tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Book 2
posted by (Dec 05, 2008 @ 2:47AM) views: 170


Letting Go


Imbis na sa ospital inuwi si Ashlee, sa bahay nila sya tinuloy. Patuloy ang pagtataka ng binata ng doon sya dalhin.

"Tita Jane, bakit dito natin dinala si Ashlee? Diba dapat sa ospital?" naluluha na na tanong ni Charles.

Hindi na nga natuloy ang kasal ng dalawa, at ng mga oras din na iyon, inamin ng ina ni Ashlee na masama na ang karamdaman nya. Nakikinig at nandoon lahat ang Angeles family, kasama dito si Liam.

"Tangina bakit hindi ako naniwala kay Ashlee?" Panghihinayang na sabi ni Liam. Napatayo si Charles at nilapitan ang bunsong kapatid.

"Kuya I'm sor-"

*Blag*

Pagsapak ng galit na galit na si Charles sa kapatid nya, agad naman sila inawat ng Kuya at Daddy nila.

"Bakit hindi mo agad sinabi saken?" Nagpupumiglas sa ama nya at sabi kay Liam.

"Sa tinggin mo ba kung alam ko, hindi ko agad sasabihin sayo?" Pasigaw na sagot ni Liam.

"2 weeks ago nya lang sinabi sa akin, pero akala ko binibiro nya lang ako." Dagdag pa nito.

"Damn it Liam. Mas kilala mo si Ashlee tapos hindi mo alam kung kelan sya nagsasabi ng biro ?" Sagot pa ni Charles.

"Ano ba kayo. Hindi na kayo nahiya kay Tita at Tito. Imbis na magaway kayo, bakit hindi nalang kayo manahimik. Ngyari na ang dapat mangyayare, wala na tayong magagawa doon." Pagsuway sakanila ng nakatatandang kapatid na si Dale.

Natahimik nga ang dalawa at biglang lumabas ang family doctor ng mga Angeles. Halos lahat sila ay gusto ng malaman kung anong kondisyon ng dalaga, kaya naman hindi na nagsayang ng oras ang doktor at binalita na sa magkapapamilya.

"As of now, Ashlee's fine. Sa totoo nga nakausap ko na sya. Kailangan nya lang magpahingga at Charlie, gusto ka nya makausap."

Kumaripas sa pagakyat si Charles sa kwarto ni Ashlee at pagkapasok nya doon, nakita nya si Ashlee nakahiga sa kama. Bigla nalang naluha ang binata at agad nilapitan si Ash.

"Charlie, bakit ka umiiyak? Hindi pa ako patay, I'm still alive." Pagbibiro pa ng dalaga.

"Why didn't you say so?" Malungkot na tanong ng binata.

"Kasi, ayaw ko makita yan." Sagot ng dalaga at pinunasan nya ang mga luha sa mukha ni Charles.

"See. Hindi pa ako patay iniiyakan mo na ako." Dagdag pa nya.

"I'm really sorry Charles. Dapat hindi ko na pinaabot dito ito eh, natakot lang ako baka hindi mo ako matanggap at mahalin ng katulad ng noon kapag nalaman mo ang kalagayan ko."

"Don't say that! Ofcourse you know how much I love you. Nagsisisi lang ako na sana yung mga spare time ko eh naspend ko nalang sayo. Sana hindi ako nagsayang ng panahon para ipakita sayo kung gaano kita kamahal at mamahalin pa." Si Charles.

"Charles, you did great! Alam mo wala ako maisip na dull moments pag magkasama tayo, At talaga naman ipinakita mo at pinadama mo sa akin how much you love me, and thankyou for that."

"I will continue loving you Ash, as long as I'm alive, aalagaan at mamahalin kita Ashlee." SI Charles at niyakap si Ashlee.

"Ituloy nalang natin ang pagpapakasal natin, kahit hindi sa simbahan, si Daddy may kakilala na judge na pwedeng magkasal sa atin." Si Charles.

"As much as I want Charles. But Im letting you go." Naluluhang sabi ni Ashlee pero sa kabila noon ay nagbigay pa sya ng matamis na ngiti.

"What? No Ashlee, we can work this out diba? Gagaling ka pa Ashlee, I know gagaling ka pa." Humahagulgol na sabi ni Charles.

"Hindi ko masasabe kung hanggang kelan nalang ako Charlie, pero alam ko ikaw, matagal ka pa mabubuhay. Kaya don't waste your time na alagaan ang mamamatay na na tao." Makahulugan na banggit ni Ash.

"Ashlee,, don't say that. Alam ko hindi ka pa mamamatay, tatanda tayo na magkasama."

"Charles stop it. Diba the doctor say's Im ok. Alam ko pagod ka na kaya magpaghinga ka na ren, tapos bukas aalis tayo. May ipapakilala ako sayo."

"Ipapakilala? No Ash, I'm not going anywhere. Babantayan kita at aalagaan kita."

