|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Chemistry Romance: Episode 17
pu peoplee2 na another epi ng chem. romance kktwa ![]() hope u love it happy reading ![]() 1. chemistry quiz 2. jazz's bad day 3. tutor 4. tutoring session 5. eriq's condition 6. meet the baral's 7. double date 8. weekend 9. were getting to know each other 10. tiger and piglet 11. mother know's best 12. double date again 13. summer love 14. history 15. suspended and grounded 16. jealous Natapos na ang pagkakasuspended ni Jazz kaya't nakapasok narin sya. Subalit hindi pa tapos ang pagkakagrounded sakanya ng Mom nya, nadagdagan pa ito ng tumakas sya noong nagkaroon ng pagkakataon tumakas si Jazz. Magkausap at sabay nakumakain si Eriq at Jazz sa may canteen ng lumapit si Izzie sakanila. Izzie's Point "Hi Hon. Hi Jazz." Bati nya sa dalawa. "Oh Hon, nag lunch ka na? Samin ka na sumabay." Yaya ni Eriq. "Gotto go dude. Tapos na ako." Paalam naman ni Jazz kay Eriq at hindi nya pinansin si Izzie na nandoon. "Ok sige, maya nalang." Sabi ni Eriq. Ng makaalis si Jazz, umupo sya kung saan nakaupo si Jazz kanina at nagusap sila ni Eriq. "Anong problema ni Jazz?" Pagtataka ni Izzie. "Ewan ko hon, ok naman sya kanina eh. Siguro magkikita sila ni Cassie kaya umalis na sya agad." Sagor ni Eriq. "Ok. So how was your week? I miss you hon." "Ye, honey, I miss you too." "Ay hon, alam mo ba na grounded si Jazz?" "Oo, ayun nga pinaguusapan namen kanina eh. Naguguilty nga ako eh." Sabi ni Eriq. "Bakit ka naman maguguilty? Wala ka naman kasalanan ah." "HAaa??? Wala. haha wala yun." Naguguilty si Eriq sa ngyari kay Jazz na pagka suspended at grounded nya, wala naman sya magawa kung hindi suportahan nalang ang kaibigan nya. Pumunta si Jazz sa classroom nila, nakipagusap lang sa mga kaibigan nya rin na nadoon, ilang sandali ay dumating si Cassie at niyaya si Jazz magusap. Lumabas sila ng classroom at doon nagusap. Cassie's Point "Bhie, galit ka ba saken?" seryosong tanong nito. "Hindi!" Maikling sagot ni Jazz. "Ok, sorry talaga ng ngyari last week ha, I have to do that lang talaga kasi your Mom trust me and I don't wanna let her down." "Just forget about that." Sabi ni Jazz habbang ang likot ng ulo nya na kung saan saan nakatinggin at parang may hinahanap. "Bhie, anong problema? Tignan mo nga ako! Sino ba hinahanap mo?" "Anong hinahanap?? Wala.!" Katwiran ni Jazz. "Napapansin ko lang kasi sayo, this past few days, lagi ka ganyan. Parang malayo iniisip mo, tapos parang hindi mo ako pinakikinggan. May problema ka ba?" "Wala nga bat ba ang kulit mo? Sige na nga bumalik ka na sa classroom mo." Sabi ni Jazz. Hindi sa kalayuan, paparating na sila Izzie at Eriq, tanaw na tanaw ito ni Jazz. Jazz's Point "Bakit magkasa ma si Eriq at Izzie?" Tanong sa sarili na para bang nawala sa isip nya na magkasintahan si Eriq at Izzie. "Jazz, kausapin mo ako!" Sabi ni Cassie sakanya habbang nakatinggin sa paparating na sina Izzie. "Dude! mukha yata mainit ulo mo ha? Bakit anong problema?" Bati ni Eriq sakanya ng lapitan sila. Masama ang titig ni Cassie kay Izzie, ngunit hindi nya nalang ito pinapansin dahil ayaw nya na nang magkagulo pa. Eriq's Point "Cass, bumalik ka na sa classroom nyo." Utos nya kay Cassie habbang nakatitig ng masama kay Eriq. "Ayoko nga bakit ba? Hindi pa naman nag bell ah." Sagot nito. "Oo nga Jazz, alam mo you guys need to talk." Biro ni Eriq. "Eriq, ano bang pakialam mo? Wag ka nga makialam samen. Ikaw naman may kasalanan lahat kung bakit ganito ngayayare saken eh." Pasigaw ni Jazz at susunggaban na sana nyang si Eriq, buti nalang napigilan ito ng mga batchmates nilang lalaki. "Jazz, ano bang problema mo? Maayos naman paguusap natin kanina ha? Galit ka ba saken sa ngyari sayo? Hindi ko naman sinasadya ha, Hindi ko rin sinabi na hintayin mo ako sa clinic, tapos ngayon ako pa sisihin mo, Eh ikaw pala gago eh." Sagot ni Eriq. "Tama na yan guys, ano ba kayo, nasa loob tayo ng school saka parang hindi kayo magkaibigan ha." Pag-awat ni Izzie sakanila. "Jazz pare, i treat you as my brother, pero kung isusumbat mo lang pala mga ginawa mo saken, sana pinabayaan mo nalang ako na matumba at hindi mo na lang ako dinala sa clinic. Sayang kasi eh." Seryosong sabi nya at umalis sya pumunta na sa room nya. Ng umalis si Eriq, napatinggin si Izzie kay Jazz at naluluha, sinundan nya si Eriq. Habbang ng matauhan si Jazz eh si Cassie at mga kabatchmates nya ang nakita nya na nakatinggin sakanya. Hahabulin nya sana si Izzie pero pinigilan sya ni Cassie. Izzie's