tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Politics & Issues
Issues
posted by (Nov 05, 2009 @ 4:56PM) views: 107
: h m m : 




On Voter's last day of Registration

Napanood ko sa news kagabi, nagkainitan daw ang mga COMELEC officials at mga taong nun pa lang magpaparehistro sa me Parañaque. Sa ibang lugar naman, nagrereklamo daw ang mga tao dahil daw dun sa brownout nung Sabado dahilan para pabalikin na lang sila ng Martes at papilihin ng pagkahaba-haba na naman.

Hay nakuh! E bakit naman kasi kung kelan last day dun lang magpaparehistro? : h m m :  Samantalang matagal ng sinasabi ng COMELEC na wala ng extension ang voter's registration. Masyodo kayong kampante nung maging firm ang decision ng COMELEC na wala talagang extension tska kayo magpaparehistro tas kayo pa galit.

Nung nagparehistro ako nung September, may pila pero hindi naman kahabaan. Nakatayo pero hindi ka naman maiinip dahil mabilis ang proseso. Sa lahat ng pila na naexperience ko yun ang hindi nakaka-stress. Inaasahan ko nga mahaba ang pila since District 1 ang Tondo. Yun ngang registration ng District 2 and 3 walang pila, pa-isa isa ang dating ng nagpaparehistro. Tska madali ang proseso, itatanong kung ano o saang Barangay ka nabibilang, hihingan ka ng I.D na sila pa mismo magpapaphotocopy para sau (syempre hihingan ka ng bayad), magbibigay ng registration form, fill up-an, pag matapos nila idouble check yun proceed ka na para magpapicture, finger printing and signature. Ayun. Kulang kulang isang oras ang ginugugol ko dun kasama na yung pag-iisip ko kung anung number nung Barangay namin at pag-fill up nung form.

Wala sanang hassle kung maaga pa lang nagparehistro na kayo. Besides, maraming ginawang effort ang COMELEC, tulad ng ginawang Mon to Sat ang registration, nagpupunta sila sa bara-barangay para ilapit na ang registration sainyo, even sa malls gumawa din sila ng booth for registration one district per schedule nga lang.

Tsk..tsk! Sign yan ng pagiging iresponsable. Sa haba ng panahon na ibinigay ng COMELEC para sa registration na yan, hindi naman sila nagkulang ng paalala na magparehistro kayo, kung kelan last day na tska kayo magkukumahog. COMELEC did their part sana kung ginawa nyo ang part nyo hindi na kayo naabala at di nyo na binigyan ng problema ang COMELEC. Kung registration pa lang nakikita na ang pagiging iresponsable nyo panu pa kaya kung botohan na at pipili na ng magiging pinuno ng bansa? Kaya mas mabuti sigurong hindi na lang kayo makaboto!



GIMIK

Nakakabilib talaga ang ilang aspirant ng iba't ibang posisyon. Nat'l man o local. Dahil nga naman premature pang pangampanya ngayon kailangan ang gimik nila yung tipong hindi mo mahahalatang nangangampanya na sila pero me impact at siguradong matatandaan mo ang pangalan nila. Tulad nung papunta kami ni sir sa munisipyo ng rosario, nakita ko ang di kalakihang tarpaulin na nakalagay "Exercise your right to VOTE. Register Now." Tas nasa baba ang picture at pangalan ng dalawang councilor ng lugar na yun. Kung titignan mo ang tarpaulin nila sa malayuan (dahil all caps at malaki ang salitang VOTE at naka-center pa) ang mababasa mo VOTE tas picture at name nila. O diba ang gagaling! Hindi yun ang unang beses na nakita ko ang ganung istilo. Sa me pader sa pasig (caloocan) anlaki pa ng tarpaulin ni councilor umaambisyon atang maging tongresman. At marami pang iba, masakit lang sa ulong tandaan sila isa-isa.


MACEDA on ERAP

Nabasa ko ang article ni Mr. Expose sa The Daily Tribune kahapon. Iba daw ang Erap noon sa Erap ngayon. Mas maka-diyos. Napatawad na nya ang mga taong nakagawa ng mali sakanya. Marami daw makakapagpatunay na hindi na sya nagjjueteng at umiinom (kung tama ang interpretation ko) : l o l :  Na parang theres nothing to fear about Erap or theres no wrong giving Erap a second chance to prove himself. Whatever..iba pa din ang pananaw ko. Tama na yung "naging" na sya huwag na sana "maging" pa. WE DON'T NEED ANOTHER ERAP or GMA!


