tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Race of Races-Ch.1:The Beginning
posted by (Aug 27, 2008 @ 3:16AM) views: 82
Madami ang mga Wizarriors. Lubos silang nakahanda para sa paglusob sa buong Baran Adeoan. Dala nila ang pinakamalakas nilang sandata. Dala ni ang pinaka magiting nilang Blade at pinaka magiting na Ore. Ang "Honor Blade" at "Ore of Justice".

"Hindi tayo maaaring magapi ng mga Wizarriors na iyan lalo na iyang si Licardo!" galit na sigaw ni Datu Zijardi.

"Gura! Paghandain ang iba pang Wizoldia upang makipagdigmaan sa mga Wizarriors at paghandain ang mga Wizards upang protektahan ang kanilang sarili laban sa mga Wizarriors na lulusob" utos ni Datu Zijardi kay Gura.

"Masusunod Datu!" sabi ni Gura.

Agad na kumilos si Gura patungong Una Plaza upang ipaalam sa ibang mga Wizoldia ang dapat gawin. Agad silang kumilos.

"Wizoldia! Lusubin ang Wizarriors!" utos ni Gura.

Pumunta ang ibang mga Wizoldia sa harap ng Baran Adeoan upang bantayan ang kaharian. Bumalik na si Gura kay Datu Zijardi na nakakampo sa taas ng kaharian ng Adeoan.

"Mahal na Datu, nagawa ko na po ang pinaguutos ninyo." sabi ni Gura.

"Mabuti! Talunin ang mga lapastangan" sabi ni Datu Zijardi.

Pumasok si ang datu sa palasyo at pumunta sa silid ng kanyang pamilya.

"Ama! anong nangyayari sa labas?" tanong ni Dayang Narcisa Zijardi, anak ni Datu Zijardi; panganay sa magkakapatid.

Si Datu Zijardi ang may tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae: Datu Gyro Zijardi, Dayang Desina Zijardi at Dayang Narcisa Zijardi.

"Natatakot na ako Majardon" ang sabi ni Dayang Ferina Zijardi, ang kanyang asawa.

"Akong bahala...hindi malalagot ang ating kaharian" ang pangako ni ng Datu.

"Inaasahan kita Majardon...inaasahan" ang sabi ni Dayang Ferina.

=ITUTULOY=
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
maffelii    •reply Aug 27, 2008 @ 2:07 PM
 
: h m m : 
paramore_kittie_31    •reply Aug 27, 2008 @ 10:44 PM
 
: s m i l e : 
saint_4_sin    •reply Aug 30, 2008 @ 11:58 AM
 
: b l u s h : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Chemistry Romance: Episode 17
older post:
Friendly Chatmate-Ch.1:Addiction(5)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com