Point "Eriq! Eriq!" Pagtawag kay Eriq habbang hinahabol nya ito. "Eriq, ano ba! Pwede ba kausapin mo ako?" Nahinto si Eriq sa paglalakad at lumingon sya kay Izzie at niyakap ito. "Izzie I'm sorry. I'm really really sorry." Sabi ni Eriq habbang napaiyak sya. "Eriq, what happened? And sorry for what?" Tanong nito. Naupo sila sa bench, malapit sakanila at kinwento lahat ni Eriq ang ngyare noong bago masuspend si Jazz. "Bakit ayaw mo naman sakin ipaalam yun?" Tanong ni Izzie. "Kasi alam ko madami ka na problema at ayoko pang dumagdag sa mga problema mo, kaya nakiusap ako kay Jazz na wag nalang sabihin sayo. Sorry talaga Izz, hindi ko naman alam na aabot pa sa ganitong pangyayare ito eh, kung alam ko lang." Mahabang paliwanag nya. "Eriq, ako nga dapat yung nag sosorry sayo eh, kasi pati relationship naten naaapektuhan dahil sa mga problema ko, sorry din kung hindi ko ma share sayo yun ah, siguro sa tamang panahon." "Ok lang, naiintindihan naman kita eh." Sabi ni Eriq sabay yakap kay Izzie. "Pero Hon, ano ba talagang ngyari sainyo ni Jazz? Bakit ganoon sya mag react?" Naguguluhan na tanong ni Izzie. "Hindi ko nga rin alam eh, I mean kanina diba nakita mo pa kame na sabay mag lunch, hindi ko alam kung anong ngyari sakanya." "Hayaan mo kakausapin ko sya sa Thursday sa tutor class ko sakanya." Tumunog ang bell ng school at hudyat nito ang pagtatapos ng lunch break nila. Pumasok na ang mga estudyante sa classroom, kabilang na silang apat. Wala pang dumadating na teacher sila Izzie kaya't sinubukan nyang kausapin si Jazz. Izzie's Point "Jazz, pede ba kita makausap?" Mahinahong tanong nito. Tumingin sakanya si Jazz, akala nya kakausapin sya nito pero tumalikod sakanya ang lalaki, at dumating na ang teacher nila kaya't bumalik na si Izzie sa pwesto nya. Dumaan ang mga ng walang kibuan ang magkaibigan si Jazz at Eriq, kahit si Izzie ay hindi pinapansin ni Jazz. Thursday afternoon, naunang umalis si Jazz sa classroom nila, buong akala ni Izzie ay nauna si Jazz sa SLC kaya't nagmadali na rin ito. Pagdating nya doon, wala syang Jazz na naabutan. Naghintay sya ng kalahating oras pero hindi parin dumating si Izzie, kaya't nagpasya na umuwi. Bago sya umuwi ay napadaan sya sa gym, doon nakita nya si Jazz na nag bbasketball praktis kasama ang mga team mates nya. Binalaan si Jazz na hindi na sya makakapag laro sa championship game ng school nila ngayong taon sa ngyaring pagkakasuspended nya. Nagtaka si Izzie kung bakit nag practice it gayong hindi na sya makakapaglaro.Nilapitan nya ito at kinausap "Pwede ba kita makausap Jazz?" Sabi nya. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga dito pwede!" Sagot ni Jazz sakanya. Natigil ang laro nila at nag break ang team ni Jazz. "Bakit hindi ka nag punta sa SLC? Kanina pa kita hinihintay ah?" "Bakit pa ako pupunta doon? Para saan? Saka Alam mo nakakaistorbo ka eh. Kaya umuwi ka nalang." "Alam mo ikaw ren, nakakaistorbo ka! Dapat mag group study kami nila Aleks at Sandy ngayon, pero hindi natuloy kasi may tutor lesson ka saken. Alam mo bang hinintay kita doon ng halos isang oras tapos makikita kita dito sa gym. Eh diba na suspend ka ng coach nyo at hindi ka makakapaglaro? Bakit ka nandito?" "Ano ba pakialam mo Izzie? Girlfriend ba kita? Nanay ba kita? Mommy ko nga saka si Cassie hindi ako pinakikialamanan ikaw pa kaya na hindi ko naman kaibigan." Sigaw ni Jazz. Nagulat si Izzie sa sinabi ni Jazz. "Ano bang nangyayari sayo Jazz? I mean pati si Eriq kaaway mo? Anong problema mo?" Hindi sinagot ni Jazz bagkus nagwalk out at umalis na rin si Izzie sa gym at umuwi na. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hala, ganun ang sama naman ni Jazz....
Si Izzie na nga lang at Jazz.... Tutal si Eriq nman ang nauna kay cass kesa kay Jazz eh...hehehe sana may-update na uli maya....
awTz!!!!
galiets na c Jazz..di pa Kc mag taPat weh ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (71011)Arts & Entertainment (7634) Lifestyle & Culture (3328) Politics & Issues (2960) Poetry & Fiction (9380) Random Thoughts (10305) Forwarded Thingies (7397) FrendzCorner/ShoutOutz (21462) Games & Fun Questions (2365) Patawa Ka Talaga (2338) Tristancafe Musikahan (3862) Careers & Work Stuff (1538) School Matters (3263) Technology & Internet (4042) Classifieds & Advertisements (3617) Tristancafe Halo-Halo (1569) Barangay Tristan (1752) Site Announcements (44) forum_badboy, fireflyinthwindstorm, stupidLyhurT, edmond_acs, lil_missy_washir0526, superGMA and 17 guests Random Love Quotes
|