ON GIBO

Sabi nung taga Cavite, si Gibo daw e magaling sa leadership, matalino at mahusay mag-isip. Pananaw naman nya yun at least he has a basis for voting him. Pero gusto ko sanang sabihin, kaya pala nung bagyong Ondoy, tuwing prescon ng NDCC pulos statistics ng mga bayang nalubog, kung ilan ang namatay etc. ang binibigay nya walang konkretong plano kung anu-ano ang mga hakbanging ginagawa nila...yun ba ang me leadership? Tska madalas ko syang marinig na "humihingi na po kami ng tulong sa ibang bansa.." Susmeyo! E yung iba ngang NGO bumili na ng rubber boat para masagip yung mga stranded pa nung panahon na yun, yung isa nga (nakalimutan ko na kung sino sya) tumawag sa iba't ibang ahensya para manghingi/manghiram ng rubber boat o ng kahit anung resources na pwedeng gamitin sa pagsagip, samantalang sya considering na NDCC Chairman sya aligaga sya at paghingi lang ng tulong sa ibang bansa ang nakikita nyang solusyon sa nangyaring yun??? Ganun po ba ang me leadership? E paano kung walang tulong na dumating, anu ng gagawin nya? : c o n f u s e d : 

Leader sya, dapat sa mga ganung pagkakataon me nakahanda na syang plano at mga alternatives, hindi yung kung kelan kalamidad na tska pa lang gagawa ng plano. At huling huli mong gagawin ang humingi ng tulong pag talagang walang wala ka ng magagawa.



On Noynoy's Ad: "Hindi ka Nagiisa"

In fairness ang ganda nung song at bigatin ang mga artista at ang tagal ha about 3mins cguro. Mukhang mas ginandahan ni Boy Abunda ang ad ni Noynoy kesa sa mga ad na conceptualize nya dati ke Manny Villar. : r a z z : 





: t a k a s : 


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
akalain mo!
older post:
ANO NANGYARI SA MGA RELIEF GOODS SA DSWD

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
xknothing    •reply Nov 5, 2009 @ 5:21 PM
 
station id ata ung kay noynoy eh grave : l o l : 
  silentheart08    •reply    Nov-5-09@5:52PM
honga e : l o l :  tas karamihan talent ng 2. cla marian , dong, regine at ogie lang ang 7
xknothing    •reply Nov 5, 2009 @ 5:23 PM
 
at xempre, bad3p dn aq s late registrants. may nalalaman pa silang "pabalik balik na ako" or "nag leave or absent para lang dto" eh duh, sana noon pa nila gnwa un. tangna.
Tank20    •reply Nov 5, 2009 @ 7:55 PM
 
: n a u g h t y : 

kung mananalo ba si erap ....maghaahtian na lng cla ni madam gma?

'suhol' ika nga para di cya bengahan....

: e v i l : 

ay lab tu c dat dey!: d e v i l : 
ewanskie    •reply Nov 5, 2009 @ 10:01 PM
 
: w o r s h i p : 

ayan na po ang banat ng tahimik na puso.. : n a u g h t y : 
DEMO    •reply Nov 5, 2009 @ 11:41 PM
 
people actually loves to procrastinate lalo na sa mga kababayan natin na iisipin na malayo pa naman ang deadline mamaya nalang ako magpaparehistro yung mga tipong ganung ugali ng pinoy. kung me commonsense lang sana ang mga taong yan na mas logical na pumunta dun habang maaga kesa magpapalate na magrereklamo pa dahil sa haba ng pila. pffttt typical pinoy talaga.

about kay erap? nagbago? : l o l :  kung nagbago na si erap dapat di na siya tumakbo, dapat sana kung gusto niya talagang makatulong sa kapwa di na niya kailangan pang tumakbo kundi magbigay nalang siya ng suporta sa mga taong nangangailangan ng tulong. yun kasi, alipin na sa kayamanan at kapangyarihan kaya nagpapakasanto ang demonyo para makamit ito at mahalin ng tao. erap para sa mahirap slogan niya yan noon ano nanaman kaya ngayon? : e s e p : 
cptnoname    •reply Nov 6, 2009 @ 12:06 AM
 
nasan ang tissue? : n a u g h t y : 
:tago:
: t a k a s : 
  cptnoname    •reply    Nov-6-09@12:07AM
: h i d e :  pala : D 
Psychotic101    •reply Nov 6, 2009 @ 8:48 AM
 
Wooh.

Tae ni Erap. Wala siyang karapatan magpatawad dahil wala namang may kasalan sa kaniya. Dapat nga e siya ang lumuhod sa harap natin at mag-sorry.
binsoy18    •reply Nov 6, 2009 @ 12:03 PM
 
typical pinoy, procrastination at its best.

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
akalain mo!
older post:
ANO NANGYARI SA MGA RELIEF GOODS SA DSWD
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love is the language our hearts use to speak to one another. For you, my dear, my heart sings.

--Amanda R. Byrd

You need to be logged in to Facebook