayin ngunit iniiyakan ko kaya pinababayaan na nila ako. Nagtatakbo ako at nakarating sa isang bahay. Pinuno ko ito ng tubig at laging dala-dala sa pagtakas. Nakaligtas ako dahil sa inyo, kasi di na ako makalakad ng mga oras na iyon. Binuhat niyo ako at pinagyaman, kaya iyan ang gantimpala ko sa inyo" "salamat Mando, isa kang kaibigan" wika ni Renato "para palang termos ni Aladdin ang dala mo" sabat ni Reggie "pwede, kaso mas guwapo sa akin si Aladdin" "ha ha ha!" tawanan ng grupo "maiba tayo magkano mo naipagbili ang mga bara ng ginto"tanong ni Reggie Sumagot si Mando. "secret" "ha ha ha!" at masayang umalis ang tatlo upang mag minindal sa isang restauran. Sakay ng isang magarang sasakyan. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70351)Arts & Entertainment (7556) Lifestyle & Culture (3278) Politics & Issues (2936) Poetry & Fiction (9296) Random Thoughts (10175) Forwarded Thingies (7351) FrendzCorner/ShoutOutz (21351) Games & Fun Questions (2347) Patawa Ka Talaga (2309) Tristancafe Musikahan (3802) Careers & Work Stuff (1514) School Matters (3240) Technology & Internet (3996) Classifieds & Advertisements (3581) Tristancafe Halo-Halo (1543) Barangay Tristan (1728) Site Announcements (43) vanity_ghine06, jacy_amaze, toink_0515, tenshitensai, curseddoll, haseyama08 and 31 guests Random Love Quotes
|