"Charlie, don't act like kid, ok? I know how much you love me, at kung pupunta ka sa resthouse nila Mommy sa batangas sa resort, dun ko naman papatunayan na mahal din kita."

"Promise." Dagdag pa ng dalaga.

Ayaw pa man umalis ng binata, gusto nyang mapatunayan nga ng dalaga na mahal sya nito. Umalis ang binata sa kwarto ng dalaga at iniwan sya. Pagkalabas ni Charlie, bumuhos ang emosyon at nararamdaman ng dalaga, nilabas nya sa iyak ang naramdaman nya. Makalipas ang halos isang oras, kinuha nya ang phone nya para tumawag sa isang kaibigan.

"Hello. Can we meet you come to my house tomorrow?"

"About 8am? Please."

At naputol ang linya. Samantala natulala naman sa poolside si Charles sa pangyayare kanina, at simula noon wala syang ganang magpalit ng damit at suot nya parin ang americana nya, umiiyak at malungkot na nagiisip ng posibilidad na future nya, ngayong alam nya na ang karamdaman ni Ashlee. Sa di kalayuan si Liam, nagdadalawang isip na lumapit sa kuya nya, pero sa huli naglakas loob na lapitan at kausapin.

"Charlie, Sorry talaga ha, hindi ako naniwala at hindi ako aagad naniwala kay Ashlee kung siguro--" Hindi natapos na paliwanag ni Liam.

"Kalimutan mo na yun. Wala naman may kasalanan saten eh, sorry din." Pagpapakumbaba ni Charlie.

Tinabihan ni Liam ang kapatid at sinamahan nya na magreminice noong mga bata pa sila.

Samantala hanggang ngayon palaisipan parin sa magkaibigan kung bakit ngyari ang ngyari kaninang umaga sa kasal ng dati nilang kaibigan na si Charles at kasintahan nitong si Ashlee.

"Grabe best, parang nasa pelikula tayu kanina ano, hindi ko ineexpect na mangyayare sa totoong buhay yun." Si Nikki.

Pero si Cris, parang wala sa ulirat at nakatinggin lang sa cellphone nya, para bang ang lalim ng iniisip nya.

"Ano na kayang ngyare kay Ashlee? Si Matt naman kasi naka off ang phone nya. At ano na ngyare kay Charles. Kawawa naman." Patuloy na pagdaldal ni Nikki subalit walang pagbabago sa ekespresyon ni Cris, para bang wala sya sa mundong ito ng mga oras na iyon.

"Hoy Ms. Katelyn Chrissie Lopez, naririnig mo ba ako?" Pagsuway ni Nikki sa kaibigan nya.

"HA? Ano? Bkit?????!?"

"Kakaasar toh, para akong tanga nagsasalita dito tapos hindi ka pala nakikinig. Ano ba nangyayari sayo?"

"Wala. Naisip ko lang yung ngyare kanina sa simbahan. Grabe noh parang sa pelikula."

Natatawa si Nikki dahil almost the same ng sinabi nya ang inahayag ng kaibigan.

"Alam mo Cris, antok lang yan! Matulog ka na nga. Dito na muna ako matutulog sa unit mo ha, tinatamad na ako umuwi sa bahay eh."

"Sige bahala ka. Matutulog na rin ako."

Pumasok si Cris sa kwarto nya at nagpahingga. Samantala hinihintay parin ni Nikki ang tawag ng kasintahan nya na pinsan ni Ashlee.

__________________________________




BOOK 1

BOOK2-PART 1 BOOK2-PART 2
BOOK2-PART 3 BOOK2-PART 4
BOOK2-PART 5 BOOK2-PART 6




i wanna make love right now nana : r o c k e r : 







harhar i lurve that song!!!!!
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
jhoizie2810    •reply Dec 5, 2008 @ 2:54 AM
 
ay forgot to put the TO BE CONTINUE : r o l l :  yan
paramore_kittie_31    •reply Dec 5, 2008 @ 3:01 AM
 
haha....ano na kya mangyayari...

excited na ako kung mabubuhay or mamatay si Ash : d e v i l : (ano pa ngang magyayari sa knya??): r o l l : 
black_white    •reply Dec 5, 2008 @ 3:50 AM
 
mabubuhay xa! : c h e e r : 

bahahaha. FREE LESSON ako naun ; ) 
  jhoizie2810    •reply    Dec-5-08@3:57AM
ako free buong araw wala kami pasok e... sabi ko : r o l l : 
bheby_mhie    •reply Dec 5, 2008 @ 8:39 AM
 
jhoiz...me naisip ako ke ashlee...sa katapusan na lang..ahahaha

c cris kausap nya sa fone db...


button: bheby_mhie bibong bata..awts : b l u s h : 
  jhoizie2810    •reply    Dec-5-08@11:17AM
ayyy nayun na harhar: r o l l :  lapit na rin yata end nito e : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Ang Tsinelas
older post:
Umaasa Lang Sa'Yo [2nd Chapter]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com