tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
CRAZY 4 U
posted by (Nov 07, 2009 @ 6:07PM) views: 175
CHAPTER 1: SIMULAN ANG KAGAGAHAN


[Andrea's P.O.V.]

I was walking down the hallway. Maraming tao, pa'no ba naman eh kakalabas lang ng mga schoolmates ko from their respective classes. Well, pinagtitinginan nila ako. Well, I can't blame them, ganyan naman talaga ako kaganda, parang dyosa.

Before I forget, ako nga pala si Andrea Sophia Locsin. Kasingganda ko raw si Angel Locsin pero hindi ko s'ya kapatid o 'di kaya naman eh kinsmen, ka-surname ko lang s'ya. I'm 19 years old, fourth year Interior Designing student. Famous ako dito sa aming university kasi ako raw ang walking color wheel. Kung sino man 'yong insecure na nag-alias sa akin, a big T.Y. na lang.

Hindi naman talaga ako tralaling. I'm just artistic kaya't colorful ang mga sinusuot ko. Pinapakita ko lang ang burning passion ko for arts.

5'4" ang height ko. Tamang-tama lang. Morena but malaporselana ang kakinisan ng skin ko, black long hair na lampas shoulders, almond-shaped brown eyes na 20/20 ang vision, matangos na ilong at hindi masyadong bilugang mukha. Hanggang d'yan na lang muna ta pagnasahan n'yo na ako.

Ako ang panganay sa amin, pa'no ba naman eh only child lang ako. Ampon lang ako nina Tatay Cosme at Nanay Ditas Locsin. Nagmula kasi ako sa isang bahay-ampunan. when I was 13 years old, pinagpaaral ako ng orphanage kaso may kapalit, kailangan kong umalis after I graduate high school. When nag-sweet 16 ako, umalis na lang ako ng kusa na walang dalang pera at tanging sarili at mga damit ang dala sa outside world. Coincidentally, naghahanap ng saleslady sa negosyo ni Tatay Cosme, isang pwesto slash part slash stall sa mall na isang well retailer ng mga branded na damit sa sapatos.

Nagtrabaho ako at dahil sa aking "efficiency and discipline", inampon nila ako. They supported my studies, Unfortunately, after three years of having flat one grades and being a respectful daughter, iniwan na nila ako. Nakipag-meeting na sila kay San Pedro. An accident ended their life, car crash.

During the funeral, nakilala ko ang mga friends nina Tatay and Nanay. Wow, mga big time. Sa sobrang down to earth ng mag-asawa eh hindi ko alam na super yaman at dami pala ng mga connections nila. From clothing to wine, automotive to fashion, name it! Sobrang dami.

After one week of being alone, dumating ang mga diumano'y tunay na anak nina Nanay at Tatay, sina Stella, Destiny at Marco. Ni hindi kinuwento ni Tatay na may anak pala sila. Disenteng tingnan ang tatlo, naka-business suit, super seryoso at super deadma sila sa presensya ko. During that day also, dumating si Atty. Soriano, lawyer nina Tatay. 'Andun s'ya para ibigay ang last will and testament ng mag-asawa.

Nasa study kami ng mansion. Feel na feel ko ang atmosphere of seriousness. "Ngayon, babasahin ko na ang -----"

"Dalian mo! Our business partners are waiting for us!" sigaw ni Stella.

"Bastos" I thought.

Dahil na rin sa demand ni Stella eh binigyan kami ni Atty. Soriano ng kopya ng testamento. At ito ang division ng yaman.

Ang lahat ng mga factories ay mapupunta kay Marco

Ang mansyon ay mapupunta kay Destiny

Ang dating tahanan nina Tatay at Nanay sa Brgy. San Nicolas ay mapupunta sa akin.

Tumaas ang kilay ko ng mabasa 'yon. "Ang dating tahanan? Wait, parang unfair naman yata!" reklamo ko. Nanginginig si Atty. Soriano nang tingnan ko s'ya.

"Excuse me Andrea (close kami? Ba't alam n'ya ang name ko?), ang kapal din naman ng mukha mo 'no?! Inampon ka lang (Ba't alam n'ya na naman?) nina Mom at Dad. You don't have any right and authority to own our property. OUR PROPERTY!" galit na sabi ni Stella.

May point din naman s'ya but still, for the past three years, hindi naman sila nagparamdam sa mag-asawa. Naputol ang aking pag-iisip ng makita ko ang testament. Binasa ko ulit ito. May kasama pa palang P2,000,000.00 pocket money. But still, hindi pa rin ako masaya kasi wala na sina Nanay at Tatay.

During that same day, lumipat (pinalipat actually) ako sa dating bahay. Actually, nasa likod lang ng mansyon ang Brgy. San Nicolas. Well, Brgy. San Nicolas is the most poverty stricken part of the city. Imagine a thousand squatters home pero hindi naman talaga ganon. Kahit medyo hindi nakakaangat sa buhay ang mga naninirahan dun, wala naman krimen na nangyayari. Lahat kasi ng mga family members na eligible mag-trabaho ay may trabaho, may magandang sahod at nakakakain sila three times a day. Hindi pa kasama dun ang merienda. Well, thanks to Nanay and Tatay, sila kasi ang nagbigay ng trabaho sa kanila.

I never knew that God will give me the best love story ever pagkatapos ng pinagdaanan kong 'yon.

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 1)
older post:
Ang prince charming ni Ditas (one)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
rach_iilove09    •reply Nov 7, 2009 @ 7:32 PM
 
Ano kayang klaseng love story ang meron siya? Ang ganda ng story mo. May thrill every paragraph. Next na! : s m i l e : 
perfectworld    •reply Nov 7, 2009 @ 8:19 PM
 
nxt na... kaka curios... : n a u g h t y : 
jean26    •reply Nov 7, 2009 @ 8:50 PM
 
`ay.

`parang miss no good cguro toh.
bukaykay    •reply Nov 7, 2009 @ 10:08 PM
 
Kakacurious nga.
macqueen042006    •reply Nov 9, 2009 @ 1:09 PM
 
Next na po..
kaezy    •reply Nov 9, 2009 @ 11:48 PM
 
next na otor,,.. : b l u s h : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 1)
older post:
Ang prince charming ni Ditas (one)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
The greatest weakness of most humans
Is their hesitancy to tell others,
How much they love them
While they're alive.

--O.A. Battista

You need to be logged in to Facebook