|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Tristancafe Halo-Halo
hay! lungkot ako...
nalulungkot ako kc galit ung friend ko sa akin sa ofc. di ko alam kung bakit. best buddies kami kahit hindi kami magkumare. hilig namin kumain... kaya eto pareho kami chubby. maraming bagay kami pareho ng gusto. hanggang isang araw wala na syang kibo. tinanong ko sya kung bakit... sabi niya wala lang gusto lang daw nya manahimik at tanong ko sa kanya kung galit ba sya sa akin... sabihin nya lang... hindi raw. nirespeto ko ung gusto nya. pero palala na ng palala ang di nya pagkibo sa akin at napapansin ko sa grupo namin sa akin lang lumamig ung trato ang pakikitungo nya. hanggang isang naman nagtanong ako ulit... bigla nya ako sigawan. busy daw sya at maraming ginagawa. sabi ko nagtatanong lang namn ako kung ok lang sya... nasasaktan ako sa ginagawa sa akin. pagkatapos nun ako pa bumati sa kanya. pero malamig na talaga ang trato nya sa akin. di na nya ako masyado kinikibo. kapag kinakausap ko sya di sya tumitingin sa akin ng diretso. ang tanong ko sa sarili ko ako ba ang may mali? gusto sana malaman kung bakit sya galit sa akin at ng makapagsorry namn ako. dinededma nya ako at iniiwasan. ung bati pa kami dati sabi namin sa isa'T isa kung galit kami magsabi agad para di namn kami ng mumukhang tanga. sa ginagawa ko ngaun sa kanya nagmumukha na akong tanga. humihingi ako ng payo sa ibang kagrupo namin sa trabaho kaya lang nahahalata ko may pinapanigan sila. sa halip na magkaayos kami ng ofcmate ko parang ako pa ang lalabas na masama. oo, alam ko wala akong maitutulong sa pinansyal na problema ng ofcmate ko pero sa moral support handa ako. kung may maitulong ako sa pinansyal kokonti lang ang maitutulong ko. alam naman nya na problema din ako. sana mapayuhan nyo ako kung ano ba dapat kong gawin. dapat ko na rin ba syang tigilan na? kapag nagtanong namn ako sa kanya kung ano problema namin sa pagkakaibigan namin baka sigawan na namn nya ko ulit. dito pa lang ako naglalabas ng sama ng loob ko. naghanap talaga ako ng sites para makahingi ng advice. tnx sa lahat.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
alam mo pareho tau ng sitwasyon. may friend din ako na ganyan.. since childhood kasama ko na siya hanggang na nasira ang friendship namin.
pero gaya mo, ganun din ang ginawa ko, tinanong ko din siya kung ano ang nagawa kong mali sa kanya, ang sabi niya saken hayaan ko muna daw siya. darating din daw yung time na makikipag-usap siya saken. nung magkausap kami, sobrang iyakan kami 2. lahat ng sama ng loob ko at sama ng loob niya lumabas. as friend, ginawa mo na naman yung part mo para magkaaus kau, since siya ang may ayaw, hayaan mo na lang siya.. give him/her time.. baka nga di pa lang siya handa na mkipag aus sau.. wag mo na masyado ipilit ang sarili mo sa kanya, kasi sabi mo nga nagmumuka ka na tanga.. haba na pala comment ko.. anyway, sana magkaaus kau at di kau matulad samen ng friend ko.. ngkaaus man kami, di na rin maiibalik yung dating friendship.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77635)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11233) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4055) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) blony, kayth19, kamoteque27, Kumiko_Ayumi, and 41 guests |